Chapter 23

Ilang oras din ang nagtagal bago nila marating ang mismong teritoryo ng Wind Fury Kingdom.

Napakataas at napakatibay na tarangkahan ang bumungad sa mata nina Li Jianxin lalo na ng batang si Li Xiaolong. Habang ang lalaking si Night Spider ay tila ba parang wala lamang ito sa kaniya pero para kay Li Jianxin lalong-lalo na sa batang si Li Xiaolong ay tila ba nakakamangha ang bagay na nakikita niya. Masasabi niyang maganda ang mga nadaanan niyang mga tanawin at mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan ngunit ang tarangkarahan ito ay tila ba nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam.

Sa murang edad ng batang si Li Xiaolong ay hindi lingid sa kaalaman niya ang mga bagay-bagay na ito lalo na sa mga pambihirang tarangkahan ng bawat kaharian ngunit talagang mas maganda at nakakamangha pa rin kung aktuwal o pisikal na nakikita ang mga bagay-bagay na naikukuwento o nababasa niya lamang sa mga libro.

"Ate, sino po ba ang gumawa ng napakataas na tarangkahan na ito?!" Inosenteng tanong ng batang si Li Xiaolong. Tila ba hindi pa rin matanggal ang pagkamangha at positibong emosyon sa pares na mata nito pero mababakasan ng kuryusidad ang mukha nito. Tila ba hindi ito matatahimik hangga't hindi nito maikukumpara ang mga nakasulat sa libro.

"Ah... Ehhh... Hindi ko rin alam eh. Hindi ko rin kasi alam eh." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Naging totoo lamang siya sa kaniyang sarili. Hindi siya ganoon kalakas at katalino para makapasok sa pambihirang mga Cultivation Hall o mga malalaking mga Cultivation Library kung saan naroroon ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa mga bagay na pinagmulan ng mga bagay-bagay lalo na ng kung sino o sino-sino ang gumawa ng mga matataas at napakahabang tarangkahan. Hindi rin niya maaaring sabihin na ganito lang naabot niya at hindi rin niya maaaring direktang sabihin na napakahina niya pa para sa antas na siyang requirements sa pagpasok ng mga pambihirang mga lugar para maghanap ng mahahalagang impormasyon.

Napayuko na lamang ang magandang dalagang si Li Jianxin dahil sa hiya ngunit napabalikwas siya nang magsalita ang lalaking si Night Spider.

"Ang gumawa ng mga matataas at napakatibay na mga tarangkahan na ito ay naging posible lamang dahil sa pagtutulungan ng mga naunang mga eksperto ng Wind Fury Kingdom. Kung sino ang mga ito ay walang nakakaalam bata ngunit ang mga eksperto tinutukoy ko ay napakalakas ng mga ito kung saan ay nakaya nilang gawin ang ekstraordinaryong tarangkahan na ito ay masasabing napakapambihira nilang mga indibiduwal." Sambit ng lalaking si Night Spider habang nakatingin sa binata habang mabilis naman nitong sinulyapan ang magandang dalagang si Li Jianxin.

Namula naman sa pagkapahiya ang nasabing dalagang si Li Jianxin. Alam nito ang sinasabi ng lalaking si Night Spider ay pawang katotohanan at seryoso ito habang nagsasalita.

"Talaga po?! Parang gusto ko rin pong maging malakas na eksperto sa hinaharap!" Bibong sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay tila tumindig pa ito na parang nakatingin sa kaniyang hindi nakikitang mga nasasakupan.

Hahahahahahahahahaha...!!!!!!!!

Hahahahahahahahahaha...!!!!!!!

Tila bumulanghit sa kakatawa ang lalaking si Night Spider maging mg magandang dalagang si Li Jianxin sa kanilang isipan lamang habang pinipigilan ang sarili nilang maisalabas ang emosyong ito lalo na ng makita nilang palipat-lipat ang tingin nito sa magandang dalagang si Li Jianxin at sa lalaking si Night Spider.

"Ano po'ng nangyayari sa inyong dalawa Ate Jianxin. Mukha po kayon ewan." Inosenteng tanong ng batang si Li Xiaolong tila ba naguguluhan siya sa kinikilos ng mga ito.

Sino ba naman kasi ang hindi magtatanong kung ang mukha nila ay parang nagpipigil tumawa o parang natatae ang ekspresyon ng mga ito habang nakatingin sa kasama nilang batang si Li Xiaolong.

"Ahemmm... Aheemm... Wala yun Xiaolong. Basta pagsikapan mong maabot ang pangarap mo ha hehehe..." Seryosong sambit ng lalaking si Night Spider na siyang nagsalita sa halip na ang dalagang si Li Jianxin ang tinatanong nito.

"Opo, Kuya Night Spider. Pagsisikapan ko talagang makamit ang pangarap kong ito hehehe..." Seryosong sambit naman ng batang si Li Xiaolong.

Nagpatuloy lamang ang kanilang paglalakbay kung saan papasok sila sa loob ng tarangkahan na siyang papasok sa teritoryo ng Wind Fury Kingdom kung saan naninirahan ngayon ang lalaking nagngangalang Night Spider.

Hindi mawawala ang kwentuhan, biruan at asaran ng tatlong nilalang na masayang naglalakbay papunta sa mismong kaharian. Tila ba isang namumuong koneksyon sa tatlo ang mangyayari na siyang hindi namamalayan.

Masasabing ibang-iba ang lugar na ito sa nalasanayang lugar nina Li Jianxin at ng batang si Li Xiaolong na siyang nanggaling at naninirahan sa Sky Flame Kingdom maging ang dalagang si Li Jianxin ay hindi nito maipagkakailang nalito siya kahit na nakarating na siya sa Hollow Earth Kingdom na siyang nagsisilbing pangalawa niyang tahanan.

Para sa kaisipan ng batang si Li Xiaolong ay tila ba naninibago talaga siya sa nasabing lugar na kinaroroonan nila na walang iba kundi ang Wind Fury Kingdom.

Halos ang mga kalye rito o daraanan ay napakakonti lamang ng mga tao rito maging ang mga dumaraang mga kabayo ay kokonti rin. Tila malaking kaisipan pa rin rito kung bakit halos wala siyang makitang mga pagala-galang nilalang. Ang isa pa sa nakakalito isipin ay halos wlaang ingay na naririnig sa paligid, walang mga batang pagala-gala sa kalye at tanging mga bakanteng upuang gawa sa mga kahoy lamang ang nakikita.

Naglakad pa sila ng naglakad hanggang sa napansin ng batang si Li Xiaolong papasok sila sa isang lugar na mayroong malaking dome na entrance kung saan ay mayroong mga matataas na pader kung saan ay walang kahit na anumang makikita mula sa labas. Nakita niya rin ang malalaking letrang nakasulat sa itaas, WIND FURY MARKET.

"WIND FURY MARKET?! Hmmm... Sigurado akong napakraming tao sa loob ng lugar na iyan hehe." Dito ay pumasok sa isipan ng batang si Li Xiaolong na isa pala itong pamilihan o palengke ng Wind Fury Kingdom. Tila ba umaasa siyang napakaraming tao ang pumunta rito ngayon dahil halos wala siyang makita kanina sa kanilang dinaraanan kanina. Tila ba napangisi na lamang ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang naiisip. Hindi niya lubos maisip na mayroon pala siyang angking talino para maisip ang bagay na bumabagabag sa isipan nito.