Chapter 48

Hindi pa nagtatapos ang Cultivation Level sa Pulse Condensation Stage dahil ang Houtian Realm ang masasabing isang True Realm ng isang Martial Artists. Ang kakayahan ng sinumang nakakapagbreakthrough galing sa Late Pulse Condensation Stage papunta sa Early Houtian Realm ay napakababa lamang ng tsansang makamit ng sinumang Late Pulse Condensation Stage ang Realm na ito.

Ang ibang mga Martial Artists ay kahit anong gawin nila ay hindi sila nakakapagbreakthrough sa Late Pulse Condensation Stage dahil sa napakahirap ng Stage na ito let alone sa pagbreakthrough ng nasabing Stage na ito lalo na sa pagtapak ng Houtian Realm.

Ang mga nasa opisyales ng Li Clan ay nasa Late Bone Forging Stage hanggang Late Pulse Condensation Stage lamang habang ang Chief Clan na si Li Sandro ay kakatapak lamang sa Houtian Realm ngunit hindi pa ganap na nakatapak sa Early Houtian Realm mismo dahil sa isa lamang itong 5th Grade Martial Talent. Ang kakayahan nito ay masasabing sapat na ngunit ang martial talent nito ay hindi gaanong kataas. Isa itong nakakaawang sitwasyon para sa kanila lalo na sa buong Li Clan. Kung ganito lamang kataas ang Grado ng bawat Clan Chief ay siguradong mamatahin lamang sila at aapi-apihin lamang sila ng Sky Flame Kingdom, let alone treat like a dogsh*t lowly beings.

Ang Houtian Realm naman ay masasabing tunay na umpisa ng Realm ng mga Martial Art Cultivators kung saan ay masasabing ito ang unang qualification ng magiging lider ng isang maliit na Clan katulad ng angkan ng mga Li. Hindi maikukumpara ang tatapak pa lamang na Houtian Realm sa Early Houtian Realm Expert. Ang kakayahan nilang magcondense ng atake ay siguradong mas malakas kumpara sa papatapak pa lamang. Masasabing nasa Peak Pulse Condensation Stage lamang ang papatapak pa lamang sa Houtian Realm na eksperto. Limitado din ang kanilang kakayahan nilang mag-execute ng mga atake maging ang pagpapadaloy ng essence energy ay halos lagpas kalahati lamang ang effectiveness ng maaaring gagawin nilang atake. Kumpara sa nakatapak sa Early Houtian Realm mismo ay tunay na masasabing eksperto. Masasabing ang lahat ng pressure at responsibilidad ay nakaatang sa balikat ng Clan Chief. Kapag na-dissolve ang mismong angkan ay siguradong ang mga miyembro ng nasabing angkan ang magdurusa at mapapariwara ang kanilang buhay. Isa itong nakakalunos na pangyayari sa mga nadi-dissolve na mga angkan. Hindi naman masisisi ang Clan Chief ngunit kailangan nilang makabawi sa susunod na magiging Clan Chief na walang iba kundi ang kanilang anak o ang apo nito. Kapag walang proper candidates para sa susunod na Clan Chief ay siguradong ma-didissolve na ng tuluyan ang nasabing angkan na walang kandidatong hahalili sa pwesto ng former Clan Chief. Isa itong qualifications at batas ng mga maliliit na Clans upang magpatuloy o hindi magpatuloy sa pag-exist ay nasa kanilang kamay mismo nakasalalay. Kapag walang lider na hahalili ay siguradong magkakawatak-watak ang buong angkan o magkakaroon ng baha-bahagi. Sa oras na mangyari ito ay wala ng magandang hinaharap ang nasabing angkan.

