Chapter 126

"Ginoong Guō Chao, Hindi ko aakalaing makikita ko kayo ng personal rito. Akala ko ay isa kayong guest elder ng Shangyang Academy." Magalang na sambit ng batnag lalaking si Li Xiaolong. Makikita ang labis na pagrespeto niya rito lalo na't isa itong tunay na malakas na eksperto.

Tila labis namang nagulat ang matandang lalaking nakasuot ng puting roba na si Guō Chao habang nakalihis ang kaniyang tingin ngayon sa batang lalaking nasa kabilang direksyon ng lalaking si Guild Master Branch Chen Hui.

"Huh? Kilala mo ako?! Paano mo nalaman ang Shangyang Academy? Taga-Wind Fury Kingdom ka ba?!" Tila gulat na gulat na sambit ng matandang lalaking si Guō Chao habang nakatingin ito sa batang lalaking hindi pa niya tukoy ang pagkakakilanlan nito.

Base sa pagkakasabi ng batang lalaking nasa harapan niya ay tila ba mayroon itong kung ano mang alam sa nasabing Shangyang Academy o nakapunta na ito doon.

Napakamot naman sa kaniyang sariling batok ang batang lalaking si Li Xiaolong na tila ba magdadalawang isip pa ito kung sasagutin niya ba ang katanungan ng matandang lalaking nagngangalang Guō Chao.

Sa huli ay napagdesisyunan niyang maging magalang at tapat sa matandang lalaking ito. To think na isa itong Guest Elder ng Shangyang Academy ay malaki ang tiwala niya rito.

"Nakita ko po kasi ang malaking litrato niyo sa may Hallway ng Shangyang Academy. Tsaka Hindi po ako taga-Wind Fury Kingdom at nakakalungkot man isipin ngunit hindi po ako isang estudyante ng Shangyang Academy." Tapat na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Tila ba ang kalungkutan na ito ay isa lamang akto para sa batang lalaking si Li Xiaolong. Isa pa ay kailangan niyang makisabay sa dalawang nilalang na nasa harapan niya. Sa murang edad niyang ito ay hindi magdududa ang mga ito sa kaniya na siyang isang convenient way para dito.

Tila naging malambot naman ang ekspresyon ng matandang lalaking si Guō Chao habang nakatingin ito sa batang lalaking nasa harapan niya.

"You mean to say ay hindi ka nakapasa? Given na rin iyon dahil mataas ang requirements ng mga paaralan sa Wind Fury Kingdom lalo na ang Shangyang Academy. Kung hindi ka taga-Wind Fury Kingdom ay malamang ay taga-dito ka. Ano'ng pangalan mo bata at saan ka nagmula?!"

"Opo, hindi po ako nakapasa pero atleast nag-try po ako. Talagang napakaganda at nakapresterhiyoso ng Shangyang Academy n--------!" Nakangiting sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit mababakas pa rin sa tono ng pananalita nito ang tinatagong lungkot nito. Hindi pa siya nakakatapos magsalita ay mabilis siyang pinutol ng magsalita ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui.

"Yan ang batang si Li Xiaolong, Senior Guō Chao. Mula sa pamilya ng mahinang angkan na napakadukha na Li Clan. Hindi pa iyan Senior dahil ang angkan nito ay ginalit ang mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom!" Malakas na sambit ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui habang puno ng patutsada ang laman ng salita nito laban sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at sa mismong angkan ng mga Li na kinabibilangan ng kinaiinisan niyang batang lalaking si Li Xiaolong.

Makikita sa mukha nito ang labis na inis sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at sa angkang pinagmulan nito na walang iba kundi ang Li Clan.

Hindi niya aakalaing inaagawan siya ng atensyon ng batnag lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa mga oras na ito. Imbes na siya ang kausapin ng matang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Senior Guō Chao ay na-divert ang atensyon nito sa batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila naningkit naman ang mata ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na nagngangalang si Guō Chao. Makikita ang kakaibang tingin nito sa medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui.

"Umayos ka sa pananalita mo Chen Hui, baka nakakalimutan mo na customer mo o bisita mo ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ng Li Clan na ito. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo na pati bata ay pinapatulan mo?!" Panenermon naman ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao sa medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui.

Napatahimik naman ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui sa sinabing ito ng matandang lalaking nasa harapan niya lamang na si Senior Guō Chao.

Tila nagdiwang naman sa loob-loob niya ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa naging pangyayaring ito ngunit di niya pinahalata. Mabilis siyang nagsalita.

"Hehe... Sanay na rin po ako o kaming mga miyembro ng Li Clan sa mga ganitong klaseng pagtrato Ginoong Guo Chao. Hindi ko lang aakalaing pati ang Feathers Guild ay ganito rin pala ang trato saming mga hirap sa buhay." Nalulungkot na saad ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila nagsisimula ng manubig-nubig ang pares ng mga mata nito.

Tila nakaramdam naman ng habag ang matandang lalaking si Guō Chao dahil sa nakikita niyang ito na tila ba papaiyak na ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong mula sa Li Clan. Medyo nataranta na siya sa kaniyang kalooban.

Mabilis niyang tiningnan ng matalim ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui dahil sa pangyayaring ito. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya sa mga oras na ito.

"Chen Hui, gumawa ka ng paraan. Malaking eskandalo tong ginagawa mo. Ano'ng karapatan mong awayin ang batang lalaking si Li Xiaolong ha?! Humanda ka sakin mamaya. Kung sakaling mabalitaan ito ng iba ay magmumukhang malaking katatawanan ang buong Feathers Guild, kahit buhay mo pa ang kapalit sa kahihiyang ginawa mong ito ay kulang pa!" Galit na galit na sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao habang may pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

Sa totoo lang ay natataranta na siya sa mga oras na ito. Hindi niya aakalaing aabot sa puntong ito ang lahat ng mga bagay na ito. Para sa kaniya ay walang nagawang kasalanan ang batanv lalaking si Li Xiaolong na napakamusmos pa nito, kasalanan talaga ito ng Guild Master Branch na si Chen Hui. Nakakapang-init ng ulo talaga ang pangyayaring ito lalo na sa kapalpakang ginawa ng Guild Master Branch na si Chen Hui.