Chapter 151

"Paanong--- hmmp! Di ko kailangan ng tulong mo tanda! Di ko hiniling o hiningi na tulungan mo ako noh!" Ganting sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang namumula ito sa labis na inis upang depensahan ang kaniyang sarili laban sa matandang lalaking nasa kabilang silid niya lamang. Hindi niya aakalaing ang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na ito ang mismong tumulong sa kaniya upang makaligtas sa ginawang pag-assassinate sa kaniya sa pamamagitan ng kakaiba ngunit napakalakas na barrier sa hangin. Hindi niya aakalaing mayroong malakas na kapasidad ito sa ganoong bagay. Alam niyang sobrnag lakas ng atake na iyon at sobrang bilis ng pangyayari ay kahit siya ay hindi iyon maiiwasan ngunit ang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na ito ay napakabilis ng reaction time nito na masasabi niyang hindi iyon magagawa ng ordinaryong nilalang lamang.

Tila tiningnan naman siya sa direksyon niya mismo ng matandang lalaking si Honorable Long. Hindi man makikita ang kabuuang mukha nito ay alam niyang hindi rin ito natutuwa sa kaniyang sinasabi. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya. He really doesn't want to make himself being acquainted to such an old hag.

"Ayaw ko namang madumihan ng sariling dugo mo ang Jade Auction House. Baka sabihin naman ng Mahal na Hari na hindi kami tumulong upang ipagtanggol ang isa sa mga prinsipe diba. Sigurado akong kapag nangyari iyon ay lahat kaming naririto ay hindi makakatakas sa imbestigasyon at galit ng mahal na Hari!" Malakas na sambit ng matandang lalaking si Honorable Long habang sinasabi nito ang lahat ng kaniyang sariling nalalaman. Alam ng nagpapanggap na matandang lalaking na si Li Xiaolong na ang prinsipeng si Yuán Feng ay isang tusong klase ng Prinsipe. Hindi niya aakalaing hindi ito magpapatalo to the point na siya pa ang gagawin nitong sobrang sama sa harap ng maraming saksing mga martial artists na naririto na paiba-iba rin ang personalidad ng mga ito. If he can't fight laban sa nasabing tusong Prinsipe na ito ay magiging katawa-tawa siya sa mga ito at di na siya makakapagpapasubasta rito na siyang ayaw niyang mangyari. Ayaw niyang mangyari na doon siya magpasubasta sa mababang uri ng Auction House dahil masyadong kahina-hinala sa mata ng publiko maging sa mismong awtoridad ng nasabing Sky Flame Kingdom. Siguradong mabubunyag din na isa siyang Craftsman na siyang hindi niya nais mangyari. Sa proteksyon ng Jade Auction House ay sigurado siyang hindi mangingialam ang nasabing kasalukuyang hari to the point na magagalit ang Auction House Leader na siyang isa sa mga itinuturing na kaibigan ng nasabing hari.

Tila napangisi naman ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa sinabing ito ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na hindi niya kilala.

"Hindi ko aakalaing may utak ka rin pala. Masasabi kong napakatalino mo sa edad mong yan tanda. Ngunit ano ang karapatan mo upang manghimasok sa mismong Jade Auction House, ano ka ba dito? Papapel? Hindi ko aakalaing ang kapal din ng pagmumukha mong hampaslupang nilalang ka na amoy lupa na pumunta rito!" Bulgarang pagkakasambit ni Prinsipe Yuán Feng habang pinapakita nito ang kaniyang awtoridad bilang prinsipe. Labis na ang inis niya rito to the point na nasira na ang lahat ng kaniyang plano at inhibisyon sa kaniyang sarili. Tila ba lahat na ng gusto niyang ibato sa nasabing matanda ay sinabi na niya rito. Napipikon na talaga siya rito.

Napasinghap naman ang halos lahat ng naririto lalo na ang mga may edad na. Talagang isa iyong insulto para sa napaglipasan na ng panahon (idiom) kung saan ay hindi naman kaaaya-ayang pakinggan ito para sa marami ngunit nanatili na lamang silang tahimik. Ayaw nilang madamay sa sitwasyong ito. Umabot na kasi na talagang makikitang naiinis na ito at halos bumuga ng inis ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng at ayaw nilang madamay sa namuuong galit nito.

Tila nakaramdam naman ng mainit na tensyon ang mismong si Master Liwei kaya minabuti nitong pumagitna. Mula sa entablado ay mabilis niyang tiningnan ang direksyon ng pribadong silid ni Prinsipe Yuán Feng at malakas na nagwika.

"Prinsipe Yuán Feng, kumalma ka muna. Si Honorable Long ang kausap mo na isang Honorable Guest ng Jade Auction House. Wala kang karapatan na pagsabihan siya ng masama lalo na at nasa loob ka ng Jade Auction House. Pasensya na pero sumusobra ka na sa sinasabi mo. Isa kang naturingang prinsipe ngunit sa pinagsasabi mong yan ay tingin mo makukuha mo ang loob ng Jade Auction House sa pinanggagawa mo. Niligtas ka na nga ni Honorable Long tapos ganyan pa ang igaganti mo?! Ako mismo ang magsusumbong sa hari sa pangyayaring ito!" Ma-awtoridad na sambit ni Master Liwei habang tinatapangan nito ang kaniyang sariling loob. Talagang sumusobra na talaga ang nasabing prinsipe na ito to the point na wala na itong delikadesa.

Malakas na napasinghap ang lahat at nanlalaki ang mga pares ng mga saksing mga kapwa martial artists na naririto ngayon. Talagang ang pangyayaring ito ay nag-excalate na to the point na mas lalong tumaas ang tensyon dito sa loob ng nasabing malawak na bulwagan. Nagkaroon ng kanya-kanyang usapin ang mga ito lalo pa't napakasensitibo ng mga taong involve rito.

"So kinakampihan mo siya Master Liwei?! Hindi ko aakalaing magagawa mo ito sa akin na siyang anak ng hari. Isumbong mo sa mismong Hari ng magkaalamanan na may kinakampihan ang mismong Jade Auction House." Sambit ni Prinsipe Yuán Feng habang bakas rito ang pagbabanta sa tono ng pananalita nito. Hindi siya kailanman magpapakumbaba sa matandang lalaking nakasuot lamang ng kupasing roba na hindi niya pa lubusang kilala. Hindi siya makapaniwala na pinrotektahan pa ni Master Liwei ang mismong matandang lalaking ito kaysa sa kaniya na isang Prinsipe na mismong anak ng Hari.

"Wala akong kinakampihan ngunit alam naman ng lahat ng naririto na itong matandang lalaking ito ang nagligtas sa'yo. For once, pwede bang magpasalamat ka imbes na batuhin mo ng masama ang mismong Honorable Guest namin na si Honorable Long?!" Sambit ng matandang lalaking si Master Liwei sa mababang tono ng pananalita. Ayaw niyang magkaroon ng sama ng loob ang dalawang ito na siyang parehong bisita nila.