Chapter 49

Mabilis na nagpunta ang batang si Li Xiaolong papunta mismo sa Bloody Gem River kasama ang nagsasalitang Quoll na si Fai.

Namangha naman si Fai sa nakikita niyang napakalawak na ilog ngunit mabilis na nagbago ang manghang nakapaskil sa mata nito at biglang lumabas ang nagtatalimang mga ngipin nito.

"Anong klaseng ilog to bata?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba nabalot ng kuryusidad ang isipan nito patungkol sa napakalawak na ilog at napakahabang paliko-likong linya ng nasabing daluyan ng katubigang ito.

"Ito ba? Isa itong Bloody Gem River. Isang yamang pinagmumulan ng lahat ng nabubuhay rito. Ito rin ang nagpapalibot sa buong mga kalupaan at teritoryo dito habang isa itong tagahati sa kabilang mga angkan." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang isinasalaysay nito ang kaniyang nalalaman.

"Ganon ba?! Ngunit parang may hindi ka sinasabi sa akin bata?!" Makahulugang sambit ng nasasalitang Quoll na si Fai.

"Oo na, napakadelikado ng Bloody Gem River. Mayroong kung anong nilalang ang lumalabas kapag pumupula at bumubula ang tubig. Tila mayroong kahindik-hindik na mga nilalang ang nakatira sa ilalim ng tubig." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang seryoso itong nakatingin sa direksyon ng nasabing Bloody Gem River.

"Hahaha... Nararamdaman ko din ang presensya. Di kaya nandiyan ngayon lamang ang mga nilalang na ito?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Hahaha... Hindi ko alam kung paano mo nalaman ngunit mag-uumpisa na maya-maya lamang ang magandang palabas." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito.

"Ano'ng binabalak mo bata?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

Hindi pa nakakasagot ang batang si Li Xiaolong ay biglang nagkulay pula ang buong katubigan ng Bloody Gem River. Tila ba nagkaroon ng kakaibang penomena sa nasabing ilog.

"Hahaha... Normal lamang ito kapag ganito ang nasabing ilog na ito. Sanay na ang buong Li Clan maging ang ibang mga katabi naming mga angkan. Ano pa ba sng aasahan namin diba?!" Makahulugang sambit ng batang si Li Xiaolong habang dumaan ang kakaibang emosyon sa mata nito.

"Hindi ko aakalain na ganito pala kasama ang Sky Flame Kingdom. Hindi maaaring hayaan lamang na manirahan ang mga masasabing mahihina at maliliit na angkan malapit sa Bloody Gem River. Paano na lamang kung ang mga halimaw na mapupunta o dadaloy papunta sa inyo ay lubhang delikado at napakapanganib?! Siguradong ang angkan rin mismo ang mag-durusa." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba nakakaawa ang magiging resulta nito kung sakaling napakalakas at mapanganib ng lubos ang mga Beast na lalabas sa Bloody Gem River kung sakali mang mangyari iyon.

"Para sa mga malalakas na pwersa ay hindi nila maaaring problemahin iyon sapagkat sila ang masusunod. Ang treaty ng apat na kaharian ay nananatili pa rin. Ang panghihimasok sa personal affair o ruling ng isang kaharian laban sa isang kaharian ay magdudulot lamang ng hindi magandang resulta. Tingin mo ba ay matutulungan kami ng ibang kaharian?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang pagiging kalmado sa boses nito habang nakakuyom ang kaniyang sariling kamao. Para sa kaniya ay napaka-unfair at napakamakasarili ng Sky Flame Kingdom. Alam niyang hindi lamang ang kanilang kaharian ang nagkakaroon ng problema. Maging ang Sky Ice Kingdom ay tila nagkakaroon na ng lamat ang ugnayan ng mga ito.

"Tama ka nga naman. Ngunit malapit kayo sa Red Spot ng border ng Sky Flame Kingdom hindi ba? Tsaka ang kalagayan rito at environment ay napakadelikado. Maaaring gamitin ng Sky Flame Kingdom ang Bloody Gem River upang wasakin sa natural na paraan ang mga maliit na angkan na tanging Clan Chief lamang ang porpoblemahin nito?! Talagang napakahusay ng plano ng Sky Flame Kingdom, hmmp!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikitang nakanganga na ito at parang handa na itong kagatin ang sinuman. Kung nakikita lamang ito ng batang si Li Xiaolong ay siguradong mababato niya ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa mismong Bloody Gem River.

"Nakuha mo rin. Nalaman ko noon na ang Li Clan ay nasa lugar noon na medyo malapit sa mismong Kaharian ng Sky Flame katabi ng mga Elite Clan ngunit dahil nagkaroon daw relocations ay tila ba nagkaroon g relocations. Dahil sa pagdecline ng Li Clan at nauubos ang mga talentadong martial artists na nire-recruit ng mismong kaharian ng Sky Flame ay tila ba naalarma st nagalit ang mga opisyales maging ng mismong ang Royal at Noble Clan ay nakialam na rin dito. Ang paglitaw ng isang 5th Mystic Grade Martial Talent sa Li Clan ang siyang nagresulta ng pagkalugmok ng Li Clan. Siya si Li Mencius na isang matagumpay na martial artist at kilala sa Sky Ice Kingdom." Mahinahong sambit ng batang si Li Xiaolong ngunit makikita ang labis nitong pagtitimpi.

Aksidente pang napalabas ng batang si Li Xiaolong ang napakalakas na aura ng isang Xiantian Realm Expert ngunit mabilis din itong napawala ng batang si Li Xiaolong.

Tila ba natakot naman si Fai sa sudden changes ng mood ng batang si Li Xiaolong.

"Bakit parang galit na galit ka batang Xiaolong sa lalaking martial art Expert na iyon?! Siguro naman ay nakaalis na siya sa Li Clan hindi ba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai tila ba naguguluhan sa inaasal ng batang si Li Xiaolong. Medyo nakakatakot nga ang batang ito.

Nagkaroon ako ng lihim na imbestigasyon. Alam ko na kung bakit ginigipit ng kaharian ng Sky Flame ang Li Clan hanggang sa ngayon at dahil iyon sa kagagawan ni Li Mencius. Tila ba ini-involve nito ang sarili nito sa alitan ng dalawang kaharian. Hindi ko alam ang totoong plano ng Li Mencius na iyon. Hindi rin maaaring gumawa ng malaking hakbang ang mismong Sky Flame Kingdom sa Li Clan dahil na rin kay Li Mo na papatapak na papatapak na rin sa Early Xiantian Realm Expert. Ngunit si Li Mencius ay makabreakthrough na noong nakaraan at isa na itong ganap na Late Stage Xiantian Realm Expert. Ikinakatakot ko sy kung makakatapak ps ito sa mataas na Realm ng Cultivation Level ay saka na ito gagawa ng despicable move sa mismong Sky Flame Kingdom na naririto pa ang Li Clan na pinagmulan niya na kahit ako ay hindi ko mapoprotektahan ang sinuman liban lamang sa mga magulang ko." Tila malungkot na saad ng batang si Li Xiaolong. Kung mangyayari man iyon ay wala siyang pagpipilian kundi ang isalba ang kaniyang mga magulang habang ang iba ay siguradong mamamatay. Liban na lamang kung magiging mabait pa ang mismong pamunuan ng Sky Flame Kingdom pero imposibleng mangyari iyon. Maraming involve sa sitwasyong ito ngayon.