Chapter 110

Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay kasabay nito ang pagsarado mismo ng nasabing lagusan.

Tila ba ang mga bagay na ito ay masasabing napakabizarre at nakakatakot.

Nakita batang lalaking si Li Xiaolong kung paano kainin ng misteryosong pwersa ang tila bilog na bagay. Tila nagtwist pa ito sa spiral direction hanggang sa magsarado mawala ang nasabing lagusan.

"Weww... Muntik na akong matrap sa loob huhu." Malakas na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakalutan pa ito sa ere habang bahagya pa itong nakayuko at nakahawak ang pares niyang kamay sa magkabilaang binti nito. Hindi niya aakalaing napalakas pala ang pagkakasabi nito na siyang narinig ng malinaw ng magandang babaeng walang pangalan na kanina pa naghihintay sa kaniyang pagbabalik.

"Aba aba, mabuti naman at nakalabas ka. Akala ko ay mananatili ka sa pambihirang lugar na iyon." Sarkastikong pagkakasambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin ito ng mataman sa direksyon ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Tila nayukot naman ang mukha ng batang lalaking si Li Xiaolong nang marinig niya ang sinabing ito ng magandang babaeng walang pangalan.

"Oh talaga ba? Sana ikaw nalang po yung pumunta doon diba at magpatrap?!" Sarkastikong pagkakasambit naman pabalik ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatayo na ito.

Tila nakita naman ng Batang lalaking si Li Xiaolong kung paano namula ang pagmumukha ng magandang babaeng walang pangalan na nasa kalupaan ng pambihirang lugar na ito.

Makikitang tila hindi ito namumula sa hiya o saya kundi parang bubuga ito ng nagbabagang apoy papunta sa kaniya na parang dragon sa sobrang inis at glait nito.

Tial kinakabahan naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang nasaksihan tila ba hindi siya maaaring magkamali sa halata namang galit ito sa kaniya.

"Hehe... Biro lang po Magandang Binibini. Ahhhhhhhh! Aray ko, parang binibiyak ang ulo ko?! Ano ito?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang awkward pa itong tumatawa ngunit tila ba ba nagbago ang kaniyang sariling ekspresyon ng kaniyang mukha ng tila gumuhit sa kaniyang mukha ang labis na sakit sa kaniyang ulo.

Tila ang galit na pagmumukha ng magandang babaeng walang pangalan ay biglang nagbago. Mabilis itong lumipad sa ere at tinungo ang kinaroroonan ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Tila nakikita niyang nakahawak ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling buhok. Tila ba ang kaniyang sariling balat ay namula ng todo. Napalitan ng pagkaawa ang magandang babae sa batang lalaking si Li Xiaolong. Sino ba naman ang hindi diba?!"

Gamit ang kaniyang sariling kanang kamay ay bigla na lamang niyang kinumpas ito at mabilis na lumabas ang kakaibang kulay asul na enerhiyang naglalaman ng tila malumanay na enerhiya.

Mabilis niyang kinontrol ito at mabilis na nagtungo ito sa bandang ulo ng batang lalaking si Li Xiaolong na tila nakasabunot sa kaniyang buhok sa labis na sakit na nararamdaman nito.

Unti-unting naramdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaginhawaan sa kaniyang sariling isipan. Tila kasi kanina ay parang naramdaman niyang may kung anong kakaibang enerhiyang gumapang at dumaloy sa isipan niya at nagkagulo-gulo ang mga nasa isip niya. Basta hindi niya maipaliwanag.

Nang mahimasmasan naman ang batang lalaking si Li Xiaolong ay doon niya napansin na nasa harapan niya mismo ang magandang babaeng walang pangalan na isang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito.

"Ano'ng nangyari?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na tila nakatingin sa magandang babaeng walang pangalan na nasa harapan niya.

"Ano pa nga ba, edi nagkaroon ka ng mind disturbances. Mabuti na lamang at naagapan ko at hindi gaanong kalakas ang balik sa iyo ng hinigop mong enehiya. Kung di ka ba naman tangang bata ka eh sa loob ng apat o mahigit tatlong minuto ay dapat na tapos ka na dapat sa paghigop ng pinakamaliit na Soul Fragment hindi ba?!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang matamang nakatingin sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Makikitang tila nag-iisip ito ng malalim habang sinasabi niya ang mga bagay na ito.

"Maraming salamat magandang Binibini sa naging pagtulong mo sa akin. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa iyo. Hindi ko aakalaing napatagal pala ng aking pamamalagi sa loob ng maganda at pambihirang lugar sa loob ng lagusang iyon." Nakangiting Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila kumislap ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila naniningkit naman ang pares ng mga mata ng magandang babaeng walang pangalan habang pinapaknggan niya ang sinasabing ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.  Masasabing may rason kung bakit nangyari ito.

"Pasaway na bata. Mayroon kang hindi sinasabi sa akin. Mukhang hindi ka sumunod sa ipinaalaala ko sayo. Hmmm..." Tila mas naningkit ang mata ng magandang babaeng walang pangalan na siyang isang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Hindi maipagkakailang napakakulit ng batang ito sa edad na anim nito. Isang Xiantian Realm Expert na ito kaya ang paghigop nito ng napakaliit na Soul Fragments  na nasa anyo ng bolang liwanag na nakalutang sa ere sa lugar na iyon. Masasabi niyang nakakapagtaka ito.

"A-anong si-sinasabi mo ma-magandang Binibini?! Mayroon ba akong nagawang di kanais-nais?!" Nauutal na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila nanlalaki ang pares ng mga mata nitong nakatingin aa magandang babaeng nasa harapan niya lamang na tila inoobserbahan siya nito ng maigi at nag-iisip ng malalim. Sinong hindi mauutal hindi ba? Isa pa ay ang sinabi nitong mayroon siyang hindi sinasabi sa kaniya ay meron nga na siyang tila nagpakaba sa kaniya. Paano kung nalaman nitong hindi nga siya sumunod sa ipinaalaala o mga instructions na sinabi nito? Mayroon bang malaking violations o mabigat na parusa rito? Praning na kung praning, ignorante na kung ignorante pero ang mga bagay na ito ay labis na nagpapakaba at kinakatakot niya.

Naramdaman lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ang masakit na bagay na umiipit sa kaniyang kanang tenga.

"Arayyyyyyyyy koooo pppoooooooooo!!!!!" Histerikal na pagkakasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong ng maramdaman ang napakasakit na pakiramdam sa kaniyang tenga na tila masasabing masakit nga ito.