Chapter 200

Kahit ang nakamaskara ng kulay bughaw na nilalang ay bigla na lamang napatayo at napatingin sa pinagmumulan ng binatang enerhiya.

"What in this world is happening right now? This is not what I expected hmmp!" Sambit ng nakasuot ng kulay bughaw na maskara habang makikita ang labis na pagkagulat at pagtataka sa biglaang pangyayari na ito., He also assumed na magpapahuli lamang ang lider nila pero he did not expect seeing this kind of this thing here.

Maya-maya pa ay nakarating na sa lugar na pinagkakatipunan ng mga grupo ng martial artists ang lugar na ito.

Tahimik lamang na nakatingin ang lahat sa bagong dating na mga nilalang lalo na ang apat na Peak Purple Blood Realm Expert na nasa harapan nila. Hayagan ng mga itong ipinakita ang kanilang sariling lakas.

"Hmmmm... Bakit parang dumami ata kayo? Wag niyong sabihing--?!" Sambit ng may edad na lalaking Purple Blood Realm Expert. Masasabing kilala niya ang mga ito na parang kagrupo niya.

Agad namang nakuha ng mga nabigong grupo ng martial artists ang gustong iparating ng nagtatanong na isang Peak Purple Blood Realm Expert ngunit tahimik lamang silang nag-oobserba. Alam nilang ito ang tumatayong lider ng grupong ito.

"Ito lang naman ang grupo ng mga mahihinang mga martial artists na iniwan ng lider nila sa kalagitnaan ng pagpunta nila sa Red Cloud Sea. Nakakatawang isipin na hindi masikmura ng lider nila ang pagiging mahina ng mga ito hahaha!" Sambit ng isang Peak Xiantian Realm Expert sa hanay ng bagong grupo. Talagang hindi nito ikinubli ang panghahamak nito sa nabigong grupo.

"Oo nga lider, this is the first time na may iniwan ang isang Purple Blood Realm Expert sa mga kagrupo nito which is very odd." Nagtatakang sambit ng isang babaeng Middle Xiantian Realm Expert habang tila may nagtatanong na tingin sa lider nila.

Agad namang nilihis ng nasabing lider ng bagong grupo ng mga martial artist ang tingin nito sa isang hanay ng mga hindi pamilyar na mga mukha na alam nitong hindi nito sakop ng grupo.

"Tama ba ang sinabi nila? Iniwan kayo ng lider niyo?!" Seryosong sambit ng Peak Purple Blood Realm Expert habang makikita ang nagtatanong na tingin.

"Tama po ang inyong sinabi Ginoo. Iniwan kami ng lider namin habang nasa kalagitnaan ng pagkain ng Giant Wood Pine Beast ng sustansya mula sa napaslang nitong katawan ng mga kasamahan namin. Mahigit sa kalahati na lamang ang naiwan sa amin mula sa orihinal na bilang namin." Magalang na sambit ng binatang lalaking isang Late Xiantian Realm Expert. Makikitang hindi ito makikitaan ng anumang galit o yamot bagkus ay malungkot na ekspresyon sa mukha nito.

Agad namang tiningnan ng lalaking Peak Purple Blood Realm Expert ang gawi ng kasamaha nnitong purong mga Peak Purple Blood Realm Expert.

"How come na sinasabi niyo na kasama niyo ang lider na isang Purple Blood Realm Expert kung andito lang naman ang lider niyo kasama ko?!" Sambit ng lider ng mga bagong grupong dumating sa lugar na ito.

"Ikinagagalak ko kayong nakita ngunit ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo. Talagang nasalisihan lang ako ng isang matinik na Purple Blood Realm Expert na inaakala niyong lider niyo. Mabuti at nabuhay pa kayo!" Seryosong sambit ng lalaking nakatalukbong habang mabilis nitong tinanggal ang nasabing mahabang talukbong at bumungad sa lahat ang pamilyar na anyo ng isang nilalang.

Nagimbal naman ang lahat ng mga martial artists sa hanay ng mga nabigong grupo papunta sana sa Red Cloud Sea. Nakita nila ang pamilyar na mukha ng isang lalaking nakamaskarang itim na siyang lider nila.

Halos lahat ay kinilabutan sa pangyayaring ito maging ang mga bagong dating na mga bagong grupo ng mga martial artists. They can't imagine this kind of horrible information about this kind of situation. Hindi nila lubos maisip kung sial ang nassa posisyon ng mga nabigong mga martial artists.

Tigalgal ang lahat ngunit mabilis na nakarekober sa pagkagulat ang mga Xiantian Realm Expert sa hanay ng mga nabigong grupo ng mga martial arts experts.

"Wait, hindi ikaw ang nakasama namin? Hindi maaari ito!" Sambit muli ng lalaking Late Xiantian Realm Expert. Makikitang he cannot utter a single word out of it. This is really a bomb like information lalo na at galing pa sa bibig nito ang mga katagang ito.

"Anong ikinapahamak na sinasabi mo?! Ikaw ang kasama namin kanina hindi ba?!" Sambit ng magandang babaeng Middle Xiantian Realm Expert. Gusto nitong magalit sa lalaking lider nila sa totoo lamang yet she cannot confirm anything.

"Sabihin niyo pong nagbibiro lang kayo hindi ba?! Kasi imposibleng mangyari iyon!" Hindi makapaniwalang sambit ng lalaking Early Xiantian Realm Expert. Napatulala na lamang ito sa hangin.

"Paanong nangyari ito. Panaginip lang ba to lahat?!" Sambit ng babaeng Middle Xiantian Realm Expert. Kahit ito ay labis ring nagulat sa pangyayaring ito.

"Wala akong dahilan upang magsinungaling sa inyo at masasabi niyong hindi ako yun. Kahawig ko man ang pesteng nilalang na iyon ngunit hinding-hindi siya magiging ako dahil ang kasama niyo ay isang Demonic Path Cultivator na isang takas na preso sa Loob ng Dou City Prison Chambers. Masasabing maswerte pa rin kayo dahil hindi kayo napaslang at kinain nito!" Seryosong sambit ng nakamaskarang itim na lalaki habang mabilis nitong ipinakita ang kulay ng aura nito.

Lumabas ang tila kulay pilak na enerhiya at katawan nito at pag-materialize ng isang malaking Trident na siyang pangunahing sandata nito sa ere.

BANG! BANG! BANG!

Tila sumasabog ang hangin sa bawat pag-ilaw ng nasabing Trident. Mabilis na lumitaw ang tila maliit na mga metal na gumagalaw sa pagitan ng noo ng nakaitim na maskarang lalaki na isang Peak Purple Blood Realm Expert.

Binalot ng mga martial artists na naririto ang kanilang katawan ng protective essence upang di sila mapinsala ngunit meron ding nabuwal sa mga ito lalo na ang mga Pulse Condensation Realm Expert.

Mabilis din nitong pinawala upang tapusin na ang eksplenasyon niya.

Gulat na gulat naman ang lahat lalong-lalo na ang mga nasa hanay ng nabigong grupo ng mga martial artists.

Isa lamang ang napatunayan nila. Huwad ang nakasama nilang lider at gusto sila nitong paslangin. There's is no way a Demonic Path Cultivator will help them. Plano ng huwad na nilalang na iyon na paslangin sila. Kapag naiisip pa lamang ng mga martial artists na naririto lalo na ang mga Xiantian Realm Expert pababa ang ganitong klaseng pangyayari ay hindi nila mapigilang manghilakbot dahil rito.