Chapter 35

Samantala... Ang nasabing event patungkol sa Re-examination ng Martial Talent ay nagpatuloy lamang kung saan ay halos kakaunti na lamang ang natitira kumpara kaninang halos sa pinakadulo ang batang si Li Xiaolong. Tunay ngang nakakamangha ang nasabing pagsasagawa ng Re-examination na ito kung saan ay walang pasubaling nagkaroon ng magandang resulta ang nasabing Re-examination.

Maya-maya pa biglang nag-anunsiyo ang nasabing host ng event na ito ng pangalan isa-isa ngunit gamit ang papel na hawak nito. Malamang ay mula ito sa registration form ng mga nasabing batang estudyanteng kumuha ng corresponding numbers. Himala naman kung magkakamali pa ang nasabing host sa pagsasalita.

"Gāo Hui!"

Agad na lumitaw ang isang batang lalaki na nakarobang kulay pula. Bakas sa mukha at pananamit nito na galing ito sa marangyang pamilya.

Nag-umpisa namang magbulung-bulungan ang mga manonood lalo na ang mga dating mga estudyanteng nanonood sa Re-examination na Event na ito.

"Gāo Hui?! Gāo? Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang surname ng former Clan Chief ng  Gāo Clan na si Gāo Qiang. Pero hindi naman siguro diba?! Sambit ng isang lalaking nakasuot ng kulay itim na roba.

"Hahaha... Baka nagkataon lamang na pareho lamang ang surname ng mga ito. Napakaraming prestirhiyosong paaralan ang Wind Fury Kingdom kung kaya't napakaimposible naman yun diba?!" Tila ba hindi kumbinsidong smabit ng babaeng nakasuot rin ng kulay itim na roba.

"Oo nga naman. Napakaraming pagpipiliang mga Martial Arts School sa ating kaharian. Ang Shangyang Academy ay hindi ganoon kataas ang ranking list sa pangkalahatan ng Wind Fury Kingdom." Sang-aypn din ng isa pang estudyante.

Ang kanilang pag-uusap ay tila hindi pabulong kundi malakas na pagkakasabi.

Hindi naman ito nakatakas sa pandinig ng batang lalaking si Gāo Hui. Palihim naman napakuyom naman ang dalawang kamay nito na sa pormang kamao. Tila ba naiinis ito sa inaasta ng mga dating estudyanteng ito.

Agad na itong naglakad sa harap ng nasabing Giant Boulder kung saan ay sinuntok niya ng malakas ang nasabing Giant Boulder. Nainis ito sa anyo ng nasabing Giant Boulder dahil napakaluma at may mga tumutubong nga lumot sa paligid ng nasabing Giant Boulder.

BAM!

Kitang-kita ng lahat kung gaano mabilis na tumaas at umilaw ang bawat guhit sa Talent Meter Indicator ng Giant Boulder.

Namangha ang lahat sa kanilang nakikita. Yung tipong nagkaroon ng agarang explosive power ang nasabing batang lalaking si Gāo Hui.

8th Mystic Grade Martial Talent

Tila napatayo naman ang karamihan at napasighap ng malakas ang mga manonood na mga former student maging ng mga nakapilang mga bata rito sa ground na siyang nag

9th Mystic Grade Martial Talent

Napasinghap naman ang lahat sa kanilang nakita. Yung tipong parang nakakita sila ng nakakatakot na halimaw.

Matiim pa ring nakatingin ang lahat sa paghinto ng nasabing Talent Meter Indicator kung saan ay magsasabi ng totoong resulta ng Martial Talent nito. Wala pa rin itong sign ng paghinto. Tila ba may itataas pa ito.

10Mystic Grade Martial Talent

Dito ay halos bumabagal na ang pag-usad ng pagtaas ng pasukat ng Martial Talent gamit ang Talent Meter Indicator kung saan ay mistulang nagkaroon ng pagdie out na ng final result ng kaniyang sariling Martial Talent.

Nagulat na lamang si Gāo Hui nang biglang mayroon siyang naramdamang enerhiyang pumasok sa katawan nito at lumabas rin kaagad.

Ang papatigil na sanang Talent Meter Indicator ay unti-unting tumataas hangang sa consistent na paraan.

Nagkaroon ng malaking usapin ito at bulung-bulungan sa parte ng mga former Student ng Shangyang Academy.

"Sa talento nito ay hindi maipagkakailang siya nga ang isa sa anak ng Gāo Clan Chief na si Gāo Qiang!"

"Oo nga, ang talento nito sa Martial Arts ay tila ba maikukumpara sa batang babaeng Peacock Tribe Princess na si Huang Mei!"

"Aist, bakit napakaraming mga malalakas na estudyante ang napapadpad sa eskwelahang ito. Ang talento ng mga batang ito ay tunay na nakakamangha ngunit ang ipinagmamalaking talento natin ay tila isang laughingstock lamang."

"Sinabi mo pa ngunit given naman na napakatalentado nila dahil sa pamilyang kinabibilangan nila. Kumpara sa atin ay talaga namang masasabi lamang natin na napakaswerte nila."

Nang mapansin nilang tila tumataas pa ang nasabing Talent Meter Indicator nang nasabing Giant Boulder ay halos hindi sila makapaniwala sa pangyayaring ito.

Tila ang bulung-bulungan ay tila ba lumalakas ng lumalakas pa at ang iba'y hindi nila mapigilang manlaki ang mga pares ng mga mata ng mga ito.

"Hala, bakit tumatakbo pa ang nasabing Talent Meter Indicator? No way, totoo ba tong nakikita ko?!"

"Oo nga, parang aarangkada pa ata ang Talent Meter Indicator sa susunod na Mataas na guhit, ang pambihirang Earthen Grade Martial Talent!"

"Isang Earthen Grade Martial Talent ang batang iyan?! No way! Mahirap umasa dahil ang Earthen Grade Martial Talent ay isa lamang sa isang milyong katao ang maaaring nakatungtong rito."

"Tama ka, hindi ako nagtitiwalang makakaya nitong lampasan at makatungtong sa Earthen Grade Martial Talent. Sigurado akong Superior 10th Mystic Grade Martial Talent lamang ang batang iyan!"

"Paano  kung makakatungtong ito sa Earthen Grade Martial Talent?! Pero imposible talagang mangyari iyon sapagkat isang Earthen Grade Martial Talent ay sinasabing itinadhana ng magiging legendary figure sa hinaharap. There's no way na magiging Earthen Grade Martial Talent ang talento ng batang iyan!"

"Oo nga, kahit anak pa siya ng Clan Chief ng Gāo Clan ay ang ama nito ay isang Mystic Grade Martial Talent lamang!"

Marami pang sinabi ang mga manonood sa nakakagimbal ngunit nakakabang paghihintay ng kalalabasang resulta ng re-examination ng batang lalaking nagngangalang Gāo Hui.

Rinig na rinig ng batang lalaking si Gāo Hui ang sinasabi ng mga ito. Yung tipong lahat ng mga sinasabi ng mga ito ay negatibo sa kaniya.

Sino ba naman kasi ang magtitiwala sa isang Mystic Grade Martial Talent na Clan Chief hindi ba? Napakataas ng standards ng mga mamamayan o miyembro ng Wind Fury Kingdom sa kanilang kaniya-kaniyang mga pinuno o lider na kinabibilangan sa iba't-ibang organisasyon. Hindi mapigilan ng batang si Gāo Hui na mapakuyom pa ng matindi ang kamao nito habang natatagis ang mga ngipin nito sa labis na inis at galit a mga taong ito.