Chapter 147

Tila namula naman ang mukha ng nasabing misteryosong nilalang dahil sa halo-halong emosyon nito. Nang marinig niya ang buong pangungusap lalo na ang patungkol sa pamilya niya ay talagang nakaramdam siya ng galit, inis at paghihina. Alam nito ang kayang gawin ng nakasuot na cloak na nilalang na kasa-kasama niya kanina pa habang nakaantabay lamang at nag-oobserba ng kaniyang sariling gagawin. Segurista ang nilalang na ito na nagbabalak o planong paslangin ang nasabing prinsipe na si Yuán Feng.

"Pls, maawa ka naman sa akin o sa amin. Gagawin ko ang gusto mo!" Sambit ng nakamaskarang nilalang na siyang napag-utusang paslangin ang nasabing prinsipeng si Yuán Feng. Halatang ayaw niyang mapahamak siya o ang buong pamilya niya.

"Siguraduhin mo lamang na magagawa mo ng tama ang pinapagawa ko sa'yo. Mahirap akong magalit!" Seryosong sambit ng misteryosong nilalang na nakasuot ng isang cloak. Talagang makikita ang determinasyon nitong ipapaslang ang binatang lalaking prinsipe na si Yuán Feng.

"O-oo- oo, gagawin ko ng tama pero ipangako mong hindi mo gagalawin ang kahit na sino sa pamilya ko!" Sambit ng misteryosong nilalang na nakasuot ng mazkara habang makikita ang labis na takot sa nakasuot ng nasabing cloak.

"Oo kung magpapakabait ka at ma-satisfy ako sa pinapagawa ko sa'yo hehehehe..." Sambit ng nakasuot mg kulay itim na cloak na nilalang habang makikita na malademonyo pa itong napangisi.

...

"210,000 gold coins!" Malakas na sambit muli ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng na umalingawngaw ang boses nito sa buong bulwagang ito ng Auction House. Masasabing determinado talagang makuha ang nasabing item na ito na nasa lebel ng Xiantian Realm.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay tila wala ng boses ng nasa pangalawang pribadong silid ang nagsalita. Tila ba ang bid na ito ang siyang inaasahan ng lahat na siyang final price nang nasabing pagpapasubasta ng Xiantian Realm item level na Burning Sword Light Talisman.

Sa kabilang banda naman ay nakaramdam ng kakaibang pakiramdam ang batang lalaking si Li Xiaolong na nasa katauhan ng matandang lalaking nagngangalang Honorable Long (na gawa-gawa niya lamang).

"Parang may mali." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang mabilis niyang pinagana ang kaniyang sariling natutunan patungkol sa kaniyang Asura Art of Divinity.

Tila okay na sana pero biglang naramdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong na may namumuong kakaibang killing intent ang nasabing pangalawang pribadong silid na nasa hindi kalayuan mula sa kaniya lalo pa't salungat ito sa kaniyang sariling direksyon. Imposibleng madetect din ito ng sinuman lalo pa't nasa pagpapasubasta ang kanilang focus. Wala din ang ibang mga Treasure Guards dito lalo pa't alam niyang lumaganap na ang balita dahil sa mga usisero't usiserang mga lumabas sa loob ng Jade Auction House kani-kanina pa.

Ang nasabing killing intent ay nakatungo mismo sa direksyon ng unang pribadong silid na katabi niya lamang. Nakita niyang walang depensa o panangga ang prinsipe at tila ba ang hindi pagsasalita ng mataas na bid ay mas naging defenseless ito.

Maya-maya pa ay nangyari na ang inaasahan ng batang lalaking si Li Xiaolong....

Mabilis na gumuhit sa ere diretso sa kinaroroonan mismo ng nasabing prinsipe na si Prinsipe Yuán Feng ang kakaibang atake na isang malaking espada at mabilis itong nahati sa labindalawang bahagi.

Tila nagulat naman ang lahat sa biglaang pag-usbong o pagsabog ng nakakatakot na killing intent sa loob ng bulwagan na siyang nagpagulat sa lahat.

Alam ng lahat kung ano ang ibig sabihin nito. Isa itong biglaang Assasination!

Nanlalaki ang mata ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng halatang inaasahan niya ng tatamaan siya ng delikadong atake na ito. Isa itong 12 Lotuses Sword Intent. Ang pinagsamang atake ng ganitong klaseng espada ay masasabing nasa Early to Middle Xiantian Realm ang atakeng ito.

Tila napapikit na lamang ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng dahil alam niyang walang sinuman ang makakaligtas sa kaniya sa nasabing assassination na skill na ito. He caught off guard.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa pambihirang skill na ito na ginamit ang nasabing espada.

"Kung malakas na espada sana ang ginamit nito at hindi labindalawang magkakaibang sword fragments ay masasabi kong malakas ito ngunit tingnan natin ang lakas nito sa aking personal na ginawang talisman!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang habang nakangiti pa ito.

Mabilis na inihagis nito ang isang kakaibang talisman sa ere na nasa gitna mismo ng nasabing bulwagan. Mabilis itong nasunog sa ere na tandang naactivate ito.

BANGGGGGGG!!!!!!!!!!

Malakas na pagsabog ang nangyari na siyang umalingawngaw sa bupng kapaligiran kung saan ay tila nagkalaglagan pa ang mga nakasabit na mga dekorasyon sa ere.

Ang labindalawang sword fragments ay mabilis na sunod-sunod na nagkandapira-piraso at sumabog sa ere. Ang kakaibang barrier ay tila walang bakas ng pagka-scratch man lang na kung saan ay lahat ng mga damage sa pagsabog ay wala itong natamo at nanatiling intact.

"Huh?! Buhay pa ko? Paanong ------?!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang makikita ang labis na pagtataka at kasiyahan sa mukha nito. Napakabilis nang pangyayari na direkta niyang nakita ang pag-atake sa kaniya pero nasangga lahat iyon ng isang pambihirang barrier sa ere at ang ikinagulat niya pa ay wala man lang natamong pinsala ang nasabing barrier.

Nakita niyang may isang paper talisman ang biglang pumaroon sa pangalawang pribadong silid kung saan nagmumula ang pamatay at pambihirang atake para sa assassination.

Mabilis na nasunog ang nasabing talisman kung saan ay mabilis na nagmaterialize ang kakaibang lubid na kulay itim na tila buhay ito. Mabilis na pumasok ito sa silid at isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang biglang nasaksihan ng lahat.

PAH! PAH! PAH! PAH!

Mabilis na nangagkaputol ang tila buhay na lubid at nagkaroon ng kakaiba at nakakatakot na energy fluctuations sa ere na siyang nagsupress ng madali sa mga martial artists na naririto sa loob ng bulwagan.

Napasinghap naman ang lahat dahil sa pangyayaring ito at unti-unting nakarekober sa pangyayari kani-kanina lamang. Tila hindi nila maipagkakailang ang lahat ng pangyayaring ito ay nangyari lamang in just a split seconds. Napakabilis na tila ang mga bagay na ito ay nakakagimbal at nakakatrauma para sa lahat lalo na sa prinsipeng si Yuán Feng na nanlalaki pa rin ang pares ng kaniyang mga mata.

...