Ang sunod naman sa Cultivation Level na Houtian Realm ay ang Xiantian Realm Expert. Masasabing isang tunay na eksperto ang mga ito. Ang kakayahan nilang makalipad ay tunay na kinaiinggitan ng mga Houtian Realm Expert at kinabibiliban ng napakaraming mga batang Martial Artists maging ng mga Late Pulse Condensation Stage pababa. Kaya nilang umatake sa himpapawid o maglaban mismo sa himpapawid. Ang labanan sa pagitan ng Houtian Realm Expert laban sa Xiantian Realm Expert ay siguradong malalaman na ang langit at lupang difference o gap sa pagitan ng mga ito.konti lamang na case o napakaliit ng porsyentong matalo ang Xiantian Realm Expert sa Houtian Realm Expert lalo na kung ang maglalaban ay ang Peak Houtian Realm Expert at ang kakatapak pa lamang sa Xiantian Realm Expert pero malaki pa rin ang nasabing gap ng mga ito. Xiantian Realm is another boundary na konting-konti lang ang nakakaabot.

Sa lagay ng batang si Li Xiaolong ay nagtataka pa rin talaga ang nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba napakaimposible namang mangyaring makakayang makamit ng batang si Li Xiaolong ang ganitong kataas ng lebel na umaasa lamang sa kakayahan nito. Sa loob ng tatlong araw ay walang napansing kakaiba ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa batang si Li Xiaolong dahil puro pagcucultivate at pag-eensayo lamang ng pisikal maging ang pag-aaral nito ng mga basic training ng napakapambihirang Ancient Cultivation Manual na tinatawag na Asura Art of Divinity. Pansin niyang tila ba hindi niya malalaman kung paano ito nagpapataas ng Cultivation. Kahit magcultivate pa ito ng Cultivate lamang at walang ibang factors katulad ng Cultivation Resources kagaya ng mga pambihirang mga Pills o Elixirs maging ang ibang mga pambihirang mga bagay ay tila ba napakaimposible talaga.

Kailan ba siya nakakita ng isang nilalang na martial artists o Cultivators na kayang magbreakthrough mula sa Strength Training papunta mismo sa Xiantian Realm na walang tulong ng Cultivation Resources?! Kalokohan ito para sa nagsasalitang Quoll na si Fai. Gusto niyang masuka sa lame na iniisip niyang ito. Kahit napakatalentadong nilalang ka pa o anumang klaseng Grade meron ka ay isang useless bases ito. Kung walang Cultivation Resources ay hindi makaka-advance sa susunod na lebel ng Cultivation lalo na sa pagbreakthrough sa susunod na boundary.

Naniniwala siyang nagbibiro at niloloko lamang siya ng batang Xiantian Realm Expert na si Li Xiaolong. Gusto niya man itong sumbatan o mainis sa batang martial artist na si Li Xiaolong ay wala siyang magagawa dahil siya lang rin ang magdurusa sa gagawin niyang ito. Sa murang edad nito ay tila imposibleng maloko mo ito. Kinikimkim niya lang ang mga bagay na ito. Siguro nga siyang hindi pa nagtitiwalang lubos sa kaniya ang batang si Li Xiaolong na ito. Pero masuwerte pa rin siyang hindi siya pinapaalis o inihiwalay sa piling ng mukhang matandang batang lalaking Xantian Realm Expert na ito. Tila ba anong hiwaga ang nakabalot sa katauhan nito na hindi maisip ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Isa ka ngang tunay na natatagong yaman ng Li Clan. Sa kakayahan mong ito ay kaya mo ng tumayo ng isang malaking angkan ng sarili mo ngunit hindi mo ginawa. Ano ang gagawin mo batang Li Xiaolong?! Napakaswerte ko at masasaksihan ko kung paano mo lampasuhin ang napakabasurang Sky Flame Kingdom na ito at magsimula ng malawakang ruckus hehehe!!!!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang habang nakapaskil ang nakakatakot nitong ngising nakapaskil sa bibig nito habang nakalabas ang tatlong nagtatalasang mga ngipin nito. Ipinikit na lamang nito ang mata nito at humiga sa malambot ngunit mahabang buhok ng batang si Li Xiaolong.