Chapter 21

Matapos na silang kumain ay nagpahinga muna sila habang ang mag-asawang si Li Qide at Li Wenren ay nagtulungang maghugas at magligpit ng mga kalat sa kusina. Tila ba isa ito sa masayang gabi na siyang paghahapunan sa loob ng maliit na bahay na ito. Tila ba nagkaroon ng maliit na kasiyahan rito.

Ang batang si Li Xiaolong naman ay siyang nagbabantay sa kapatid nitong nasa loob ng crib na gawa sa kahoy. Tila ba napakasaya nito habang ang kapatid nitong wala pang muwang ay humahagikhik sa loob ng crib. Tila ba hindi ramdam ang hirap sa buong araw na nakalipas maging sa salat sa materyal na bagay o magagarang mga kagamitan. Tila isang napakagandang biyaya para sa mag-asawang sina Li Wenren at Li Qide ang kanilang mga anak na nagbibigay kulay sa maliit nilang bahay.

Samantala...

Nasa labas ng bahay ang magandang dalagang si Li Jianxin kung saan ay tila sa nag-oobserba pa rin ito sa maliit na bahay. Hindi nito mapigilang makaramdam ng saya na makikita sa pares ng kulay tsokolateng mata nito.

"Ang saya nila noh, hindi ko aakalaing sa maikling panahon ng pamamalagi ko sa lupain ng angkang pinagmulan ko ay mayroong mga ordinaryong taong nagnanais ng kapayapaan sa kanilang lupang kinaroroonan lalo na at sinisigurado nilang maayos ang lagay ng kanilang mga anak." Makahulugang sambit ni Li Jianxin habang hindi pa rin mawala ang tingin nito sa maliit na bahay na ito.

"Tama ka. Hindi ko aakalaing mayroon palang ganitong klaseng pamilya noh. Kahit na masasabing hirap sila sa buhay ay nakukuha pa rin nilang maging masaya. Subalit hindi lahat nagkakaroon ng ganitong swerte. Hindi man natin sabihin ngunit tunay na salungat ang mundong ito lalo na at lakas ang kailangan para maprotektahan mo ang mga mahal mo sa buhay." Makahulugang tugon ng lalaking si Night Spider. Tila ba mayroong gumuhit na lungkot sa pares na mata nito at makikitang pinipigilan nitong mapiyok. Tila ba hindi niya masabi ng direkta ang nais nitong sabihin.

"Tama ka. Lalo pa't ang angkan ng Li ay nalalapit na ang pag-decline nito. Kahit sabihing mayroong Superior 5-Grade o Inferior 6-Grade na lumitaw sa mga batang henerasyon ay hindi sapat iyon para masiguradong magiging ligtas ang mga pamilyang naririto. Hindi ko alam kung mapoprotektahan ko sila pagdating ng araw dahil maging ako ay napakahina ko pa rin hanggang ngayon." Malungkot na saad ng magandang dalagang si Li Jianxin. Bakas ang kawalan nito ng pag-asa. Alam niyang ilang mga taon lamang ay tuluyan ng madi-dissolve ang maliit na angkang ito na konti lamang ang mga eksperto rito. Malaki rin ang suliraning kinakaharap ng Clan Chief at mga katuwang nitong mga Elders lalo na sa mga katabing mga angkan. Hindi maipagkakailang mataba ang lupang kinatatayuan ng Li Clan na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga Li Clan Members ay ang agrikultura. Kung hindi dahil sa proteksyong mapahanggang ngayon ng mga naging kawal o miyembro ng hukbong sandatahan ng ibang mga kaharian na ang isa na rito ay si Li Mo. Ngunit kagaya nga ng mga nagdaang mga taon ay patuloy pa rin sa pakikipag-away ng palihim ang mga opisyales ng kinabibilangan ng lupain ng Li  Clan na walang iba kundi ang Sky Flame Kingdom. Hindi maaaring baliwalain ang malaking banta nito sa maaaring kakaharapin ng Li Clan sa oras na wala silang maipresentang tatlong mga kandidato ang Li Clan para sa kanilang kinabibilangang Kaharian. Mabuti na lamang at mayroong tatlong talentadong batang magiging martial artists sa hinaharap ngunit hindi mabibilang ang batang si Li Gumu sa nasabing kandidato lalo pa't nasa Hollow Earth Kingdom ang nasabing ama nitong si Li Mo. Sa lagay naman ng batang si Li Xiaolong ay hindi siya napabilang sa listahan na maaaring maging kandidato ng Li Clan para Sky Flame Kingdom dahil sa naging resulta ng laban nito. Ito talaga ang dahilan kung bakit nalungkot ngayon si Li Jianxin sa kalagayan ng batang ito.

