Chapter 13

"Masyado atang sumusobra ka na sa sinasabi mo Fang San! Porket hindi namin naaasikaso ang mga pangangailangan ng ibang angkan na nasasakupan ng aming kaharian ay maaari ka ng mang-insulto o magbitaw ng mapangahas na mga pangungusap laban sa kaharian namin. Natural lamang iyon dahil wala pa namang napapatunayan ang Li Clan noon pa man!" Sambit ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom habang mababakas ang galit nito kay Elder Fang San. Tiningnan niya ito ng matalim habang mababanaag ang galit nito.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing ganoon pa rin pala ang galit niyo kay Li Mo dahil mas pinili niya ang Hollow Earth Kingdom kumpara sa inyong Sky Flame Kingdom. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit mas pinili niya ang kahariang iyon kumpara sa inyong kaharian ng Sky Flame!" Sarkastikong sambit ni Elder Fang San habang makikita ang makamandag na salitang gusto niyang iparating sa Kaharian ng Sky Flame.

"Bakit ako nadamay diyan Fang San. Tsaka pinili iyon ni Li Mo dahil nasa lineage nila ang pagiging mandirigma lalo na ang pagiging swordman kaya hindi namin iyon kasalanan." Sambit ni Elder Zhang Xan ng Hollow Earth Kingdom ngunit binalewala siya ng dalawang panig. Napatahimik na lamang siya sa isang sulok.

"Grrr! Masyado atang mataas ang tingin mo sa sarili mo Fang San! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo. Hindi mo ata alam kung saan ka ngayon at baka malamig na bangkay ka na lamang na iuuwi sa Sky Ice Kingdom. Wag mo kong subukan!" Sambit ni Elder Wang Bin habang nagtitimpi ng galit. Nakakuyom na ang kaniyang dalawang kamao habang naglalabas ito ng mumunting enerhiya. Doon na naalarma ang karamihan lalo na si Clan Chief Li Sandro habang makikita ang takot nito. Nasa Late Pulse Condensation Stage na ang mga Elders na ito o mahigit pa kaya siguradong kaya nilang mag-condense ng mga enerhiya galing sa kanilang katawan na lubhang makakaapekto  sa mga mamamayan ng Li Clan na lubos niyang ikinakabahala. 

"Hahaha... Binabantaan mo ba 'ko Wang Bin na isa lamang outcast na elder ng Sky Flame Kingdom?! Kumpara sa akin na lubhang maraming nakaatang na tungkulin sa akin sa loob ng kaharian ay lubhang pinapahalagahan ng Sky Ice Kingdom. Tingin mo ay hindi maghahabol ng hustisya ang aming Sky Ice Kingdom kung susubukan mo kong galawin o paslangin? Tinuruan ka ba ng proper etiquette o lubos na bastos ka lamang sa mas nakakataas sa'yo?!" Sambit nu Elder Fang San habang makikita ang kalmado nitong ekspresyon ngunit may halong inis sa tono ng boses nito.

Ngunit nagimbal ang lahat ng biglang nagsalita ang isang lalaking kanina pa nakikinig sa naging batuhan ng maaanghang na salita ng dalawang panig.

"Hindi man lang ba kayo nahihiya sa angkan ng Li Clan. Tayo nga ang bisita rito pero kung umasta kayo ay parang sila pa ang bisita rito sa sarili nilang teritoryo. Porket nasa gitgitan at nasa gadulo na ng hibla ang relasyon ng Sky Ice Kingdom at Sky Flame Kingdom ay mag-aasal hayop kayo. Tandaan niyo na hindi simpleng argumento lamang ang kinakaharap ng kaharian niyo ngunit sa ipinapakita niyo ay kayo mismo ang nag-uudyok sa madugong digmaan na pareho niyo ring ikakatalo. Tingnan niyo nga yung mga batang henerasyon ng Li Clan, hindi ba kayo nahiya eh ang tatanda niyo na at ano na lamang ang iisipin ng mga ito kung sakaling i-recruit niyo ang mga ito. Minsan ihiwalay niyo ang personal na away niyo sa away ng kaharian dahil kung ganyan lamang ang adhikain niyo sa buhay ay malamang sa malamang na hindi uunlad ang sarili niyong kaharian bagkos ay guguho ito!" Sambit ng lalaking representante ng Wind Fury Kingdom. Tanging siya lamang mag-isa ang pumunta rito at halos hindi ramdam ng lahat kung ano ang kasalukuyang lakas nito.

Agad namang nanahimik ang dalawang matanda dahil tama rin ang sinabi nito maging ang lahat ng mga taong naririto. Hindi nila aakalaing ang isang lalaking nasa twenties siguro ito ay nagawang patahimikin ang nag-aaway na elders ng Sky Flame Kingdom at Sky Ice Kingdom gamit lang ang salita nito.

