Chapter 54

GRRROOOOWWLLL!!!!!!

Mabilis na naagaw ng atensyon ng Giant Red Armoured Crab ang atensyon nina Li Xiaolong at ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa pamamagitan ng pag-atungal nito ng malakas.

Tila ba hindi makapaniwala sa kanilang nakikita ang batang si Li Xiaolong at si Fai sa kanilang nasaksihan dahil tumalon muli ng malakas ang halimaw papunta sa direksyon ng batang si Li Xiaolong.

"Hmmmp! Napakarahas at agresibo ng halimaw na ito hmmp!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Pansin niyang hindi siya aatakehin ng halimaw na ito o pakay dahil balak lamang siya nitong pisain.

Malapit na siyang daganan at pisain ng nasabing halimaw na Giant Red Armoured Crab kung saan ay ang bigat nito ay inilalagay o nakalagay mismo sa lower part ng katawan ng nasabing halimaw at sa armoured shell nito.

"Pesting halimaw ito, minamaliit ka talaga ng halimaw na Giant Red Armoured Crab na ito. Pakitaan mo nga batang Xiaolong! Wag kang magpapatama sa uluhan mo bata, mapipisa ako huhu" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nakanganga ito kung saan kitang-kita ngipin nito ngunit nanlaki ang mata nito nang makita niyang sa itaas pala ang pag-atake ng halimaw na ito. Malamang sa malamang ay mapipisa siya ng halimaw na Giant Red Armoured Crab na ito. Ayaw niya pang mamatay noh.

"Tumahimik ka nga diyan Fai. Hindi lang ikaw yung mapipisa kung bubungangaan mo ko. Ang sakit mo sa tenga!" Tila naiinis na sambit ng batang si Li Xiaolong. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis rito eh siya naman ang lalaban dito. Malamang kapag napisa si Fai siyempre given na mapipinsala din siya lalo na sa kaniyang bandang uluhan. Minsan may pagkatanga din tong asal dagang si Fai.

Nanahimik na lamang ang nasabing Quoll na si Fai dahil alam niyang medyo na-hype siya sa naiisip niya.

Gamit ang basic training ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang Asura Art of Divinity ay bigla niya lamang naalala ang kaniyang sariling natutunan sa Ancient Cultivation Manual na ito.

Gamit ang pinagsamang lakas ng kaniyang kasalukuyang lebel ng Cultivation at mga natutunan niya sa kaniyang sariling Cultivation Manual ay naniniwala siyang makakaya niyang labanan ang halimaw na Giant Red Armoured Crab na ito.

Nang papalapit na ang bumubulusok na pigura ng halimaw na Giant Red Armoured Crab na ito ay bigla na lamang gumalaw ang kamay ng batang si Li Xiaolong na tila sumasayaw ang dalawang kamay nito habang parang may isinasagawang Hand dance o kung anuman ang tawag dito sa awkward na basic hand training na ito.

Tila ba pakiramdam ng batang si Li Xiaolong ay nasa ibang lugar siya habang ginagawa ang Basic training na ito ng kaniyang kamay. Naalala niya kaniyang puso't isipan ang kaniyang pinag-aralan sa pambihirang Cultivation Manual na Asura Art of Divinity. Bawat kumpas ng kamay nito ay maihahalintulad sa rumaragasang agos ng tubig.

Sa pamamagitan ng pag-iba niya sa normal na daloy ng kaniyang sariling Essence Qi sa katawan ay tila ba nagiging instrumento ang dalawang kamay ng batang si Li Xiaolong para padaluyin ang kaniyang sariling enerhiya papunta sa palad niya mismo.

Nang halos magdikit na ang gap ng Giant Red Armoured Crab ay sakto namang tumigil ang parteng palad ng kaliwang kamay ng batang si Li Xiaolong tila ba nakasentro ito sa mundo. Ang vague aura ng Asura Art ay tila ba gumuhit sa palad ng batang si Li Xiaolong nang hindi nito napapansin.

