Chapter 34

At ano naman iyon? Mayroon bang nangyaring masama sa aking apong so Mei'er?!" Tila gumuhit ang kaba at pangamba sa mukha ng matandang si Master Huang Lim. Tila ba hindi nito mapigilang makaramdam ng negatibong emosyon.

Napakamot naman sa kaniyang buhok ang nasabing Peacock Tribe Spy. Hindi maaaring sabihin ang kanilang pangalan at wala solang pangalan o codename man lamang. Isa silang honored guest ng Peacock Tribe ngunit ang serbisyong kanilang ibinibigay rito ang siyang nagsisilbing ugnayan nila kapalit ng kanilang personal na proteksyon.

[Hindi rin kasi maipagkakailang mayroong sistemang tumatakbo o umiiral sa Wind Fury Kingdom. Ang bawat organisasyon ay nararapat na magkaroon ng stronghold at koneksyon sa iba't-ibang mga tribo o nasabing mga angkap o maging ng malalakas at malalaking pamilya ng mga Martial Artists. Ngunit kung napakalaki at napakalakas naman ng nasabing organisasyon ay hindi naman kailangang kumapit o kumampi sa nasabing tribo, angkan o mga Martial Art Families at pwedeng maghayag ng independency o separation order na siyang magiging isang malayang organisasyon ngunit nakalista pa rin sa sakop ng Wind Fury Kingdom.

Napakahirap ng pamumuhay lalo na ng mga maliliit na organisasyon lalo na ng mga honored Guests. Dalawa ang klase ng Honored Guests, ang una ay ang mga special guests na mga bisita na hindi kailangan ng anumang gagawin sa nasabing organisasyon kung saan ay tanging ang pangalan lamang nito ang kinakapitan ng nasabing organisasyon. Hindi nila kailangan ng gumawa o umaksyon na sa daily basis lamang para maantili rito kundi tanging ang presensya at katapatan lamang nito ang kailangan. Sa madaling salita ay hindi sila obligadong gumawa ng alinmang bagay liban na lamang kung nagkaroon talaga ng aberya o malaking kaganapan lalo na ng kaguluhan sa loob ng malaking organisasyon.

Ang pangalawang uri ng Honored Guest ay ang tinatawag na joint group guests kung saan ay serbisyo o paggawa ay kinakailangan. Espesyal at pili lamang ang mga nasa listahan ng Honored Guest dahil hindi naman sila tatanggapin kaagad ng nasabing malaking organisasyon lalo na ng malalaking mga Sect, Tribe, Clan, Family kung hindi sila makikinabang o pakikinabangan. Yung tipong mayroong gap na naghihiwalay sa kanila kumpara sa mismong miyembro o mamamayan ng nasabing Sect, Tribe, Clan o Family (Organization) sa espisipikong mga lugar na teritoryo ng mga ito.

Sa pangalangan palang o sa salita pa lamang na Honored Guest/ Honored Guest ay masasabi mo ng bisita lamang sila at hindisila permante o habang buhay sa nasabing organisasyon. Hindi stable ang kanilang lakas at pawang temporaryo lamang ang mga pinanghahawakang titulo ng mga ito. Maaari naman silang maging mamamayan ng nasabing organisasyon (Clan, Tribe, Sect, Family etc.) kung papayag ang dalawang o maraming parties na involve lalo na ng nasabing malaking organisasyon.]

Inayos nito ang kaniyang sarili at sinibukang panatilihin ang pagiging seryoso nito maging ng professionalism niyo.

"Wala pong nangyaring masama sa Apo niyong si Tribe Princess Huang Mei Master Huang Lim ngunit mayroon lamang ginawa itong nakakamangha sa loob ng Shangyang Academy lalo na sa Re-examination na Event ng nasabing paaralan patungkol sa Martial Talent nito." Magalang na pagkakasabi ng nasabing Peacock Tribe Spy. Nakapatong pa ang kanang kamay nito sa kaliwang dibdib nito sa may bandang puso nito.

"Kung ganon ay siguradong namangha sila sa talentong meron at taglay mismo ng aking nag-iisang apo na si Mei'er. Tiyak akong hindi babaliwalain ng mga ito ang kaniyang Martial Talent na 7th Mystic Grade Martial Talent hehehe." Tila proud na proud na sambit ng matandang lalaking si Master Huang Lim lalo sa talentong taglay ng kaniyang babaeng apo na siyang nag-iisa lamang niyang apo na si Huang Mei.

