Chapter 111

Alam niyang sa oras na ito ay hawak ng magandang babaeng nasa harapan niya na tila naiinis ang ekspresyon sa maamong mukha nito nito habang pinipingot siya sa kaniyang tenga.

"Sinasabi ko na nga bang pasaway kang bata. Napakahilig mo talagang ilagay sa peligro ang buhay mo hmmmp!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan na siyang spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Masasabi niyang tila ba may halong inis at galit sa pagmumukha nito.

Tila gumuhit naman ang takot at kaba sa pagmumukha ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba namutla ito sa sinabing ito ng magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Malamang ay nalaman nito ang kanyang sariling ginagawa kanina. Malay niya ba kung may pambihirang abilidad ang nasabing magandang babaeng walang pangalan na siyang nagsisilbing Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Edi tapos na siya kung magsisinungaling ito.

"Ah eh sasa-----!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na aamin na sana siya sa kaniyang sariling ginawa sa loob ng pinasukang lagusan papunta sa limang Soul Fragments sa pambihirang lugar na iyon ngunit mabilis siyang pinutol ng magandang babaeng walang pangalan sa pamamgitan ng pagsasalita nito habang di pa tapos ang sasabihin ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Wag ka ng magrason batang Xiaolong. Alam ko na ang ginawa mo. Namasyal ka pa at nag-obserba ka pa ng buong lugar at ng apat pang Soul Fragments na naroroon. Napakapasaway mo talaga!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong na nasa harapan niya lamang. Makikitang nagpipigil lamang ito ng inis.

"Uhm tama po, pasensya na po magandang Binibini sa aking kapalaluan at pagiging pasaway. Masasabi kong hindi maaari ang ginawa kong pagiging bulakbol at naging ignorante ako sa mga bagay-bagay sa loob ng lugar na iyon." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang napayuko pa ito kahit na ang kanang kamay ng magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact ng lugar na ito ay tila ba hindi pa nakaalis sa kanang tenga ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila nahabag naman ang magandang babaeng walang pangalan sa narinig niyang sinabing ito ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Mabilis naman niluwagan ang pagkakahawak sa kanang tenga ng batang lalaking si Li Xiaolong ng kanang kamay nito at mabilis na binitawan ito.

"Hmmp! Delikado ang ginawa mong iyon bata. Di ba kabilin-bilinan ko sayo na wag kang gagawa ng kalokohan at makinig ka sa akin parati. Hindi mo ba alam na maaaaring mapahamak sa ginawa mo. Hindi mo pa tuluyang naaabsorb ang maliit na Soul Fragments na na-absorb kani-kanina lamang. Kung nagtagal ka roon  sa loob ng pambihirang lugar sa loob ng lagusan ay maaabsorb mo ng tuluyan ang nasabing Soul Fragment ngunit mata-trap ka sa loob ng lagusang iyon. Dahil sa pag-obserba mo pa at pag-obserba sa loob ng lugar na iyon ay malamang sa malamang ay hindi ka kaagad na nakapag-absorb ng Soul Fragments. Mabuti na lamang at nakaya ng kapangyarihan kong pagalingin ang soul fragment mind disturbances kundi ay baka hindi ka na maaaring maging normal na anim na bata at nawala ka sa sariling pag-iisip." Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang makikitang hindi bito nagustuhan ang ginawang ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. 

Napakadelikado talaga ng ginawa ng batang lalaking si Li Xiaolong sa loob ng pambihirang lugar sa loob ng lagusan na siyang nagsisilbing pintuan papunta sa lugar na iyon. Masyadong naging pabaya ito sa  kaniyang ginawang mga bagay sa loob ng pambihirang lugar na iyon. Para sa magandang babaeng walang pangalan na nagsisilbing Spirit Artifact at tagapangalaga ng lugar na ito ay kung naging responsable lamang ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at kung paano ito dapat pinahalagahan ang kaunting oras para i-absorb ang napakaliit na piraso ng Soul Fragment ay hindi ito mapapahamak. Hindi ba nito isinasaalang-alang ang mga bagay na makakabuti sa kaniya at hindi ang ikasasama nito. Kahit sinuman ang tatanungin ay kapabayaan ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at hindi niya na isang tagapangalaga lamang ng lugar na ito. Hindi siya nagkulang sa pagpapaala-ala sa batang ito at hindi nagtanda sa mga sinasabi nito.

"Pasensya na po magandang Binibini pero hindi ko naman kasi alam na mangyayari ang mga bagay na ito. Alam kong lahat ng ginagawa ko ay ako rin ang mananagot at magdurusa kung saka-sakali ngunit hindi ko naman kasi alam na kapag nakuha ko na ang Soul Fragment at nahigop ay nahigop ko na ng tuluyan ang mga impormasyon o memoryang nakapalood dito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila nagtataka ang nakapaskil sa pagmumukha nito.

Tila nayukot naman ang mukha ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin sa batang lalaking nasa harapan niya. Tila namula naman ito sa labis na pagpipigil ng inis.

"Ano ka ba batang Xiaolong. Common sense, kailangan mong gawing stable ang utak mo. Akala ko ay alam mo na ang pagpapakalma ng iyong isipan at gawin itong balanse o kalmado ng sa ganon ay hindi magkaroon ng mind disturbances sa utak mo. Pinakaba mo ako sa ginagawa mong bata ka. Foreign energy pa rin kung tatawagin ang mga pumapasok na impormasyon sa utak mo dahil hindi naman ito sobrang purong memorya dahil ang ibang mga memorya o impormasyon ay putol o sira. Ano ba ang karaniwang ginagawa ng mga hindi pamilyar na enerhiya sa loob ng katawan mo if nagkukultivate ka?!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na tila hindi nito alam kung maiiyak siya o matatawa lamang sa pagiging ignorante ng batang lalaking ito na nasa Xiantian Realm na ang lebel ng Cultivation. Kahit ang simple at pinakabasic na bagay ay hindi nito alam. Kung nawala pala ito sa sariling wisyo ay hindi nito alam ang dahilan ng anomalyang nangyari sa kaniya?!

Hindi siya judgemental sa kung anong klaseng pamumuhay o paraan ng buhay ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na nasa harapan niya ngunit ang mga bagay na ito ay tila  ba wala siyang kaalam-alam.