Chapter 142

Mula sa kinaroroonan ng isang silid na may numerong dalawa (2) ay mabilis na nagsalita ang isang nilalang mula rito na talaga namang ikinagulat ng lahat. Knowing how quiet this room is at kung paano'ng hindi nila ito napansin kani-kanina pa.

"10,000 gold coins!" Sambit ng isang nilalang sa baritonong tono ng boses na hindi pa alam ang pagkakakilanlan nito.

Tila napasinghap naman ang lahat at nanlalaki ang mga mata ng mga nilalang na saksi sa pangyayaring ito ngunit hindi pa sila nakakarekober sa pangyayaring ito ay mabilis namang nagkaroon ng isa pang boses na nagpagulat sa lahat.

"20,000 gold coins!" Sambit ng isang nilalang sa isang pribadong silid na may numerong isa (1) na walang iba kundi ang VIP room na kinaroroonan ni Prince Feng.

Samantala... Nasa loob ng isang silid na mayroong numerong lima (5) ang kasalukuyang may namumuong tensyon mula sa dalawa sa tatlong nilalang na naririto na walang iba kundi ang kinaroroonan mismo ng magandang dalagang si Yì Hua habang nakikipagtalo ito sa matandang lalaking si Elder Yì Huizhong.

"Uncle, gusto kong makuha ang Talisman na iyon. Kung alam lang ng mga ito kung gaano kahalaga ang isang Early Xiantian Realm Item ay talagang kapaki-pakinabang ito. I think worth it ito." Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua. Gustong-gusto niyang makuha ito ngunit hindi payag ang kaniyang Uncle Huizhong sa kaniyang sariling kagustuhan.

"Hahaha... As far as I know wala pang ganitong klaseng bagay akong nakita sa buong buhay ko na isang Red Capturing Net Talisman na capable daw na maging Xiantian Realm item. Alam naman natin na one-time use item lamang ito at hindi isang bagay na kayang paslangin ang sinumang nilalang. Do you think it's worth it?!" Sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong na makikita ang labis na pagtutol niya sa kagustuhan ng magandang dalagang si Yì Hua.

Tahimik lamang na nagmamasid ang magandang batang si Yì Liqiu sa isang gilid dahil mas nakapukos ang mga ito sa kanilang sariling pag-uusap at pakikipagtalo.

"I know Uncle pero alam naman kasi natin na isang malaking feat ang mahuli ang kalaban hindi ba?! I'm sure na isa itong ekstraordinaryong bagay." Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang pilit nitong kinokumbinsi ang kaniyang sariling Uncle na si Yì Huizhong na bilhin ang bagay na ito. He can says that this item is worth it to buy.

"Basta ayoko Yì Hua, isa akong Early Xiantian Realm Expert kaya alam kong hindi worth it ang bagay na ito na bilhin." Sambit ni Elder Yì Huizhong habang makikitang hindi na natutuwa sa inaasal ng magandang dalagang si Yì Hua.

Sa huli ay natalo lamang ang magandang dalagang si Yì Hua sa naging argumento at pagtatalong ito. Kung tutuusin ay masasabing hindi talaga niya makukumbinsi ang sariling tiyuhin niya sa pangyayaring ito.

Nanahimik na lamang si Yì Hua habang naririnig niya pa ang mga bid ng mga martial artists sa ibang mga VIP rooms.

Sa mga oras na ito ay maraming mga martial artists ang nagkokompetensiya na makuha o makamit ang nasabing Xantian Realm item na tinatawag na Red Capturing Net Talisman na tatlong piraso lamang.

"35,000 gold coins!" Sambit ng isang Elder na sa Máo Clan nabibilang. Ito na ang huling resort nito sa item na ito.

"38,000 gold coins!" Sambit ng isang Elder ng Kāng Clan habang hindi ito nagpapatalo. Kung tutuusin ay gusto niya lang lamangan ang Elder ng Máo Clan pagdating sa palamangan ng ibi-bid.

"40,000 gold coins!" Sambit namn ng Cuī Clan habang ipinapakita nito ang yaman nito sa dalawang angkan na kalaban nito palagi sa subastahan. Nasa 42, 000 gold coins lamang ang limitasyon niya para sa item na ito. Masyado nang malaki kung sumobra pa dito.

"45,000 gold coins!" Sambit naman ng isang di kilalang nilalang na nasa silid na numerong dalawa (2). Halatang hindi ito nagpapatalo kani-kanina pa. He surely want this kind of item.

"50,000 gold coins!" Simpleng sambit ng isang nilalang na nasa numerong isa (1) na walang iba kundi sa silid mismo nanggagaling ni Prince Feng.

"Going once, going twice, going thrice... Sold!" Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Miss Hee na siyang host sa subastahang nangyayari sa kasalukuyan. Makikitang labis ang saya niya sa araw na ito. Kung tutuusin ay malaki na rin ang ganitong klaseng presyo at masasabing it's quite profitable kasi kung ico-convert ito sa pilak ay nasa 500,000 silver coins ito. Isang one-time item use lamang ito at isang trap lamang ito kaya hindi ganoon kainteresado sa ilan sa mga ito. Isa pa ay mayroon din itong time limit kung tutuusin which is given naman talaga.

Napangiti naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa naging pinal na presyo ng kaniyang nasabing Red Capturing Net Talisman na isa sa mga gawa niya bilang isang Craftsman. Kung tutuusin ay warm up pa lamang ito at isa lamang ito sa mga matagumpay na nagawa niya bilang craftsman. Kung tutuusin ay nag-expect lamang siya na nasa 10,000 gold coins up to 20,000 gold coins lamang ang presyuhan nito pero hindi niya aakalaing mayroong maglalaban o magkokompetensiya at umabot sa 50,000 gold coins ang price point nito na masasabing napakataas naman talaga.

"Mukhang malaki-laki ang maiuuwi kong pera para kay Inay at itay maging sa kapatid ko." Masayang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang labis na kasiyahan sa tono ng pananalita nito.

Mabilis namang nakita sa entablado ang pangalawang kahon na naglalaman ng pangalawang item na siyang ipinapasubasta ng batang lalaking si Li Xiaolong. Todo ngiti naman ang batang lalaking si Li Xiaolong nang makita ang nasabing kahon.

"Ito ang masasabi kong hinihintay ng lahat, ang item na nakapokus sa atake!" Sambit na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. This is surely blow the minds of the martial artists present here kapag nalaman nila ang laman ng nasabing kahon.

...

Dahil sa paglitaw ng isang Xiantian Realm item sa loob ng ginagawang pagpapasubasta sa loob ng Jade Auction House ay tila naging instant celebrities na ang nasabing lugar-subastahan na ito. Sino ba ang nag-eexpect sa kanila na may Xiantian Realm item rito eh sa pagkakakatanda nila ay hindi naman ito kasama sa inanunsyo ng Jade Auction House.