Chapter 199

"Oo nga, wag kang magmatapang babae. Sundin mo ang mga kasamahan mong puro lamang bibig ang ginagamit pero hindi naman nanlalaban hahaha mga mahihina!" Sambit ng isang tahimik na alagad ng lalaking puro hikaw na siyang bossing nila. Makikita ang tila nasisiyahan din niyong pagmumukha habang mas naging masidhi ang tingin nito sa mga ito.

"Pasalamat kayo at nandito ang mga kasamahan ko. May araw din kayo sakin!" Sambit ng magandang babaeng sopistikada habang makikita ang labis na galit sa mukha nito lalo na sa pambabastos na tingin ng apat na nilalang na nasa harapan niya. Agad nitong binaba ang kanang kamay nito na siyang may hawak ng matalas na kunai.

"Kung di lang dahil sa importanteng bagay na kukunin ko sa loob ng Red Cloud Sea ay hindi ako magpapanggap bilang isang mahinang martial artists. Humanda kayo pagkatapos ng misyon dahil papaslangin ko kayong mga bastos kayo!" Sambit ng magandang babaeng sopistikada habang naglalakad ito papalayo habang palihim pa itong napangiti ng malademonyo.

Hindi naman makaimik ang sampong Xiantian Realm Expert sa isang tabi. They don't want to join this kind of argument lalo na at natatapakan na ang sarili nilang pride at ego ngunit alam nilang mas lalala ang sitwasyon kung papatulan nila ito. Kung mag-aaway sila o gagawa ng gulo ay maaaring lalala ang sitwasyon at maglikha pa ito ng labanan o alitan. Isa pa ay kinokonsidera nila na habang tumatagal ay mas dumarami ang dumarating na mga martial arts expert dito lalo na ang mga Xiantian Realm Expert. Nasa labinlima na ang bilang ng mga ito sa kasalukuyan. Inaalala rin nila ang lalaking prenteng nakaupo sa isang batuhan na animo'y isang hari kung makaupo. Panay pa ang pagngisi nito lalo na kung paano nagkaroon ng mainit na argumento ng magandang babaeng sopistikada sa grupo ng mga manyakis na mga martial artists na siyang bagong dating lamang dito kani-kanina. Gusto man nilang tumulong ngunit alam nilang matatalo lamang sila. There's no way na tutulong ang kabilang grupo sa kanila lalong-lalo na sa magandang babaeng sopistikada. Kahit maarte ito at tila madaling mainis ay masasabing nag-iisip din ito ng mabuti.

Natigil ang kaninang argumento dahil sa mainit na komprontasyon kani-kanina pero mabuti na rin ito para sa mga nabigong grupo lalo na at mahirap ding makipag-usap sa mga nilalang na bagong dating. Talagang nakakatakot ang nakasagupa nila kanina. Imagine, almost half of their group vanished yet they can't do anything. The sudden  reality of life in this world knock theur own heads seriously. Naiisip nilang pakapalan na lamang ng mukha siguro ito lalo na at halos lahat naman sa kanila ay gusto pa ring sumuong sa mapanganib na lugar sa baybaying parte ng nasabing Red Cloud Sea. Wala din silang magagawa dahil alam nilang masyadong malaking temptasyon ang mga pambihirang kayamanang matatagpuan sa Red Cloud Sea. Kung susuwertehin sila ay baka isa sa kanila ang makakuha o maka-obtain ng bangkay nang nasabing immortal. Pwede nila itong ibenta sa napakataas na halaga. Siguradong lahat ng mga sektor o mga individual na may kaalaman sa puppet o sa mismong puppetry ay hindi papalagpasin ang ganitong klaseng pagkakataon. Kapag naiisip nila ito ay siguradong hindi nila alam kung gaano sila yayaman at magiging tanyag na indibidwal dahil dito. This will make them a more powerful expert someday.