Tila walang tigil sa pagbulusok ang nasabing halimaw na Giant Red Armoured Crab. Desidido na itong paslangin ang batang si Li Xiaolong sa pamamagitan ng marahas na pagdagan ng dambuhalang katawan nito na balot ng Armoured Shell nito.

"Basic Training: Palm Opening!"

Dito ay biglang rumagasa ang malakas na enerhiya sa loob ng katawan ng batang si Li Xiaolong papunta sa mismong Armoured Shell ng halimaw na Giant Red Armoured Crab.

BAAANNNNGGGGG!!!

Animo'y parang tumigil ang pag-isad paabante ng halimaw na Giant Red Armoured Crab kung saan ang lahat ng pressure sa pagbagsak nito ay naglaho na parang bula.

Hindi lamang iyon ang nangyari dahil maya-maya pa ay kapansin-pansin na nagkabitak-bitak ang napakatigas na armoured shell nito.

"POWWWWW!!!!

Isang marahas na pagkasira ng armoured shell nito sa harapang bahagi ng halimaw na Giant Red Armoured Crab ang nangyari kung saan ay bumulusok pa ito ng mabilis paitaas ng ere.

BANNNNGGGGG!!!!!!!!

Malakas na pagsabog ang nangyari sa kalupaan ng lugar na ito ng bumagsak sa hindi kalayuan ang katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na Giant Red Armoured Crab.

Nakatihaya ito sa lupa nang bumagsak ito sa lupa at makikitang wasak na wasak ang armoured shell nito. Mahahalatang kalunos-lunos ang sinapit nito habang may mumunting itim na sunog na parte ng katawan nito.

"Hoy bata, masyado mo naman atang pinuruhan ang Giant Red Armoured Crab na ito. Napakabrutal mo talaga." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai ngunit bakas sa tono ng pananalita nito na walang emosyon ng pagkalungkot ang namutawi dito.

"Hmmm... Hindi gaanong kalakas ang aking basic training na Palm Opening idagdag pang ang halimaw na Giant Red Armoured Crab na ito ay masyado akong minamaliit. Sa pamamagitan lamang sana ng atake kong ito ay maaaring masangga man lamang nito ngunit nasa opensa ang ginawa nito habang walang depensa ang katawan nito at maraming openings sa katawan nito. Kung sineryoso lamang ako ng nasabing halimaw na ito upang paslangin ay tiyak na mahihirapan akong gawin ang finishing blow na ito!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagkadismaya sa kaniyang kalabang halimaw. Masyado itong kampante habang hindi nito sineryoso ang kanilang naging laban. Hindi siya nahabag sa dambuhalang halimaw na ito na mayroong Cultivation Level na Early Stage Xiantian Realm.

Habang naaalala ng batang si Li Xiaolong kung paano siya tingnan na parang insekto lamang at marahas na atakehin kahit na isa lamang siyang anim na taong gulang na bata ay halos kumulo ang dugo nito sa inis at galit.

"Batang Li Xiaolong, tingnan mo ang Giant Red Armoured Crab na iyon." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang mabilis na nagbago ang anyo ng dambuhalang nilalang na Giant Red Armoured Crab sa pormang nilalang na tao?!

"Tierra Clan?! Bakit nandirito ang miyembro ng isang Tierra Clan sa Sky Flame Kingdom. Sa pagkakaalala ko ay kabilang ito sa pambihirang angkan na naninirahan sa Hollow Earth Kingdom?! Ano'ng ginagawa nila rito?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tinitingnan ang nasabing halimaw na Giant Red Armoured Crab o mas mabuting sabihin na isang martial arts Cultivator na nabibilang sa Tierra Clan.

Maging ang quoll na si Fai ay wala ring masabi sa biglaang rebelasyong nalaman nila. Ang isa sa miyembro ng angkan ng Hollow Earth Kingdom ay bigla na lamang nanghimasok sa Li Clan, talagang napakaraming impormasyong hindi nila alam ang totoong dahilan nito.