Chapter 150

Agad na kinalma ng matandang lalaking si Master Liwei ang kaniyang sarili sa sinabing ito ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Hindi nga pwedeng balewalain ang kapangyarihan ng mga ito sa legal na aspeto lalo pa't anak pa rin ito ng hari kahit na sabihing ang ina nito ay isa lamang concubine. Kung sakaling magmmukha siyang masama sa hari o ang mismong Jade Auction House ay talaga namang masama ito.

Ngunit isang humahalakhak na boses ang biglang narinig sa bulwagan na siyang ikinabigla ng lahat.

"Hahahaha... You sure has lots of guts Prinsipe Yuán Feng. Alam naman nating sa dami ng inaasikaso ng kasalukuyang hari ay may panahon siyang makipag-meddle sa iyong sariling kinakaharap. Alam naman nating nag-aagawan na ang mga kapatid mo at mismong ikaw sa trono. Kung malalaman ng hari na pumunta ka dito sa Jade Auction House ay tingin ko ay sa'yo rin babalik ang lahat ng sinabi mo. Parang siniwalat mo pa ang sarili mo. What do you think Prinsipe Yuán Feng?!" Sambit ng matandang lalaking si Honorable Long (si Li Xiaolong) habang makikitang tila kalmado ito.

Tila biglang kumulo ang dugo ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa pangyayaring ito lalo na sa sinasabi ng matandang lalaking boses na nagmumula sa pribadong silid na katabi niya lamang. Mabilis na nakita niyang lumabas ang isang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na sumasayad na sahig. Hindi niya nakikitang kaaya-aya ang matandang lalaking ito. Pakiramdam niya ay habang tumitingin siya rito ay mas lalo siyang nakikita ng matandang lalaking ito ang naiisip niya.

"Pesteng matandang hukluban na ito. Mukha na ngang pulubi ngunit ang utak nito ay talagang nakakamangha na siyang nakakainis. Paano ko makukuha ang panig ng Jade Auction House na maituturing na malapit sa puso ng Amang Hari kung may hahadlang na katulad nito. Akala ko ay madali lamang itong gawin ngunit dahil sa matandang hukluban na ito ay mukhang mahihirapan ako hmmmp!" Sambit na lamang ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang makikitang hindi maganda ang kaniyang nararamdaman dito. Gusto niya mang isagawa ang plano niya ngunit kailangan niyang maturuan ng leksyon ang matandang huklubang nasa kabilang pribadong silid lamang.

"Ano'ng karapatan mong magsalita ng bulgar sa publiko lalo na at magsalita ng marahas laban sa akin at sa nangyayari sa loob ng kaharian? Isa ka lamang hampaslupang nilalang na gusgusin. Maswerte ka lamang dahil nakatungtong ka rito sa loob ng Jade Auction House. Diba ay bawal ang mga pulubi rito. Bakit naririto ito dito?!" Direktang sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang makikitang hindi ito magpapatalo sa taong nasa harap niya.

Tila nagkaroon ng bulung-bulungan sa buong bulwagan rito kung saan ay maraming mga martial artists ang nanonood sa pangyayaring ito.

"Bakit nga ba nandito ang isang matandang pulubi rito. At hindi lang yun ha, talagang nakisawsaw pa ito sa usapan nina Master Liwei at Prinsipe Yuán Feng!"

"Oo nga, di rin ako makapaniwala sa ginawang ito ng matandang pulubing iyan. Sigurado naman akong hindi ito palalampasin ng mismong hari."

"Kaya nga eh, masyadong mataas ang tingin ng pulubing iyan sa sarili niya. Isang kabastusan ito para sa prinsipe."

"Ako nga ay hinding-hindi ako magkakamaling magspoke ill sa mismong pamunuan ng Sky Flame Kingdom lalo na sa mismong prinsipe na anak ng hari."

"Tsk! Siguradong lagot ang matandang lalaking ito na gusgusin. Bilang na lang ang panahon nito na mabuhay hahahaha!"

Ito lamang ang umalingawngaw na pahayag ng mga saksi sa buong bulwagan na naririto. Alam naman kasi nila na walang sinuman sa kanila ang gagawin ang ginawa ng matandang lalaki na nasa pangatlong pribadong silid.

Natuwa naman sa kaloob-looban niya si Prinsipe Yuán Feng sa narinig niyang naging pahayag ng mga Martial Artists na naririto.

"Yan nga, sigurado akong sa akin pa rin ang huling halakhak hahahaha... Sigurado akong isang malaking oportunidad ito upang i-blackmail ang mismong Jade Auction House upang ipahayag ang kanilang suporta sa akin sa araw na mamimili mismo ang Amang Hari ay malaki ang tsansang mananalo ako sa pagkuha at papalit sa trono hehehe..." Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa kaniyang isipan lamang. Umaayon kasi sa kaniya ang lahat ng kaniyang sariling plano.

Mabilis na nagsalita naman ang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na siyang ikinagulat ng lahat.

"Ikaw pa mismo ang nagsabi sakin niyang Prinsipe Yuán Feng. Nandito ka ngayon sa Jade Auction House at hindi sa mismong kaharian na tinitirhan mo upang magmayabang ng titulo. Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa'yo upang makaligtas ka sa nakamamatay na atake?!" Ganting sambit ng matandang lalaking si Honorable Long habang makikita ang inis sa tono ng pananalita nito. Naiinis talaga ang batang lalaking si Li Xiaolong sa binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng na to the point nainis na siya rito. Klarong-klaro naman kasi na plano nitong kunin ang loo b ng mismong Jade Auction House ng sapilitan, yun nga lang ay maraming naiintimidate sa mismong prinsipe na ito na nagngangalang Yuan Feng kaya hindi alam ng karamihan na isa lamang itong taktika ng binatang lalaking ito upang gawin ang kaninang trahedya sa oportunidad.

Nakatingin lamang ang matandang lalaking si Master Liwei sa direksyon ng matandang lalaking si Honorable Long na may paghanga. Hindi niya lubos aakalaing malawak din ang pag-iisip nito at hindi nadala sa intimidasyon na dulot ng presenya ng Prinsipe Yuán Feng ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom.

"Hmmmp! Nakuha ko na ang gustong ipunto ni Honorable Long. Talagang may pagkautak-lobo din ang Prinsipeng si Yuán Feng. Muntik na kong madali sa inihanda nitong bitag. Pero... Sigurado akong hindi simpleng nilalang lamang itong si Honorable Long and I'm really sure of that!" Makahulugang sambit ng matandang lalaking si Master Liwei sa kaniyang isipan lamang. Ayaw niyang magsabi ng hindi maganda sa nasabing prinsipe dahil isang paglabag iyon sa kanilang sariling tungkuling ginagampanan. Isa pa ay isa pa rin ito sa mahalagang bisita sa nasabing pagsususbasta ngayon. Kung sakaling gawa siya ng di maganda rito ay tiyak na sa kangkungan siya pupulutin. Ganon kahalaga ang reputasyon sa loob ng Sky Flame Kingdom maging sa iba pang kaharian. Ngayon niya lang nalaman na ito pala ang nagligtas sa mismong prinsipe na si Yuán Feng sa matinding kapahamakan o sa bingit ng kamatayan kanina. Hindi niya aakalaing mayroong gagawa ng ganitong klaseng gulo sa loob ng kanila mismong Jade Auction House.