"Uhm, ako nga pala ang kinatawan ng Wind Fury Kingdom dahil abala ngayon ang aming Elder. Tawagin niyo na lamang ako sa aking palayaw bilang Night Spider. Ano nga ulit ang pangalan mo bata?! Paumanhin nga pala sa inasal ng mga iyan bayaan niyo at nagbibiro lamang ang mga iyan hehe... tsaka wag kang mabahala dahil makakapag-test ka ng iyong sariling Martial Talent tsaka dala ko ngayon ang aking sariling Boulder." Sambit ng lalaking nagngangalang Night Spider 🕷️ habang makikita sa bewang nito ang tatlong maliliit na saber.

"Ah...eh Li Xiaolong po ginoong Night Spider 🕷️. Okay lang po yun dahil normal naman po ang pag-aaway lalo na sa mga matatanda tsaka salamat po ng marami sa inyong tulong upang makapag-test ako ng aking Martial Talent na alam kong mababa rin ito." Nakayukong sambit ng batang si Li Xiaolong. Yun naman talaga ang normal at inaasahang pangyayari dahil mula lamang siya sa mababang uri ng angkan para sa iba at lalo na sa kanilang bisita pero naniniwala siyang makakaya niyang maging malakas at papatunayan niya ito.

Nabigla naman si Night Spider 🕷️ sa salitang narinig niya sa isang batang nagngangalang Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing sa murang edad ay mature na ito mag-isip kumpara sa kaedaran nito. Usually ay sa mga edad na ito ay napaka-impulsive na ng bata at medyo childish pa rin. Kadalasan nga rin ay magmamayabangan pa ito sa kaedaran niya pero nakikita niya itong kakaiba at interesante.

"Galingan mong mabuti at wag kang panghinaan ng loob dahil bata ka pa okay. Goodluck!" Ito na lamang ang nasabi ni Night Spider 🕷️ dahil hindi talaga emosyunal na tao o magaling mag-alo ng mga bata. Siguro ay medyo nahiya lang siya sa mga inasal ng dalawang kaharian at naiipit pa sa sitwasyong ito.

Agad niyang inilabas ang isang maliit na animo'y laruang katulad ng Boulder at mabilis niya ito ipinalutang sa hangin at pinalutang papunta sa entablado.

"Salamat po ng marami Ginoong Night Spider 🕷️. Hindi ko na iniisip kung ano ang mangyayaring resulta ng aking Martial Talent pero naniniwala akong kahit anong resulta ay magiging isa pa rin akong cultivator sa hinaharap." Sambit ni Li Xiaolong kay Night Spider 🕷️ habang mabilis nitong pinuntahan at itinuon ang atensyon sa malaking Boulder.

Halos namangha ang lahat sa nakitang boulder na ito maging ang mga opisyales ng Li Clan.

"Hindi ko aakalaing mayroong nakakamanghang boulder ang Wind Fury Kingdom. Sa palagay ko ay nasa First Grade Human- Step Treasure ito!" Sambit ni Dino Li kung saan nakikita niya ang mataas na kalidad ng Boulder nito. Sino ba naman ang hindi mamamangha sa isang totoong Human Step Treasure na bibihira lamang na maipakita kaninuman o sa publiko.

"As expected sa misteryosong Wind Fury Kingdom kung saan simple lamang nilang ipinapakita ang kanilang kayamanan sa publiko!" Sambit ni Gon Li habang makikita ang kaniyang mangha.

"Ano'ng akala mo sa miyembro ng Wind Fury isang mahinang kaharian?! Malamang sa malamang ay malakas ang kaharian ito patunay lamang na simpleng naipalabas nila ang pambihirang kayamanan katulad ng First Grade Human-Step Treasure at kaya rin itong protektahan ng pala ng lalaking iyan na tinatawag na Night Spider 🕷️!" Sambit ni Ever Li.

"Mag-iingat kayo sa salitang binibitawan ninyo. Malamang ay nakakaramdam tayo ng takot sa lalaking iyan kahit na hindi ito nagkakabas ng enerhiya nito ay maaaring lubhang mataas ang cultivation level nito kumpara sa atin. Kita niyo rin kung paano nanahimik ang mga Elders ng Sky Flame Kingdom at Sky Ice Kingdom dahil sigurado akong kilalang-kilala nila ito." Sambit ni Li Sandro habang makikita ang nagugulumihanang ekspresyon nito sa mukha. Hindi kasi niya alam pero kinakabahan siya sa misteryosong lalaking nagngangalang Night Spider 🕷️ na kinatawan ng Wind Fury Kingdom dahil hindi lamang ito simpleng tao o cultivator kung hindi higit pa sa inaasahan nila.