Chapter 188

Pinaniniwalaan na isa ang Dance of the Nine Swords sa pinakamalakas na martial arts skill noong nakaraang mga panahon na nakalipas. Ang pinakamaraming kopya ng cultivation manual na ito ay ang unang volume ng nasabing Dance of the Nine Swords na siyang pinakauna sa lahat kung saan ay nakasaad doon ang patungkol sa paggamit ng espada.

Aksidenteng napadpad sa kaniya ang dalawang cultivation manual ng Dance of the Nine Swords na siyang ikinasisiya. Noong una ay akala niya ay peke lamang ito o di kaya ay walang laman ito pero doon siya nagkamali dahil tunay nga ito. Isa din ito sa dahilan kung bakit mataas ang fighting ability niya dahil sa cultivation manual na pagmamay-ari niya ngayon. Nasa Level 4 pa lamang ang antas niya ngunit alam niyang sa susunod ay makakaya niyang magamit ang Level 5 ng Dance of the Nine Swords Skill. Malayo pa man ito sa kasalukuyan pero sisiguraduhin niyang makokompleto niyang tapusin ang dalawang cultivation manual na ito sa susunod na mga taon. Hahanapin niya nalang ang huling volume upang tuluyan na siyang maging mas malakas. Naniniwala siya sa sinasabi ng iba na ang Level 7, Level 8 at Level 9 ng Dance of the Nine Swords ay isang pambihirang martial arts skill na magbibigay sa mismong naka-master ng skill na ito ng kakaibang kakayahan sa pakikipaglaban. Ito ang plano niya, ang kunin ang huling volume upang makamit ang kapangyarihang inaasam niya.

Ngunit nagulat na lamang ang siya ng may nagsalita ng malakas na siyang ikinalingon niya.

"Nasa kaniya ang dalawang cultivation manual ng Dance of the Nine Swords! Nagsisinungaling siya!" Sigaw ng isang boses na siyang umalingawngaw sa kapaligiran.

Hindi naman mapigilang makaramdam ng kaba ang nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert habang nililinga-linga ang kapaligiran. Hindi niya aakalaing in a crucial time na malilimutan na sana ng mga martial artists ang patungkol sa ginawa niyang alibi o pagsisinungaling ay dito pa aalingawngaw ang boses ng isang nilalang.

"Sinong nagsabi huh? May patunay ka ba?! Kung sino ka man, magpakita ka!" Sambit ng nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert. Talagang hindi na nito mapigilan ang mainis lalo na at tila sinasadya nitong guluhin at i-frame up siya.

Bigla namang napalingon ang lahat lalo na ang mga Xiantian Realm Expert na kanina pang tahimik na nag-oobserba sa paligid. Sa totoo lang ay napakarami nila ngayon which is hindi naman kataka-taka. They are here para maglakbay din papunta sa Red Cloud Sea kung saan doon din ang punta ng mga kasmaahan nila rito. Even of there are high risk of Magical Beast Attacks sa tatahakin nilang daan ay hindi nila mapigilang ma-tempt at subukang galugarin ang mismong binagsakan daw ng isang bangkay ng immortal. They are very curious about this at narinig nila na maraming nakakalat lamang na mga pambihirang mga cultivation resources sa piligid ng delikadong lugar doon sa baybayin ng Red Cloud Sea. This is really a huge news lalo na sa mga indibidwal o mga angkan na eksperto sa mga puppetry. This is not only a trivial matter dahil baka maging isa itong huge break para sa mga puppet masters na gumawa ng mas mataas na uri ng puppet/s.

"Talaga lang huh? Mukhang kinakabahan ka ata Ginoo. You do not seem having a shame on us here!" Sambit ng isang babaeng Xiantian Realm Expert habang nanlilisik ang pares ng mga mata nito. She really a nice lady lalo na sa buong durasyon ng paglalakbay niya rito. Napukaw ang atensyon niya sa kakaibang martial arts skill na isinagawa ng kaisa-isang Purple Blood Realm Expert na siyang lider nilang manlalakbay na martial artists dito pero sa ipinakita ng lider nila, did he think na magbibingi-bingihan lamang siya?

"Kaya pala pamilyar ang ginawa mong martial arts skill dahil nakita ko na ito sa isang recording disc na nabili ko noon sa lungsod!" Sambit ng isang lalaking Xiantian Realm Expert habang makikita ang labis na inis sa mga mata nito. Talagang hindi katanggap na nagsinungaling ang lider nila sa kanila.

"Bago ka palang naging Purple Blood Realm yet you choose to trick and lie to us! Ano'ng akala mo sa amin ha?!" Sambit ng isa pang babaeng Xiantian Realm Expert.  Nakapameywang pa ito na animo'y naiinis talaga ito kung saan ay kitang-kita din ang dismaya sa

pagmumukha nito.

Hindi na din nakapagtimpi ang mga nagbabangayan kanina na mga martial artists na mga Pulse Condensation Realm Expert at Houtian Realm Expert kung saan ay nakaramdam din sila ng ibayong inis at pagkagalit sa tumatayong lider nila sa grupo.

"Kaya pala iniba mo ang usapan kanina. You have plan to trick us!"

"Ito ba ang mabuting lider natin. He is lying to us. Takot ka bang malaman namin na mayroon kang dalawang kopya ng cultivation manual ng Dance of the Nine Swords?!"

"Ibigay mo sa amin ang dalawang Cultivation manuals! Hindi nararapat sa'yo yan!"

"Oo nga, mas nararapat sa amin yan kaysa sa'yo!"

Yan lang naman ang sinabi ng iba pang mga martial artists sa lugar na ito. They are eager to get the 2 cultivation manual copies of Dance of the Nine Swords lalo na at ang dalawang cultivation manual na ito ay naglalaman ng anim na kakaibang level of difficulties ng nasabing pambihirang martial arts skill na Dance of the Nine Swords. It is considered as a priceless treasure lalo na at pambihirang martial arts skill ito na konti lamang ang nagmamay-ari ng pambihirang libro nito.

Nakaramdam naman ng panganib at pagka-balisa ang  nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert na tumatayong lider ng grupong ito.

"Although I'm not yet a Middle Xiantian Realm Expert ay sigurado naman akong makakaligtas ako sa mga atake ng mga ito pero kung sakaling sabay-sabay aatake ang mga ito ay mapapaslang ako ng mga ito ng tuluyan. Hindi ako tanga upang i-risk ko ang buhay ko sa sitwasyong kinakaharap ko hmmp!" Sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert habang makikita ang labis na inis nito sa kaniyang sariling isipan lamang. Kung sinuman ang pesteng nilalang na nagsalita kanina lamang ay siguradong makakatakas na sana siya sa mapanuring tingin at obserbasyon ng mga Xiantian Realm Expert na sobrang dami ng mga ito na ikinakabahala niyang mainis o magalit ang mga ito sa kaniya. They can hurt him kapag inatake siya ng mga ito dahil ang iba sa nga ito ay nasa Early Xiantian Realm Expert hanggang Late Xiantian Realm Expert. They are difficult to handle.

...