"Uhm, yun nga ang gusto kong ibalita sa inyo Master Huang Lim dahil ang apo niyo ay hindi lamang isang 7th Mystic Grade Martial Talent kundi isang 10th Mystic Grade Martial Talent ngunit nakakapagtaka lamang ito sapagkat tiyak akong 7th Mystic Grade Martial Talent lamang ang Martial Talent ng apo niyo ngunit ang totoo pala'y isang 10th Mystic Grade Martial Talent pala ito. Tunay na nakakabigla at nakakamangha ang ating Tribe Princess Huang Mei." Sambit ng Peacock Tribe Spy sa magalang nitong tono ng pananalita.

Nabigla naman ang matandang lalaking nagngangalang Master Huang Lim dahil sa sinabi ng Peacock Tribe Spy na ito na pinagkakatiwalaan niyang lubos.

"Kung gayon ay tama nga ang haka-haka o kuwento-kuwento patungkol sa napakalumang Giant Boulder na iyon." Makahulugang sambit ng matandang lalaking si Master Huang Lim. Tila napahawak ang kamay nito sa mahabang balbas nito. Agad nitong kinuha ang isang basong may laman na wine at dire-diretsong nilagok ito.

Naalala pa ng matandang nagngangalang Master Huang Lim noong kasagsagan pa lamang ng pagpapatayo ng nasabing paaralan ay bali-balita ang isang Giant Boulder sa loob mismo ng pinapatayong gusali ng mga paaralan lalo na sa mismong Open Ground Stadium kung saan naroroon mismo ang Giant Boulder.

Nananatiling misteryo pa rin ang nasabing Giant Boulder sa kung ano ang pinagmulan nito o kung sino ang gumawa maging ang uri ng materyales o mismong metal gawa ang masabing dambuhalang bagay n ito. Ang alam niya ay walang ibang nakatuklas ng ibang mga gamit nito liban na lamang sa pagsukat ng Martial Talent nito.

Tandang-tanda rin ng matandang lalaking si Master Huang Lim na nagkaroon din ng malaking usap-usapan at argumento patungkol sa kakayahan ng nasabing Giant Boulder na magpalabas ng totoong potensyal ng nasabing Martial Artists na mayroong talento. Yung tipong kapag daw isang talentadong Martial Artists ang nasabing batang martial artists ay kayang-kaya nitong sukatin ng tama ang talento nito.

Nang maisip ito ng matandang lalaking si Master Huang Lim ay tila nanlaki ang pares ng mata nito.

"Kung gayon ay tama nga ang usap-usapan noong kasagsagan ng pagpapatayo pa lamang ng nasabing Shangyang Academy noon na mayroon itong kakayahang ilabas ang totoong potensyal ng nasabing talentadong batang Martial Artists na magiging eksperto sa hinaharap. Tunay itong napatunayan ng nag-iisang Apo kong si Mei'er hehehe...!" Masayang sambit ng matandang lalaking si Master Huang Lim habang naiisip ang bagay na ito lalo na't ang resulta ng re-examination ng Kaniyang nag-iisang apo ay tiyak siyang totoo talaga ang naging haka-haka noon.

Tila nag-isip-isip naman ang Peacock Tribe Spy na ito sa sinabi ng matandang lalaking kaniyang pinagsisilbihan na si Master Huang Lim.

Nang mapagtanto nito ang lahat ng sinabi nito ay halos manlaki ang pares ng mata nito.

"Paanong---- ang haka-haka pala noon ay tunay palang talagang nangyayari. Kung gayon ay isang napakatalentadong martial artists pala ng inyong apo Master Huang Lim. Ikinakagalak kong paglingkuran ang Peacock Tribe sa abot ng aking makakaya." Bakas ang kaseryosohan at kagalakan sa tono ng pagsasalita ng Peacock Tribe Spy lalo na sa  ibinigay na clue ng nasabing Tunay na ekspertong lalaking matanda na si Master Huang Lim. Isa isyang spy kung kaya't ang level of intelligence nila sa mga clues at mga bagay-bagay ay talaga namang napakatalas nila sa pag-aanalisa maging sa pag-intindi ng mga ito.

"Oo nga eh. Pero nasaan na ang apo kong si Mei'er?! Nakita mo ba kung nasaan siya ngayon?!" Sambit naman ng matandang lalaking si Master Huang Lim habang nakatingin sa Peacock Tribe Spy. Tila ba bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang nag-iisang apong si Huang Mei.