Chapter 141

Kaya nila nasabing exaggerated ang ganitong deskripsyons ng nasabing Red Capturing Net Talisman dahil ni kailanman ay wala silang narinig na ganitong klaseng items na capable hulihin ang Bone Forging Stage o Houtian Realm Expert pero ngayon ay tila nagkamali sila dahil pinakilala lang naman ng Jade Auction House na capable daw ito sa paghuli ng Early Xiantian Realm Expert which they found it as fake item.

Samantala...

Dahil sa pangyayaring ito ay hindi maipagkakailang mabilis na lumaganap ang balita dahil ang ilan sa mga nagtutumpukang mga martial artists ay umalis na karamihan sa mga ito ay nagpalaganap ng balita patungkol sa impormasyong kanilang nalaman at ang iba ay hindi nila mapigilang mag-exaggerate ang kwento nila.

Tila nagkaroon ng huge uproar ito sa mga nasa labas ng Jade Auction House lalo na sa mga martial artists na nakarinig sa loob ng bayan maging ang balitang ito ay lumaganap na sa kung saang parte ng buong kaharian ng Sky Flame Kingdom maging sa iba pang kaharian sa maliit na panahon lamang.

Ngunit sa isang silid naman ay mayroong isang binatang lalaking walang iba kundi si Prince Feng. Makikitang mayroong dalawang lalaking bantay ang nakatayo mula sa likuran niya lamang. Mabilis na sumilay ang ngiti nito at nagwika.

"Hindi ko aakalaing mayroong surpresang inihanda nag Jade Auction House sa pagpunta ko rito. I will make sure na kukunin ko ang Red Capturing Net Talisman na iyon. Isang pambihirang bagay ito na minsan lang makita at hindi pa nakikita ng sinuman. How dare them na pagbintangan ng masama ang Jade Auction House lalo na at si Master Liwei ang nagmamanage ng pagpapasubasta ngayon hahahaha...!" Nakangiting sambit ng binatang lalaking si Prince Feng. Nakikita niya ang mga nilalang rito na naglilikha ng mga negatibong pahayag na mga uto-uto at makikitid ang utak. Alam niyang lahat ng bagay ay may posibilidad. Tila ang pagpunta niya rito ay makabuluhan.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong (na nagpapanggap na si Honorable Long na gawa-gawa niya lamang) sa silid na kinaroonan niya. Tila ba ang lahat ng mga nakikita niyang pangyayari ngayon ay masasabi niyang inaasahan niya na ito lalo pa't magdududa ang mga ito sa item na pinasubasta niya pero alam niyang nasubukan na ng Jade Auction House ang kalidad ng ginawa niya. Pagkatiwalaan ba siya at personal na sinundo ng kagalang-galang na si Master Liwei kung palpak at peke ang kaniyang sariling produktong ginawa?! Masasabi niyang medyo exaggerated na rin ang reaksyon ng mga nilalang na naririto to the point na sinisiraan na nila ang Jade Auction House at mga bagay na pinapasubasta ng mga ito.

Bigla na lamang tumahimik ang lahat nang mabilis na nakita ng mga ito ang lumitaw sa loob ng entablado ang isang matandang lalaki na kilalang-kilala ng lahat.

"Si Master Liwei yan hindi ba?!"

"Oo, siya kaya ang namamahala sa pagsusubasta ngayon. "

"Oo nga... Siguro ay alam niya ng peke ang pinapasubasta nilang item hindi ba?!"

"Hoy yang bibig mo. Marinig ka pa ni Master Liwei baka kung ano pa mangyari sa'yo."

"Ito na tatahimik na! Lakas mong makabasag ng trip!"

"Oo trip to death gusto mo?! Isigaw mo yan kay Master Liwei nang may kalagyan yang bunganga mo!"

Tila ang napakaingay na tagpo kanina ay tila biglang lumamig at may namumuong kakaibang atmospera sa loob ng bulwagang ito. Kilala kasi si Master Liwei sa pagiging upright at pagiging istrikto kaya ganon na lamang ang takot nila sa pag-uugali nito.

Mabilis rin itong nagsalita...

"Kung anuman ang naiisip niyo patungkol sa item na pinapasubasta namin ay ito ay isang authentic na item. Pag sinabi ng Jade Auction House na isa itong Early Xiantian Realm na item, paniwalaan niyo dahil sa mismong bibig ko na ito nanggaling. Kung bakit nasa 2nd Phase lamang nilagay ang item na nasa Early Xiantian Realm ang label nito ay dahil ito ang rules ng Jade Auction House lalo na at ngayon lamang nagkaroon ng pagpapasubasta ang nilalang na iyon kaya ganon. Ang sinumang magdududa sa pinapasubasta ng Jade Auction House at sa mga naninira sa mismong Jade Auction House ay may kaukulang mabigat na parusang naghihintay sa mga ito!" Mahabang sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang nililibot noto ang kaniyang sariling pares ng mga mata sa buong bulwagan maging sa pangalawang palapag lalo na sa direksyon ni Honorable Long (ang nagpapanggap na si Li Xiaolong) ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Sa huling sinabi nito ay makikitang may halong paalala at pagbabanta rito.

Tila nakaramdam naman ng kakaibang pakiramdam ng pagkatakot at pagkabahala sa huling sinabi ng matandang lalaking kagalang-galang na si Master Liwei. Kung hindi sila nagkakamali ay alam nilang mabigat talaga ang pinapataw na parusa ng mga ito. Nabalitaan rin nila noon na mayroong napaslang ng hindi inaasahan dahil sa parusang inihahanda ng nasabing awtoridad sa loob ng Jade Auction House na siyang nagbigay kilabot sa kanila.

"Diba tama ako, sabi ko sa inyo eh na lahat ng pinapasubasta ng Jade Auction House ay tunay!"

"Oo nga, kung sino man ang naninira sa mismong Jade Auction House ay mamatay sana ang nilalang na yun!"

"Sang-ayon ako. Di sila karapat-dapat na umapak sa loob ng Jade Auction House dahil sa pinagsasabi nila!"

"Ano'ng masasabi niyo sa pahayag ni Master Liwei, sa una pa lang ay alam kong mapagkakatiwalaan sila. Never nilang binigo ang mga nakakatanggap ng items na pinapasubasta nila!"

Tila puno ng positibong pahayag ang namuo sa bawat sulok ng bulwagang ito kung saan nagaganap ang pagpapa-auction. Masasabing ang lugar na ito ay tila namuo ang awkward na atmospera para sa lahat.

Sa kabilang banda ay gustong matawa ng karamihan sa mga ito na saksi sa buong pangyayari sa mga nagsasalita dahil mostly sa mga ito ay siya ring naninira at nagpapahayag ng negatibong bagay patungkol sa Jade Auction House. Kung automatic siguro ang karma at sinasabi nila malamang sumakabilang buhay na ang mga ito. Talagang napakatuso at napakadelikado ng ganitong klaseng mga tao at mahirap silang kalabanin lalo pa't hindi lamang sila nag-iisa kundi napakarami.

Napatawa na lamang sa loob loob niya ang matandang lalaking si Master Liwei habang nakatingin sa mga ito. Atleast naklaro niya ang lahat. Mabilis na din siyang umalis sa pamamagitan ng pagdaan sa likod ng entablado na siyang dinaanan niya kani-kanina lamang.