Chapter 106

Matapos ng nasabing diskusyon sa pagitan ng magandang babaeng walang pangalan at ng batang lalaking si Li Xiaolong ay mabilis na lumitaw ang isang kakaibang portal sa ere.

"Binuksan ko na ang isa sa lagusan patungo sa kinaroroonan ng spul fragments ng isang manlalakbay na Cultivator. Sa loob ng dalawang bilyong taon ay ngayon ko lamang muling mabubuksan ito. Ihanda mo ang iyong sarili bata. Wag kang mag-alala dahil isa lamang maliit na dots ito pero ibayong pag-iingat pa rin ang gagawin mo." Sambit ng magandang babaeng nasa kinaroroonan niya pa rin ito.

"Opo magandang binibini. Hindi ko hahayaang mapahamak ang sarili ko at masayang ang iyong ibinigay na oportunidad sa akin." Magalang na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang napatango pa ito habang sinasabi ang mga katagang ito. Bakas sa pagmumukha ng batang lalaking ito ang labis na kasiyahan dulot ng kanilang pagtatagpong ito na hindi inaasahan.

"Mabuti naman kung gayon. Isa pa ay mahirap para sa aking buksan at gumawa ng paraan upang i-activate ang mga ito. Dapat ay sa loob ng limang minuto ay nakalabas ka na sa lagusang aking bubuksan dahil hindi pa ako ganoon kalakas sa kasalukuyan para maprotektahan kita. Seryosohin mo ito bata dahil baka mamatay ka habang hinihigop mo ang mga soul fragments na ito. Ang kailangan mo lang gawin ay i-expell mo at huwag mong subukang higupin ang nasabing soul fragments. Hindi ka pa handa sa mga mismong Remnant Souls na sobrang lakas pa kaysa sa kasalukuyan mong lakas na hindi mo mababatid ang natitira nilang lakas." Paalalang sambit ng magandang babaeng nasa di kalayuan mula sa kinaroroonan ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Bakas sa tono ng boses nito ang matinding babala.

Tila nanlaki naman ang mata ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila kanina lamang ay parang bang binibiro lamang siya ng magandang babaeng walang pangalan na matamang nakatingin sa direksyon niya ngunit sa sinasabi nito ay tila ba naglalaman ng sobrang kilabot at panganib ang nasabing remnant souls. Kung ano man ito ay wala siyang kaalam-alam o kaide-ideya kung gaano ba talaga kalakas ang mga ito.

"Naintindihan ko po magandang Binibini." Simpleng sagot na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong habang matamang nakatingin sa magandang babaeng na ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya.

"Kung gayon ay ito na!" Sambit ng magandang babaeng nasa kinatatayuan nito kanina at mabilis na nagsagawa ito ng kakaibang galaw ng kamay at katawan nito.

Sa unang mga kumpas ng kamay nito at bawat galaw na ginagawa nito ay tila naglalamang ng kakaibang profound move. Tila ba sa unang tingin ay tila sumasayaw lamang ito ngunit habang papatagal ng papatagal ay bigla na lamang nagliwanag ang buong katawan nito partikular na rito ang dalawang kamay nito.

Tila ba ang nagkaroon ng kakaibang tunog na tila ba bago sa pandinig ng batang lalaking si Li Xiaolong.

*Crreaackk *Crreaackk *Crreaackk *Crreaackk *Crreaackk *Crreaackk *Crreaackk

Masasabing may kung anong bagay ang nagbubungguan sa itaas ng himpapawid na kung saan ay tila nagkakaroon ng collision ng malalaking bagay ngunit sa paningin ng batang lalaking si Li Xiaolong ay pawang wala siyang nakikitang mga nagbubungguang mga bagay o anumang anomalya sa ere ngunit hàbang papatagal ng papatagal ay tila ba mas lumalakas ng lumalakas ang nasabing tunog. Kahit sinong tatanungin ay tila ba magtataka kung ano ang nangyayari.

Ignorante na kung ignorante ngunit parang tanga namang nakatingin lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa ere kung saan ay pakiramdam niya ay nagmumula doon ang nasabing tunog. Naniningkit man itong nag-oobserba sa ere ngunit wala talaga siyang makita o mahanap. Narinig niya rin ang tila tunog ng mga metal na nagkikiskisan sa kapwa nito metal ngunit wala naman siyang makita.

Pero para sa Spirit Artifact na magandang babaeng walang pangalan ay tila ang buong kalangitan ay mayroong mga malalaking mga bagay ang lumilitaw sa ere lalo na ang tila mga naglalakihang mga kadenang nasa ere ay parang unti-unting nagiging visible sa mga mata nito. Maya-maya pa ay tila ba lumitaw ang isang pabilog na bagay na mayroong kakaibang simbolo.

Agad na inilahad ng magandang babaeng walang pangalan ang kaniyang sariling kanang palad at mabilis na itinapat ito sa katapat ng pabilog na naglalaman ng kakaibang simbolo.

Tila ba ang kanang palad ng kamay nito ay masasabing tila lumiwanag ng malakas. Isang nakakatakot at napangingilabot na enerhiyang lumabas sa buong palad nito.

Masasabing parang nahati ang kalangitan at bumuka ang pabilog ang ere.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Nakakapangilabot na tunog ng malalakas na pagsabog sa buong himpapawid kung saan ay tila ba mayroong mga metal na mga bagay ang tila sumasabog.

Napatakip na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang tenga dahil sa napakalakas na mga pagsabog sa himpapawid ngunit hindi niya man lang makita ang mga ito.

BANNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang hindi inaasahang muling mangyayari at doon nga ay tila natapos ang lahat.

Nakita na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong na tila ba may isang napakalaking pabilog na bagay ang biglang lumitaw. Napakagandang pagmasdan nito. Tila ba mayroong pa-spiral na movement ang tila malatransparent na bagay na namumuo rito ngunit tila hinihigop ito papaloob na parang cycle.

Masasabing tila mayroong suction force na namumuo sa nasabing pambihirang bagay na ito.

"Maaari ka ng tumuloy batang Xiaolong. Wag kang mag-alala dahil isang ligtas na lagusan iyan patungo sa sinasabi kong pagkukunan mo ng fragment soul. Ang dapat na bagay na siyang kailangan mong mag-ingat ay nasa loob nito. Limang minuto bata ang tanging orasna bukas ang lagusan, ayaw mo naman sigurong mapagasarhan hindi ba?!" Sambit ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan habang matamang tinitingnan ang batang lalaking si Li Xiaolong na tila nag-aalinlangan pa ito.

Masasabing parang ignorante ito sa pambihirang bagay katulad ng lagusang ito. Masasabing kakaiba nga ito at naglalaman ng kakaibang enerhiya na nagse-seclude sa labas at loob ng nasabing lagusan.

"Kailangan ko ba talagang pumasok diyan. Di pa pwedeng dito ko nalang hihigupin ang Soul Fragments ng nasabing manlalakbay na Cultivator na ito?!" Tila nag-aalinlangang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang masasabing gusto niyang dito niya lamang higupin ang nasabing soul fragments para mas ligtas.