Chapter 14

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Li Xiaolong at mabilis niyang itinapat ang kaniyang kanang kamay sa boulder at doon niya ipinadaloy ang kaniyang enerhiya. Nakapikit siya sa kadahilanang hindi niya gustong makita ang kaniyang resulta. Biglang nagkaroon nanginig ang boulder tanda na lalabas na maya-maya ang resulta.

Agad naman itong pinanood ng karamihan at maya-maya pa ay nakita ng lahat ang naging resulta ng Martial Talent Trial nito.

"Li Xiaolong: Superior Second Grade Martial Talent!" Sambit ni Li Jianxin habang nakangiti. Kumpara sa iba ay masyado na itong disente dahil maaari na itong maikumpara sa Inferior Third Grade Martial Talent. Pwede pa rin siyang maging malakas na cultivator kung magagabayan lamang ng tama si Li Xiaolong.

Halos hindi mapatid ang luha sa mata ni Li Qide habang kalong ang isa pa nitong anak habang si Li Wenren ay hindi matatawaran ang saya nito. Kumpara kasi sa kanila ay masyadong mataas ang Martial Talent ng kanilang anak. Kahit na hindi man ito Third Grade Martial Talent ay isa pa rin itong Superior Second Grade Martial Talent. Ang pangarap ng anak nito ay pwede ng magcultivate upang maging ganap na cultivator sa hinaharap.

Agad namang yumuko si Li Xiaolong sa lahat upang magbigay galang sa kanilang angkan maging sa kanilang bisita. Pakiramdam niya kasi ay siya ang naglikha ng problema lalo na sa pag-aaway ng mga bisita nila. Agad din siyang bumaba sa entablado at patakbong pumunta sa kaniyang inang si Li Wenren at mabilis niya itong niyakap.

"Ang galing ng anak nating si Xiao xiao diba Li Qide?!" Sambit ni Li Wenren habang tuwang-tuwa sa resultang nakuha ng anak niyang si Li Xiaolong.

"Ah eh oo naman... Masaya ang tatay mo Xiao Xiao sa resultang nakuha mo." Sambit ni Li Qide habang ngumiti ito ng pilit. Maaaring maging Martial Artist/cultivator ang anak nito ngunit ang problema ay siguradong hindi ito makakakuha o makakatanggap ng cultivation resources.

Maya-maya pa ay naagaw ang atensyon ng lahat ng biglang tumayo ang bisita nila mula sa tatlong kaharian at pumunta sa entablado habang si Ginoong Night Spider 🕷️ ay hindi pumunta sa entablado na siyang ikinapagtaka ng lahat ngunit hindi ng tatlong elders ng Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom at ng Hollow Earth Kingdom.

"Hindi ka man lang ba mamimili ng iyong magiging disipulo ng inyong kaharian?! Hindi mo ba gustong maging disipulo si Li Gumu?!" Sambit ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom.

"Oo nga naman Ginoong Night Spider 🕷️?! Ayaw mo bang mag-recruit ng mga napupusuan mong maging disipulo niyo?!" Sambit ni Elder Zhang Xan ng Hollow Earth Kingdom.

"Oo nga Ginoong Night Spider 🕷️, masyado pa atang maaga para uwi ka malay mo ay may mapili ka sa mga ito hehe..." Sambit ni Elder Fang San habang makikita sa ekspresyon nito na gusto nitong makapili ang mga ito ng bagong irerecruit ngunit sa totoo lang ay ayaw na ayaw niya rito dahil hinadlangan niya ang plano niyang pagmukhaing masama ang kaharian ng Sky Flame Kingdom. Ang totoong gusto niyang sabihin ay  umalis ka na rito walang kwentang gagamba. Panakaw-atensyon ka lamang rito isama mo ang bulok mong kaharian at wag ka ng bumalik pa rito!" ngunit ayaw niyang gumawa ng anumang ikasasama ng Sky Ice Kingdom.

"Ang layunin ko lamang rito ay manood ng Martial Talent Trial ng Li Clan alinsunod sa inihabilin sa akin ng Pamunuan ng Wind Fury Kingdom at hindi nakasaad doon na mamimili o mangrerecruit ako ng mga batang cultivator. Kung wala na kayong sasabihin ay aalis na ako at salamat pala sa magandang palabas ng okasyong ito." Sambit ni Night Spider 🕷️ habang maayos na yumuko. Nagsinungaling siya ukol sa sinabi niya sa mga ito. Naghahanap talaga ang kanilang Wind Fury Kingdom ng mga batang sasanayin nila at palalakihin bilang cultivator ngunit ang kanilang Martial Talent Requirement ay sobrang taas. Kailangang mayroon itong di bababa sa Ninth Grade Martial Talent na siyang ikinanlumo niya rin. Isa siyang Superior Ninth Grade Martial Talent kaya siya nakapasok sa kahariang ito kumpara sa iba ay lubhang mapalad siya dahil mayroon siyang mataas na talento ngunit ang kahariang ito ay naghahanap ng mga kagaya niya at hindi ng mga Superior Eight Grade Martial Talent pababa. Kung alam lang ng mga ito ang strict requirements ng kaharian ay baka manlaki lamang ang mata ng mga ito. Nagustuhan niya nga ang ugali ng batang huling nag-eksamin ng Martial Talent nito na nagngangalang Li Xiaolong ngunit ang talentong meron ito ay sobrang napakababa ng ilang beses. Kung bakit ba naman dito ito ipinanganak at hindi sa malalaking mga angkan edi sana ay makakaya niya pang tugunan ang katangian nito ang kaniyang talento ngunit hanggang dito na lamang siguro ito pero nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na dahilan, yung gusto niyang sanayin ang bata sa kaharian nila ngunit wala iyong silbi dahil maski siya ay disipulo lamang ng kaharian ng Wind Fury Kingdom.

Agad na pinalutang ni Night Spider 🕷️ ang malaking Boulder at bumalik ito sa dati nitong anyo bilang maliit na bersyon ng Boulder at mabilis na lumakad palabas ng angkan ng Li.

"Ang yabang talaga ng lalaking iyon Zhang Xan diba?! Nakuha niya pang talikuran tayo iyon. Napakaarogante at nakapamisteryoso. Kung ako ang naging senior nito ay malamang sa malamang ay tuturuan ko yan ng leksyon!" Sambit ni Elder Wang Bin gamit ang divine sense kay Elder Zhang Xan habang makikita ang naiinis nitong ekspresyon sa mukha habang nakasalubong ang kilay nito na animo'y dalawang bulubundukin.

Lihim namang napangiwi si Elder Zhang Xan sa sinabi ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom. Ano'ng naiisip nito? Ikumpara ba naman ang sarili nito sa misteryosong kaharian ng Wind Fury lalo na sa pagiging senior nito ay sobrang layo nito. Di nga nito alam ang kahit na ano'ng impormasyon patungkol sa Wind Fury Kingdom ay sasabihin pa nitong "kung naging senior daw kuno" aba aba hindi man sa pagiging plastik pero nangangarap ata ito ng gising dahil wala ni isa man sa kanila ang nakakaalam patungkol sa kaharian ito o kung paano ito umusbong.

"Ah oo nga naman. Tama ang iyong sinabi pero di natin alam kung ano ang kahariang ito para magkaroon ng ganyang klaseng disipulo. Pabayaan mo na lamang dahil bata pa naman iyon at hindi natin responsibilidad kung magkamali man ito o maligaw ng landas." Pasakay na sambit ni Elder Zhang Xan para sakyan ang sinasabi nito. Ayaw niyang maging kahiya-hiya ang kanilang kaharian kumbaga ay trabaho lamang.