Chapter 22

Kasalukuyan naglalakbay sina Night Spider, Li Jianxin at ang batang si Li Xiaolong. Tila ba isang napakatahimik na gabi para rito. Tanging ang kanilang sariling tunog ng pag-apak sa tuyong lupa ang maririnig sa daang tinatahak nila maging ang tinog lang ng kabayo at ang pagkalansing ng mumunting mga metal sa katawan nito ang tumutunog o kumakalansing.

Naglalakad lamang sina Night Spider at ang magandang dalagang si Li Jianxin habang ang batang si Li Xiaolong naman ay nakasakay sa kabayo. Tila tuwang-tuwa naman ang batang ito sa paglalakbay na ito. Kung di siya nagkakamali ay ito ang unang beses na naglakbay siya patungo sa ibang teritoryo lalo na sa ibang kaharian. Tanging maliit lamang na lupain ang kinaroroonan ng angkan ng mga Li na sakop ng Sky Flame Kingdom. Iyon lamang ang alam niya at kung makakapunta siya sa ibang kaharian ay tila isang malaking pagkatupad ng pangarap ito para sa batang si Li Xiaolong. Tila ba hindi siya makapaniwala. Kanina pa siya tanong ng tanong sa kaniyang itinuturing na Ate na si Li Jianxin ngunit purong oo at tango lamang ang sagot nito sa kaniya. Tila ba hindi ito nagsisinungaling sa kaniya, hindi naman palabiro ang kaniyang ateng si Li Jianxin. Tila ba isa pa rin itong magandang panaginip para sa batang si Li Xiaolong.

Nalaman niyang dadaan pa sila sa boarder line ng nasabing kaharian nila (Sky Flame Kingdom) papasok sa Boarder line ng Wind Fury Kingdom. Nalaman niyang mahaba-haba pa ang lalakbayin nila.

Matalinong bata naman si Li Xiaolong at masasabing hindi niya alam kung ano talaga ang pakay nila sa pagpunta sa Wind Fury Kingdom lalo na't hindi nga siya pamilyar sa kung gaano kalawak ang Sky Flame Kingdom at kung ano naman kalawak ang Wind Fury Kingdom. Imbes na gumulo at malito ang isip ng batang si Li Xiaolong ay nilibang niya lamang ang kaniyang sarili para sa paglalakbay na ito at manahimik na lamang upang ma-enjoy ang paglalakbay na ito.

Samantala...

Walang kibuan ang nangyayari sa pagitan nina Li Jianxin at Night Spider. Tila ba malalim ang iniisip ng mga ito.

Ngunit maya-maya lamang ay bigla na lamang nagsalita ang dalagang si Li Jianxin.

"Mabuti na lamang at pumayag sina aling Li Wenren at Mang Li Qide. Kung hindi ay baka hindi tayo makaalis ng hindi kasama ang batang si Li Xiaolong." Sambit ni Li Jianxin na nakatingin sa lalaking si Night Spider.

"Oo nga eh. Pero matanong ko lang, ano sng dinahilan mo sa dalawang mag-asawang sina Aling Li Wenren at Mang Li Qide?!" Seryosong sambit ni Night Spider habang makikitang hindi pa rin siya masyadong kumbinsido sa sinabi ng dalaga.

"Yun ba? Wala iyon, sinabi ko lang naman ang totoo, alam mo namang hindi ako nagsisinungaling sa mag-asawang iyon dahil kilalang kilala nila ako. Isa pa ay may tiwala sila sa akin. Hindi rin naman maipagkakailang mayroong malaking suliranin ang Li Clan at hindi iyon lingid sa kaalaman ng lahat ng mga miyembro ng Li Clan. Kung mananatili lamang ang batang si Li Xiaolong sa kanilang puder ay hindi nila kayang suportahan ang pangangailan nito sa pagiging Martial Artists. Alam mo naman ang estado nila hindi ba." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Makikita ang kakaibang lungkot sa tono ng boses nito ngunit mas minabuti nitong ikalma ang kaniyang sarili para maging mahinahon. Maging siya ay alam ang problemang ito maging ng ibang mga martial artists na nagmula sa kanilang Angkan ng mga Li. Hindi rin sikreto ang pagkaipit nila sa pagitan at pasimuno ng mga opisyales ng Sky Flame Kingdom. Yung tipong nagtatanim sila ng galit sa Li Clan. Maging siya ay hindi nabibilang ngayon o sakop ng pamamahala ng Sky Flame Kingdom dahil siya ay nabibilang sa Hollow Earth Kingdom. Kung naging lalaki lamang siya ay maaaring maging ganap siyang kawal o nasa hukbong sandatahan siya ngunit dahil sa kaniyang pagiging babae ay nahahanay siya sa mga Assassins na branch na matatagpuan sa mismong sentral na lokasyon ng Dou City. Tungkulin din nilang magserbisyo sa pamamagitan ng pagiging investigator o spy pero isang tunay na Assassins? Malayo ito sa katotohanan dahil hindi sila maaaring mag-engage o masangkot sa mga aktuwal na labanan liban na lamang kung kinakailangan.

Napatahimik saglit si Night Spider. Hindi maipagkakailang alam nito ang sinasabing ito ng dalagang si Li Jianxin. Ang pagiging martial artists ay hindi lamang simpleng bagay na maaaring one time lang gawin o isagawa. Kinakailangan nila ng mga mahahalagang mga sangkap at mga bagay na  maaaring gamitin para lumakas o panatilihin ang kanilang kondisyon ng katawan. Ang pagcucultivate ang numero unong prayoridad nilang mga martial artists. They have to hone theirselves inorder to grow and to become powerful expert.

"Kaya nga eh... Sa estado ng Li Clan at sa mga hirap sa buhay na mga pamilya ay talaga namang hindi nila makakayang suportahan ang pangangailan ng kanilang mga anak na nangangarap maging malakas na eksperto sa martial artists sa hinaharap. Tunay ngang nakakalungkot ang mga bagay na ito." Sambit naman ni Night Spider sa garagal na boses. Naalala niya ang kaniyang sariling pinagmulan, kung gaano sila kahirap sa buhay at salat sa materyal na mga bagay. Yung tipong mahirap pa sila sa daga. Kung minsan nga ay isang beses lamang silang kumain ng mga ordinaryong pagkain lamang. Kung paano niya narating ang estado niyang ito ay utang na loob niya ito sa Wind Fury Kingdom.

"Hahaha... Sinabi mo pa. Ano na lamang kaya ang kalalabasan ng buhay natin noon kumpara ngayon kung hindi tayo sumubok at nagsumikap kung saan tayo ngayon siguro ay nanatili lamang tayong mga ordinaryong mga nilalang na nakagapos sa kamay ng mga mapang-aping nilalang." Makahulugang sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin.

"Sinabi mo pa. Hindi ko aakalaing kung sino pa mismo ang malalakas ay tila sila pa ang nanghahamak at tumatapak sa buhay ng mga mahihina't nang-aapi. Normal na lamang ang mga bagay na ito at mabuti na lamang ay pinalad tayo." Sambit ni Night Spider habang nakangiti. Talagang maswerte sila, sa kanilang kalagayan bilang isang martial artists ay hindi na nila porpoblemahin ang mga pamamahalang pampolitika. Isa pa ay malaya silang maglakbay sa kung saan nila gustong pumunta ngunit ang panganib na kakaharapin nila at lugar na napakahiwaga ay mayroong panganib na naghihintay sa kanila.