Magkagayon man ay alam nilang hindi magiging madali ito. Mayroong napakaraming Purple Blood Realm Expert ang pumaroon sa lugar ng Red Cloud Sea kaya imposibleng hindi makikisali ang mga ito. Sila ang pinakamalakas sa hanay ng Red Cloud Sea lalo na at tanging ang mga Purple Blood Realm Expert lamang pababa ang maaaring pumunta sa baybayin parte ng Red Cloud Sea ayon sa balitang lumaganap sa loob ng Dou City at sa apat na kaharian na walang iba kundi ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at ng Wind Fury Kingdom. Mas lalong dadagsa pa ang iba't-ibang mga martial arts expert sa Red Cloud Sea. The competition is being heated kaya sino sa tingin nila ang aatras?! Duwag lang ang aatras.

"Pansin niyo bang kanina pa tayo inoobserbahan ng pesteng nakabughaw na maskarang iyan maging ng iba pang mga Xiantian Realm Expert?!" Sambit ng isang babaeng Middle Xiantian Realm Expert habang puno ito ng pangamba. Kung lalabanan niyang mag-isa ang binatang lalaking nakasuot ng kulay bughaw na maskara ay siguradong matatlao siya maging ang iba pang Xiantian Realm Expert sa kabilang grupo ay tiyak siyang malalakas din.

"Hindi lamang ikaw ang nakakapansin niyan dahil sigurado akong may gagawin ang mga iyan sa grupo natin na hindi natin magugustuhan." Makahulugang sambit ng binatang lalaking isang Early Xiantian Realm Expert. Sa hula niya ay gusto ng mga itong manggulo. Parang kanina pa ang mga itong tahimik. Isa sa katangiang pinakanakakatakot ay ang tahimik na mga nilalang dahil baka bigla-bigla lamang sila ng mga ito atakehin which is very common na nangyayari.

"Malamang ay gagawa ito ng masama. Ang grupo natin ay masyadong ininis ang grupo nila." Direktang sambit ng isa pang lalaking Late Xiantian Realm Expert. Makikitang hindi rin ito paaawat. Gusto man nitong unahan ang mga ito ngunit alam niyang wala silang laban. They can massacre or kill them all ng wlaang kahirap-hirap. Malayo sila sa Sentral na rehiyon at ang pagiging impulsive nila ay baka magdulot ng malaking suliranin at pagsiklab ng madugong labanan dito which is not a good ide

"Paano na to? So hindi tayo makakasama papunta sa Red Cloud Sea?!" Puno ng pagkabahalang sambit ng isang babaeng Middle Xiantian Realm Expert habang makikita ang labis na lungkot na gumuhit sa mukha nito. Halatang gustong-gusto pa nitong pumunta sa Red Cloud Sea at makipagsapalaran doon.

Magsasalita pa sana ang kasama nitong mga Xiantian Realm Expert ngunit bigla na lamang...

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Biglang dumating at lumitaw ang napakaraming mga martial artists. Bigla rin nilang naramdaman ang apat na napakalakas na enerhiya mula sa hindi kalayuan.

"Apat na Peak Purple Blood Realm Expert?! Imposibleng mangyari ito!"

"Kailan pa nagkasama ang tatlong Purple Blood Realm Expert sa isang grupo?!"

"This is not happening right?!"

"Nananaginip ba ako?! Pakisampal nga ako?!"

Ilan lamang iyan sa mga malalakas na pahayag ng mga martial artists habang nakatanaw sa malayo kung saan paparating ang maraming mga martial artists na karamihan ay lumilipad.

They don't know why they are seeing this kind of bizarre things lalo na at apat na Peak Purple Blood Realm Expert ang dumarating sa malayo.

Kahit ang mga bagong dating na mga grupo ay nagtatakang nakatingin sa malayo. Kilala nila ang isang pamilyar na awra ng lider nila pero seeing na ang tatlong bagong enerhiyang umalpas sa malayo ay nakaramdam din sila ng pangamba at pagkatakot.