Chapter 53

"Ano pa nga ba ang nangyayari. Ginusto nila ng gulo, edi bigyan ng gulong ninanais nila. Uunahin kong burahin ang Sky Ice Kingdom sunod ang Hollow Earth Kingdom Sunod ang Sky Flame Kingdom siyempre buburahin ko din ang Wind Fury Kingdom!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Nagbibiro ka lang batang Xiaolong diba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai na nasa uluhan ng batang si Li Xiaolong.

Ngunit hindi na siya sinagot ng batang si Li Xiaolong kung saan ay mabilis na tiningnan nito ang kaniyang Xiantian Needle sa kamay. Bigla na lamang lumitaw pa ang ang dalawa pang bagay sa kamay nito.

"Tatlong Xiantian Needle?! Kaya pala..." Tila napasinghap ng malakas ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang nasaksihan. Ngayon ay alam niya na kung bakit nging posible ang lahat ng bagay na ito lalo na sa pagbuo ng Xiantian Needles.

"Nasagot ko na ang mga katanungan mo. Wag mo muna akong istorbohin." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis nitong ibinato sa katubigan mismo ng Bloody Gem River.

"Hmmmp! All this time, pinagloloko lang pala ako ng batang ito. Nakit di ko agad napansin ang nakabaon sa kanang kamay nito Grrr.... May araw ka rin sakinv pasaway na bata ka!" Inis na sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang.  Naiinis man siya rito ngunit ang kakayahan nito at abilidad ay hindi mapapantayan ng kaedaran nito. Talagang ang pag;iisip ng batang si Li Xiaolong ay masasabi niyang magtatagumpay ito sa kaniyang plano. Maging siya ay naniniwala sa magagawa ng anim na taong gulang na batang ito.

Nakita niyang nageensayo ang batang si Li Xiaolong sa pagkontrol ng Kaniyang sariling Xiantian Needles ngunit bigla niyang napansin ang pag-iba ng emosyon ng batang si Li Xiaolong.

BANG!!!!!!!!!!!

Isang nakakatakot na enerhiya ang bigla na lamang umalpas sa tubig papunta sa direksyon ng batang si Li Xiaolong maging nangaputol ang mga puno habang napalunyag ng paatras ang batang si Li Xiaolong ng mataas.

"Hmmp! How presumptuous!!!!" Sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis nitong pinalabas ang kaniyang sariling Xiantian Aura hàbang mabilis nitong pinalaho ang kaniyang sariling Xiantian Needle.

"Kaya pala napapansin ko ang biglang pag-alpas ng Green Poison Fish papunta sa akin maging ang pagkawala ng ibang mga Magical Beasts ay tunay ngang nakakapangamba. Isang Peak Houtian Realm Beast ang ng halimaw na Green Poison Fish ngunit ang halimaw na nasa ilalim ng katubigan ay isang Early Stage Xiantian Realm Beast. Talagang matatalo at mapapaslang lamang siya ng malakas na Magical Beasts na ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tinitingnan ang katubigan. Akala niya ay noong napaslang niya ang Green Poison Fish ay tuluyang nangamba ang mga Aquatic type Magical Beasts sa katubigang ito ngunit nagkakamali pala siya. Naaalala niya kasi na ang mga Pulse Condensation Stage Beasts lamang pinakamalakas na nilalang na napapadpad sa Bloody Gem River ngunit ngayon ay parang nag-iba na ang takbo ng nilalang na naninirahan sa ilog. Halos isang linggo din siyang hindi nakakapunta dito ngunit nakakatakot na nilalang na ang nag-aalpasan sa katubigang ito ng Bloody Gem River. Tiyak siyang may anomalyang nangyayari sa napakalawak na ilog na ito.

Ang Bloody Gem River ay isang mahiwagang ilog. Nagkakaroon ng kakaibang penomena ang ilog kung saan ay nagiging kulay pula at tila bumubula-bula ang nasabing malawak na ilog na ito. Isa din itong nagsisilbinv boarder. Napakadelikado ng ilog na ito na alam ng lahat. Kapag pumupula ang ilog ay nagsisilabasan ang mga Aquatic type na Magical Beasts dito kung saan ay nagsisimulang magkaroon ng berserks o pagiging agresibo ang mga Aquatic type Magical Beasts na siyang nagreresulta ng pagkagulo ng marine life. Sa kaniyang masusing pag-aaral ng Bloody Gem River ay mayroon pala itong nakakatakot na bagay sa likod nito.

Napabalik sa reyalidad ang batang si Li Xiaolong nang magsalita ang Quoll na si Fai.

"Paanong mayroong Xiantian Realm Beasts sa ilalim ng katubigan ng Bloody Gem River na ito?! Akala ko ba ay hindi naman gaano kadelikado ang ilog na ito?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi niya maintindihan talaga ang sinasabi ng batang si Li Xiaolong dadagdag pa ang pesteng Xiantian Realm Beasts sa alalahanin niya. Nakalabas na ang nakakatakot na ngipin nito at gustong-gusto niya ng sugurin ang nakakublinv halimaw sa ilalim ng Bloody Gem River ngunit alam niyang napakalakas nito at ayaw niyang mamatay noh.

Maya-maya pa ay bigla na lamang umalpas paitaas ng katubigan ng Bloody Gem River ang isang dambuhalang alimango na siyang kilala sa tawag na Giant Red Armoured Crab.

"Hindi ko alam. Hindi maaaring galing ito sa Bloody Gem River!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito alam ang kaniyang isasagot. Paanong napunta ang dambuhalang nilalang na ito?! Tiyak siyang hindi galing ito sa Bloody Gem River. Naguluguhan ang batang si Li Xiaolong kung saan nagmula ang dambuhalang nilalang na ito.

Ang Giant Red Armoured Crab na nasa harapan ng batang si Li Xiaolong ay napakatingkad na kulay pula ang balat o shell nito na animo'y parang bakal na napakatigas at masasabing parang armour nga ito. Naglalabas ng enerhiya ng isang Early Stage Xiantian Realm ang Magical Beast na ito. Napakalayo naman ng Bloody Gem River sa mismong mga kabahayan ng Li Clan kaya nasisiguro niyang hindi siya mapapansin ng sinuman dito kung sakaling magkaroon man ng labanan sa pagitan niya at ng Giant Red Armoured Crab na ito.

"Hmmm... Ang tanong dito batang Xiaolong ay kung paano napunta rito ang Giant Red Armoured Crab na ito?! Biruin mo isang Early Stage Xiantian Realm Beasts ito. tsaka hindi din ito nakatira sa Bloody Gem River diba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Kahit siya ay naguguluhan din sa hindi inaasahang pangyayari na ito kung saan ay nagkaroon ng involvement ang Early Stage Xiantian Realm Beast na ito.

"Oo nga eh, imposibleng sa tubig tabang nakatira ang nilalang na ito. Parang mayroong kakaibang pangyayari o foul play na involved dito." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagtagis ang bagang nito sa kaniyang naiisip.

"Oo nga, baka may kinalaman dito ang Sky Flame Kingdom." Tila panghuhula ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang naiisip ang bagay na ito.

Tila dumilim naman ang pagmumukha ng batang si Li Xiaolong sa bagay na ito. Tiyak siyang hindi niya mapapatawad ang Sky Flame Kingdom kung gumagawa na ito ng hakbang para i-dissolved sila sa natural na pamamaraan.