Chapter 149

Halatang nasa prinsipeng si Yuán Feng ang nasa panig nila pero alam naman ng batang lalaking si Li Xiaolong na angmga ito ay huwad lamang dahil gusto lang ng mga ito na magpa-impress sa harap ng prinsipeng si Yuán Feng lalo ba at isa pa rin itong Prinsipe despite of being one of many child from a king's concubine.

"Wala akong paki sa pangalan mo matanda o kung sino ka man. To thin--------!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng na may tono ng panghahamak ngunit mabilis na naputol ito nang may magsalita mula sa gitna ng entablado.

"Umayos ka ng pananalita mo Prinsipe Yuán Feng. Nirerespeto kita bilang anak ng hari pero huwag kang manghamak ng nilalang dahil sa iyong kapalaluan." Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Halatang hindi ito makapagpigil sa kawalanghiyaan ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng.

Tila hindi makareact ang halos lahat ng naririto lalo pa't tila pinigilan pa ng bawat isang naririto ang huminga upang di lang makagawa ng anumang ingay. Masasabing mas naging mainit ang namumuong atmospera rito dulot ng malakas na tensyon na naririto.

Talagang halos ang lahat ng naririto ay takot sa presensya ng matandang lalaking si Master Liwei. To think na sinuway niya ang mismong prinsipe na Prinsipe Yuán Feng at piniling panigan ang matandang lalaking si Honorable Long ay isang malaking insidente na nagpagulat sa kanila.

Kinikuwestiyon na nila ang kanilang sarili kung narinig ba nila ito ng tama o talagang nabingi na sila dahil sa marmaing nangyari kani-kanina pa.

Tila umasim naman ang mukha ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng dahil sa sinabing ito ng matandang lalaking si Master Liwei na halatang pinanigan nito ang matandang lalaking nagngangalang Honorable Long.

"Bakit mo siya kinakampihan ngayon Master Liwei. Alam naman nating ako ang biktima rito tapos ay malalaman ko lang na mas kinakampihan mo pa ang pesteng matandang lalaking iysn?!" Puno ng hinanakit na pagkakasambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Halatang hindi pa rin ito makapaniwala na sa huli ay kakampihan pa ng matandang lalaking si Master Liwei ng Jade Auction House ang isang matandang lalaking hukluban na ngayon niya lamang nakita o nakilala.

Alam ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng Kung gaano kalapit ang ama niyang hari ng Sky Flame Kingdom sa mismong Jade Auction House pero to think na kinampihan nito ang isang insignificant figure na katulad ng matandang lalaking nagngangalang Honorable Long na nasa pangatlong pribadong silid ay talagang alam niya na kung sino ang pinapanigan nito.

"Hindi ko pinapanigan ang sinuman sa inyo lalo pa't pareho ko kayong mga bisita. Alam kong biktima ka rito pero inaaway mo rin ang Honorable Guest namin Prinsipe Yuán Feng ay isang malaking sampal ito sa amin." Sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang inilahad na ang katotohanan sa likod ng katauhan ng matandang lalaking si Honorable Long na isang Honorable Guest ng Jade Auction House.

Sa pagkakataong ito ay malakas n napasinghap ang lahat. Sa tagal ng panahon at dahil sa strict requirements ng pagiging Honorable Guest ng Jade Auction House ay tanging mga espesyal na personalidad lamang ang binibigyang pagkakataon ng mga Auction House na isa sa mga malalaking mga Auction House sa loob ng Sky Flame Kingdom.Isa na rito ang kasalukuyang hari ng Sky Flame Kingdom pero ngayon ay ang matandang lalaking nagngangalang Honorable Long ang isa sa mga Honorable Guests ng Jade Auction House. It's really a huge news para sa lahat.

Tila mahina namang nagbulungan ang mga martial artists na naririto.

"It turns out na isa palang Honorable Guest si Honorable Long. Mabuti nalang at hindi ako sumali sa panghahamak sa kaniya."

"Ako rin. Hay naku sa iba diyan, talak lang kasi ng talak at hindi kinilala ng lubusan ang mismong sinasabihan nila ng masama."

"Tama, sigurado akong isang pambihirang nilalang ang matanda at kagalang-galang na si Honorable Long."

Tila masasabi na mabilis na nagbago ang ihip ng hangin para sa mga martial artists na naririto na siyang saksi sa lahat ng mga bagay rito. Halatang puro mabubuti at mga papuri ang natatanggap ng matandang lalaking si Honorable Long (batang lalaking si Li Xiaolong) dahil sa nalaman nilang isa itong Honorable Guest nang nasabing Jade Auction House.

Tila hindi naman nasiyahan ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa pangyayaring ito na kung saan ay nalaman niyang isa palang Honorable Guest ang matandang lalaking nasa harapan niya.

"Ano ang kwalipikasyon niya upang maging Honorable Guest ng Jade Auction House?! Hindi siya katulad ng amang hari na siyang tatay ko na namumuno sa isa malalakas na kaharian tapos ang matandang huklubang lalaking iyan ay isang Honorable Guest ng Jade Auction House. Bumaba na ba talaga ang standards niyo?!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang makikitang hindi ito natutuwa sa pangyayaring ito. Kung gayon lang naman pala kadali ay gusto niyang iparating na mas karapat-dapat siyang maging Honorable Guest kaysa sa matandang lalaking hukluban na si Honorable Long.

"Presumptuous, huwag kang mangarap na magiging Honorable Guest ka Prinsipe Yuán Feng. Para makamit ang ganitong titulo ay may makikitang espesyal sa iyo ang mismong lider ng Jade Auction House. Ano ba ang espesyal sa iyo Prinsipe Yuán Feng?!" Sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. The more he talks sa binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng ay mas lalo siyang nadidismaya rito. To think na gusto pa saba nitong maging susunod na hari pero sa ugaking pinapakita nito ay baka sumunod lamang ito sa yapak ng tatay nitong Hari ng buong Sky Flame Kingdom.

Napatahimik na lamang ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa sinabing ito ng matandang lalaking si Master Liwei ngunit napsngiti na lamang siya sa kaniyang kaloob-looban dahil sa naisip nitong ideya.

"Wag mong ibahin ang usapan Master Liwei. Biktima ako rito mula sa nagawang Assasination dito. Hindi ko alam kung ano'ng magagawang hakbang ng aking amang hari sa bagay na ito. Siguradong hindi niya palalampasin ang nakakapanabik na pangyayaring ito." Sambit naman ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng pabalik sa matandang lalaking si Master Liwei. Halatang hindi ito magpapatalo kay Master Liwei.

Tila namutla naman ang matandang lalaking si Master Liwei nang marinig niya ang sinabing ito na pangungusap mula sa bibig mismo ng isa sa mga anak ng kasalukuyang hari ng Sky Flame Kingdom.