Chapter 187

Napatawa na lamang sa kaniyang kalooob-looban ang nakamaskarang itim na nilalang lalo na at malapit na siyang magbreakthrough sa Middle Stage Purple Blood Realm kung saan ay siguradong lalakas pa siya ng tuluyan. Sa totoo lamang ay ilang taon lamang siyang nag-umpisang muli na magcultivate ngunit narating niya ang ganitong kataas na antas in just a period of time. Sino bang hindi mamamangha sa bilis ng pagcucultivate niya lalo na at mayroon siyang madaling pamamaraan upang makamit ang ganitong lebel ng Cultivation. Hindi siya yung tipo ng taong ipokrito at dadaan sa Righteous path upang magcultivate ng maigi. Tapos ano? Kahit anong pagtitiis at pagtatiyaga niyang magcultivate kung mababa ang talento niya sa kaniyang sariling cultivation ay siguradong magiging mahina pa rin siya. Sa tagal niya ng nabubuhay ay ngayon lamang siya nagpapakatotoo at pinapairal niya ang pagiging praktikal niya. Isa siyang Purple Blood Realm Expert at kailanman ay hindi niya gugustuhing makasama ang mga mahihinang mga nilalang na mas mababa sa kaniya. Tingin niya lamang sa mga ito ay insekto at mga pabigat sa kaniya. Dahil sa kakaibang pamamaraan niya sa pagcucultivate ay nagawa niyang maatim ang pakikipagsalamuha niya sa mga mahihinang nilalang na nasa harapan paligid niya lamang sa kasalukuyan. Tinuturing siyang lider ng mga ito ngunit alam niyang hindi naman talaga.

Totoo nga bang sinama niya ang mga ito upang siguraduhing ligtas ang mga ito sa kanilang paglalakbay? Hindi. Walang nakasaad na kailangan niyang samahan at protektahan ang mga kasapi ng grupong ito dahil nasa kaniya pa rin iyon. Ngunit malas lang ng mga sumama sa grupo niyang ito dahil siguradong siya pa rin ang magwawagi sa huli. Ang pagsama niya sa grupong ito ay boluntaryo at walang nakasaad na kontrata patungkol rito. He wanted to kill everybody here at ipakain ito ng walang awa sa mabagsik na halimaw na Giant Wood Pine Beasts dahil unang-una pa lamang ay ito na ang kaniyang plano. Akala siguro ng iba ay kakabreakthrough niya pa lamang  sa pagiging Purple Blood Realm Expert ngunit ang totoo niyan ay konting-konti na lamang ay magbi-breakthrough na siya sa Middle Stage Purple Blood Realm na talaga namang ikinatutuwa niya. Patungkol sa Giant Wood Pine Beast ay hindi niya ito pinoproblema. Ang kailangan niya lamang ay maghintay na maubos ang mga sumama sa kaniyang mga mahihinang nilang.

Ano ba ang role ng mga mahihinang nilalang sa mundong ito? Kahit bata ang tatanungin mo ay siguradong alam na nila ang sagot dito. Siyempre ay stepping stone lamang sila ng mga malalakas na katulad niya. He really cares for himself only at ang mga kasamahan niya ay siya rin ang makikinabang sa mga ito.

Hindi siguro nabalitaan ng ibang mga nilalang dito ang nangyari noong nakaraan anim na buwan dahil siya rin ang may pakana ng pagkaubos ng isang daang martial artists na sinama niya dito. He is really fond of the weak individuals lalo na at madali lamang ang mga itong mauto at magapi. Alam njya kung paano paikutin ang mga ito. Alam niya kasi na mga arogante din at puno ng pride ang mga martial artists lalo na yung mga estrangherong sumama sa paglalakbay na ito papunta sa Red Cloud Sea ay alam niyang walang balak ang mga ito na direktang hihingi ng tulong. This is expected lalo na at napaarogante at napakayabang ng mga ito upang humingi ng tulong sa kaniya. Alam niya kung paano  ang mga ito magmayabang dahil kahit sa gitna ng panganib ay nagagawa pa rin nilang magmayabang.

Nakita niya kung paano naging arogante ang mga ito at tila bumalik sa normal ang ekspresyon ng mga ito matapos niyang itinanggi na hindi isang Dance of the Nine Swords ang ginawa niya kundi isang ordinaryong martial arts skill lamang pero ang totoo ay isang Dance of the Nine Swords nga ito. Wala naman talaga siyang talento sa mga espada pero dahil sa pambihirang pagpapataas ng cultivation level niya sa pamamagitan ng Demonic Cultivation Path na sinusunod niya ay naniniwala siyang isang araw ay magiging pinakamalakas siyang indibidwal na kakatakutan at hahangaan ng lahat.

Nagulat naman siya ng marinig niya ang mga pahayag ng mga martial artists matapos na ma-digest ang mga sinabi niyang sagot o kasagutan sa tanong ng mga ito.

"Hooo! Akala ko talaga ay isang Dance of the Nine Swords iyon. That will be a disastrous kung totoonf nakuha mo iyon Lider!"

"Oo nga, napakadamot pa ng mga nagmamay-ari ng pambihirang martial arts skill na katulod niyon. Ang mga patriatch o mga high ranking individuals lamang ang partikular na may kopya ng mga ito."

"Sinabi mo pa. Even I can't even touch it lalo na at hindi ko naman nakita ito ng personal kahit ang isang pahina ng mismong Dance of the Nine Swords Manual hmmp!"

"Sang-ayon nga ako sa'yo. Napakadamot nila sa totoo lang. Sana ibinahagi na lamang nila ang martial arts skill na ito at hindi tinago!"

"Nagpapatawa ba kayo? Isang pambihirang martial arts skill iyon at ang mga ordinayong nilalang na katulad niyo ay kailanman ay walang karapataang makahawak man lang nito hmmp! Tanging ang karapat-dapat lamang ang nakakakuha ng kopyang ito.

"Wow ha, nagsabi ang karapat-dapat, tingin mo ba ay hindi kami karapatdapat?!"

"Oo nga, bwiset ka! Ako ang pinakamalakas dito liban sa lider natin!"

"Anong ikaw? Ako kaya hmmp!"

"Anong kayo? Ako kaya!"

"Wag na kayong mag-away, ako lang at ang lider natin ang malalakas dito!*

Tila nagkaroon ng matinding bangayan ang mga martial artists na naririto malalapit sa pwesto ng lalaking nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert. Halos mga Pulse Condensation Realm Expert at Houtian Realm Expert ang mga ito na talaga namang malakas ang bangayan ng mga ito.

Talagang hindi nagpapatalo ang mga ito kaya naman ikinatutuwa ito nito. Talagang ang ganitong pangyayari ay talagang ikasisiya niya. Sino ba namang hindi, hindi ba? Talagang ito ang magiging rason kung bakit makakalimutan ng mga ito ang patungkol sa martial arts skill niya na isinagawa kanina na Dance of the Nine Swords!

Ang patungkol sa Dance of the Nine Swords ay isang pambihirang martial arts skill nga ito. Ang nasabing pambihirang skill na ito ay mayroong tatlong manuals kung saan ang bawat manual ay  mayroong  tatlong martial arts skill na ito. Level 1 hanggang level 9 ang nasabing martial arts skill na ito.