"Ganon naman ang buhay at pamumuhay ng mga nilalang sa Martial World na ito. Ang malakas ay maaaring mas lumakas pa pero ang mahihina ay mas magiging napakahina pa. Kung tadhana ng mapuksa ang angkan ng Li Clan ay wala tayong magagawa pa." Mahinahong sambit ni Night Spider. Isa siya sa maituturing na neutral o yung hindi nagbibigay pabor o nang-aapi. Matagal na siyang mulat sa katotohanang ito. Ultimo siya ay mayroong malaking problema at suliraning dinaranas makarating lamang siya sa kinaroroonan niya ngayon.

Napatahimik lamang ang magandang dalagang si Li Jianxin dahil sa naging turan ng lalaking si Night Spider. Alam niya ang pakiramdam na pilit na magpakatapang at magpakatatag. Sa huli ay sila pa rin ang pipili ng daan na tatahakin nila. Ang maging malakas ang top priority ng mga martial artists na katulad nila. Isang ardous training ng kanilang mga sarili ang ginagawa nila para makamit ang mga posisyon o kalagayan nila ngayon.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang lalaking si Night Spider.

"Siya nga pala, ngayon natin isasagawa ang planong pag-alis natin sa lugar na ito. Kailangan kong madala ang batang si Li Xiaolong papunta sa kahariang kinabibilangan ko hehe..." Sambit ni Night Spider habang makikita ang labis na kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

"Oo nga noh, malapit na rin naman akong umalis. Babalik na rin kasi ako sa headquarters namin sa susunod na mga araw dahil baka hindi ko maasikaso ang batang si Li Xiaolong kung magkakaroon pa ng delays. O siya, sasabihan ko na ang mag-asawang sina Aling Wenren at Mang Qide. Tiyak akong kapag ikaw ang magsabi sa kanila ay di ka nila papayagan." Sambit naman ng dalagang si Li Jianxin habang hindi nito mapagilang mapahagikhik ng mahina. Tila ba hindi nito maaasahan si Night Spider sa bagay na ito lalo pa't kilala ang lalaking ito sa pagiging straight forward at prangka kung magsalita. Ano pa ang aasahan niya rito diba?!

"Aba aba, hindi ba ako maaasahan pagdating sa bagay na ito? Ang simple simple lang naman niyan eh." Sambit naman ng lalaking si Night Spider habang makikitang lalakad na ito papasok.

"Hep hep hep, wag kang kikilos. Akala mo ay pagkakatiwalaan kita sa bagay na ito. Baka daanin mo lang sa dahas iyan eh na magreresulta pa na di ka papayagan nina Aling Wenren at Mang Qide. Wag ako Night Spider, naku naku!" Sambit ng magandang dalaga na si Li Jianxin. Aba aba, kilala ng halos lahat sa Dou City ang pangalang Night Spider, aba aba, siya itong tipo ng taong puro kaseryosohan ang laging pinapakita nito sa lahat maging sa mga nakasalamuha rito at naengkwentro nito ay talaga namang kilala ito sa pagiging brutal sa pisikalan at sa karahasan. Pero alam niyang di uubra ang uglaing ito ni Night Spider sa mag-asawang ito. Kahit nga siya ay takot sa mag-asawang ito lalo pa't kahit sinumang gumagawa ng kabulastugan sa mga ito ay nakakatikim kay Aling Wenren, baka mapingot niya lang sa tenga itong si Night Spider. Siyempre, close sola ni Aling Wenren. Parehas kaya silang amasona.

Napatahimik na lamang si Night Spider habang makikitang itinaas nito ang dalawa niyang kamay na animo'y sumusuko. Kahit nga siya ay nakaramdam ng kakaiba sa mag-asawang ito pero nakikita naman niyang normal naman ang mga ito ngunit palagay niya ay hindi rin gagana ang salita niya sa mga ito at ngayon lamang niya ito pormal na nakilala ang mga ito. Hindi naman siya tanga para gumawa ng sariling kabulastugan.