Chapter 148

BANG!

nagkaroon ng pagsabog kung saan ay lumitaw ang isang duguang nilalang sa loob ng Pangalawang pribadong silid. Halos hindi na makilala ito.

"Ano'ng nangyari, totoo ba ang nasaksihan ko kani-kanina lamang?!"

"Malamang ay totoo. Marami tayong mga saksi rito!"

"Sinong pangahas ang nagbalak na paslangin si Prinsipe Yuán Feng?! This is a madman!"

"Hahaha... To think na binalak niyang paslangin ang Prinsipe Yuán Feng ay talaga namang napakapangahas nito!"

"Sinabi niyo pa. Alam naman nating malalagot ang sinumang kumakalaban sa awtoridad ng palasyo lalo na ng anak ng mga hari o ang mismong hari!"

"Oo nga, siguradong madadamay ang Jade Auction House sa pangyayaring ito!"

"Ang importante ay patay na ang gustong pumaslang sa kay Prinsipe Yuán Feng."

"Pero hindi ito hahayaang i-let it slide ng mismkng Kaharian ng Sky Flame Kingdom. Malaking imbestigasyon ito!"

Mabilis namang lumitaw sa gitna ng entablado ang matandang lalaking si Master Liwei habang mayroon pa itong mabigat na awrang nakapalibot rito.

"Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa iyo Prinsipe Yuán Feng. In behalf of Jade Auction House ay humihingi ako ng dispensa sa pangyayaring ito." Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei sa mababang tono ng pananalita. Halatang naging mapagkumbaba siya. Bilang isa sa Auction Master ng Jade Auction House ay nagkulang siya lalo na sa seguridad ng nasabing lugar pasubastahan.

Tila nagulat naman ang lahat ng biglang yumuko ang matandang lalaking si Master Liwei.

Nagkaroon naman ng malakas na pagsinghap sng lahat ngunit hindi naman sila nagsalita ng kung ano-ano pa laban sa pangyayaring ito ngunit di pa rin maiiwasan ng iba na magbulungan upang pag-usapan ang mga di inaasahang kaganapan.

Hindi naman makapagsalita ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang nakatingin lamang sa direksyon ng nakayukong matandang si Master Liwei.

Tahimik lang rin namang nakamasid sina Elder Máo Chao, Elder Kāng Da at si Elder Cuī Fu. Halatang wala silang masabi rito. Maging ang tatlong nilalang na sina Elder Yì Huizhong, Yì Liqiu lalong-lalo na ang magandang dalagang si Yì Hua ay nakamasid lamang sa pangyayaring ito. Halatang ayaw nilang madamay o makigulo sa pangyayaring ito.

"Umayos ka ng tayo Master Liwei!" Malakas na sambit ng isang tinig na nagmumula sa ikatlong pribadong silid na walang iba kundi ang batang lalaking si Li Xiaolong na nagpapanggap bilang si Honorable Long. Bilog na bilog ang boses nito upang maging isang matandang lalaki. Tunay nga isang Top Cultivation Manual ang Asura Art of Divinity para magkaroon siya ng ganitong klaseng kakayahan o abilidad.

Mabilis na lumabas ang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na siyang lumantad sa lahat ng mga nilalang na saksi sa buong pangyayaring ito hanggang sa kasalukuyan.

Ang magandang babaeng si Miss Hee ay nasa gilid lamang. Halatang hindi ito okay at makikita ang labis na kaseryosohan sa mukha nito.

Imbes na matakot o masindak ang lahat sa presensya ng matandang lalaking ito na balot na balot ng tela ng kasuotan ang buong katawan nito ay mabilis ang mgai

itong nagpahayag ng kanilang mga sariling komento sa paglitaw ng matandang lalaking ito.

"Paanong napunta rito ang matandang huklubang pulubing ito?!"

"Nakakadismaya naman, paanong pinapasok ang pulubi rito eh diba bawal ang mga ito rito?!"

"Sino ang pesteng matandang iyan, he dares to meddle the problem between Jade Auction House and Prince Yuán Feng of the Sky Flame Kingdom?!"

"Oo nga, sumasapaw sa usapan dito. Ano bang ginagawa ng isang matandang dukha dito?!"

"Saan ba ang mga bantay rito nang ipakaladkad natin itong amoy lupang nialalng na ito!"

Ilan lamang iyan sa mga negatibo o masamang sinasabi ng mga martial artists na naririto sa iba't ibang direksyon. Halatang hindi nila nagustuhan ang paglitaw ng matandang lalaking ito.

Mabilis namang umayos ng tayo ang matandang lalaking si Master Liwei nang marinig niya ang boses ng matandang lalaking si Honorable Long.

Masasabi niyang hindi isang impulsive na nilalang si Honorable Long. Malaki ang tiwala niya rito to think na sumali ito sa malaking problemang ito ay alam niyang may rason ito.

"Prinsipe Yuán Feng ang pangalan at titulo mo diba?!" Tanong ng batang lalaking si Li Xiaolong na nagpapanggap na matandang lalaking si Honorable Long.

"Oo, ano naman ang nais mong iparating matandang nilalang?!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang nakatingin sa direksyon ng matandang lalaking ito na sumali sa pangyayaring ito na magiging malaking suliranin maya-maya lamang.

Prinsipe Yuán Feng, I hope na palalampasin mo ang hindi inaasahang pangyayari kani-kanina diba?!" Tanong ni Honorable Long (batang si Li Xiaolong) sa seryosong pamamaraan ng pagsasalita. Halatang sinubukan niyang maging pormal sa nasabing isa sa mga prinsipe ng Sky Flame Kingdom na kabilang sa Yuán Family.

Tila nakaramdam naman ng kakaibang bagay ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Mayroong kung ano'ng kakaiba mula sa presensya ng matandang lalaking ito na nasa pangatlong pribadong silid na katabi lamang ng kaniyang sariling silid rito na masasaning isang VIP ROOM rin.

"Palampasin? Nagpapatawa ka ba? Muntik na kong mamatay sa kamay ng nilalang sa loob ng Jade Auction House tapos papalagpasin ko lang?!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Halatang hindi ito sang-ayon sa sinabi o mungkahi ng matandang lalaking nasa pangatlong pribadong silid. He will not be deceived by the mere presence of this old man.

"Akong si Honorable Long ay hindi kailanman humingi ng anumang mungkahi sa sinuman. Talaga bang ayaw mong sundin ang aking sariling suhestiyon?!" Seryosong sambit ng matandang lalaking si Honorable Long na nakasuot ng kupasing roba na halos sumadsad na sa semento.

Tila napasinghap naman ang lahat sa kanilang narinig mula sa sinabing ito ng matandang babaeng nagpapakilalang bilang si Honorable Long. Hindi jila mapigilang magpahayag ng kanilang sariling komento.

"Hoy tanda, tumigil ka nga... Si Prinsipe Yuán Feng ang kaharap mo!"

"Gusto siguro ng matandang ito na maparushan ng mismong awtoridad ng Sky Flame Kingdom!"

"Kawawang si Tanda pero kailangan sigurong mamatay ng huklubang ito!"

"Tama, parusahan yan!"

"Walang respetong matanda. Hindi na siguro nito gudtong mabuhay!"

Ilan lamang iyan sa mapanuyang mga komentong umalingawngaw sa buong bulwagang ito. Puro panghahamak ang narinig ni Honorable Long na walang iba kundi ang batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba ang galit ng mga martial artists na naririto ay binato na nila sa nialang na si Honorable Long.