Chapter 105

Yung tipong isa lamang siyang bagong binhing isinaboy sa lupa but someone wants to pluck ang papatubong ugat niya sa lupa. He feel powerless, yung tipong sinisi niya pa yung lupang maaaring makatulong sa kaniya which is ang magandang babaeng walang pangalan na ito na ilang dipa lamang ang layo sa kaniya.

"Naku naman, nakakainis at naiinis ako sa sarili ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti dahil ako Lang rin ang maaaaring magdesisyon para sa sarili ko." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Makikitang tila ba hindi ito mapakaling mag-isip ng mga bagay-bagay patungkol sa problemang kinakaharap niya sa kasalukuyan.

Matagal na nag-iisip pa ang batang lalaking si Li Xiaolong hanggang sa magsalitang muli ang magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan ng hindi nito inaasahan.

So ano na ang desisyon mo batang Xiaolong? Hihigop ka ba ng Remnant Soul o gusto mong mamatay ang mga mahihinang nilalang na gusto mong protektahan?!" Walang pakundangang pagkakasabi ng magandang babaeng walang pangalan sa malakas na boses.

Tila umusok naman ang ilong ng batang lalaking si Li Xiaolong sa narinig niya.

"Hay naku, nag-iisip pa nga ako magandang Binibini pero yung mga deskripsyon mo talaga hayagan na hayagan ha. Di ba ko pwede mag-isip ng matagal ha?! Talagang pinaramdam mo talagang mahihina ang mga nilalang na nakatira sa lugar namin ha." Tila nakasimangot na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Nawawala ang patience niya sa banaeng ito. Napakabulgar kasi kung makapagsalita.

"Ay aba, dapat bang maging sarkastiko ako eh ganon naman talaga iyon. Do or die ka nalang bata baka malay mo gawin kang bayani ng kaangkan mo o ng Green Valley." Nakangiting sambit ng magandang babaeng walang pangalan na tila nang-aasar.

"Aist! Namimikon ka ba talaga magandang Binibini? Kung oo, panalo ka na. Ang bata ko pa para mamatay at maihalal bilang bayani at di ko pangarap na maging bayani noh. Di ako tanga para mamatay ng maaga." Nakangiwing sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniya habang malalim pa rin itong nag-iisip.

"As if naman na may iba kang option batang bubwit este batang Xiaolong hahaha!!!!!" Nang-aasar na sambit ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan habang matamang tinitingnan ang batang lalaking si Li Xiaolong.

"Oo na nga. As if naman na mananalo ako sa'yo Lola." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang napangisi pa ito na tila natutuwa ito.

"Hmmp! Ano'ng Lola ka diyan? Sa mukhang to, Lola? Nang-aasar ka ba?!" Tila umuusok ang ilong ng magandang babaeng walang pangalan habang tila nagpipigil ito ng inis.

"Oo na, di na kita tatawaging Lola, di ka pa naman umuugod-ugod eh hahahahahahahahahaha!!!!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang humaglapak pa itong tumatawa sa kinaroroonan nito.

"Grrrr... Iniinis mo ba kong bansot na bata ka?!" Sambit ng magandang babae habang namumula ang mukhan ito na animo'y bubuga ng apoy.

"O siya, hindi na. Payag na nga ako na mag-absorb ng soul fragments sa remnant soul. Happy?!" Seryosong ambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang ibiiba nito ang kanilang usapan. Madali kasing mainis ang magandang babaeng walang pangalan na ito baka magbago pa ang takbo ng isipan nito at wala siyang mapala dito.

"Talaga ba? Wala ng bawian bata ah. Quits na tayo whahahaha!!!!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng tila ba wala na ang nakakatakot at umuusok na pagmumukha nito kani-kanina lamang.

"May saltik ba sa utak ang babaeng ito? Grabe magbago ng mood ha. Isa pa ay mabuti na rin ito kaysa mainis pa ito sa akin ng tuluyan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito alam kung maiiyak siya o matatawa sa naiisip niyang ito.

"Oo na, tsaka naisip ko rin na wala rin naman akong pagpipilian sa kasalukuyan kong sitwasyon. Nasasabi kong desperado na akong makahanap ng solusyon at determinadong maprotektahan ko ang mga inosenteng buhay ng mga nilalang na naninirahan sa lugar ng Green Valley. Dito ako nagmula at namulat sa totoong takbo ng buhay na ito. Baka nga maging sanhi pa ito ng pamumuo ng Heart Demon sa aking sarili." Tapat na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila ba hindi ito nagsisinungaling bagkus ay masasabing tila determinado talaga itong naisakatuparan ang kaniyang minimithing plano upang maprotektahan ang mga nilalang na matiwasay na namumuhay sa Green Valley.

May sampong mga angkan ang naninirahan sa Green Valley ngunit tanging apat na lamang na Clan Chief ang natitirang buhay dito at anim ang napaslang sa mga ito. Sampong angkan man kung iisipin ay maliit ngunit ang populasyon dito ay lalong lumulubo habang papatagal ng papatagal. Maaatim kaya niyang mapaslang ang mga musmos na mga batang katulad niya o ang mga bagong silang na mga sanggol na mapapaslang sa mga walang awang mga nilalang na papaslang sa mga ito?! Tiyak siynag uusigin siya ng kaniyang konsensya kapag nangyari ang mga bagay na ito.

"Nice choice batang bubwit este Batang Xiaolong. Tapagang hindi ka magsisisi sa iyong desisyon. Under my guidance ay tiyak akong hindi ka mapapasama. Ako pa ba?! I, sino nga ba ako?! Basta ako na si walang pangalan pero magandang nilalang ay tutulungan kang maging malakas na eksperto. Yun lang at hindi ko tatapusin ang aking sasabihing oath baka mapaslang ako ng hindi ko namamalayan hehehe..." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila natatawa ito sa huling sinabi niya.

Tila nangunot naman ang noo ng batang lalaking si Li Xiaolong sa sinasabi ng magandang babaeng walang pangalan habang napatawa na rin lamang ito sa huli.

Masasabing masaya man ang batang lalaking si Li Xiaolong sa desisyong ginawa niya ngunit mayroon pa rin sa puso niya ang namumuong takot pangamba at mga negatibong emosyon lalo na at ang kaniyang desisyong ginawa ngayon ay makakaapekto ito sa kaniyang kinabukasan o hinaharap. Malaking katanungan pa rin kung magtatagumpay ba siya sa kaniyang hinahangad na proteksyon mula sa gagawin niyang ito.

Malaking palaisipan rin kung tutulungan nga ba siya ng Feathers Guild mula sa kanilang nalalapit na delubyong sasapitin ng buong Green Valley sa kamay ng pangahas na kilos ng kahariang kinabibilangan nila na walang iba kundi ang Sky Flame Kingdom.