Chapter 194

Nag-isip isip naman ang magandang babaeng Houtian Realm Expert at mabilis niyang naalala ang mga nangyari. Kung sino man ang dapat nilang sisihin ay dapat hindi siya kasama rito hehe. He will surely pick who's missing here.

"Baka si tanda ang tinutukoy niyo. Isang Early Houtian Realm Expert yung matandang lalaking hukluban na iyon kaya hindi niyo napansin na siya yung nag-open up ng Dance of the Nine Swords tsaka yung about sa cultivation manual, siya rin yun!" Sambit ng magandang babaeng Houtian Realm habang dinidiin ang matandang lalaking hukluban na isang Middle Houtian Realm Expert na walang iba kundi ang nagpapanggap na batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi natatakot ang babaeng Middle Houtian Realm Expert dito dahil malakas siya sa Early Houtian Realm Expert na iyon.

Tiningnan naman ng magandang babaeng Middle Houtian Realm Expert ang binatang lalaking Late Pulse Condensation Realm Expert na tila ba nag-uusap sila sa kanilang mga mata. Things have gone wrong kaya hindi nila maaaring ma-afford na galitin ang mga Xiantian Realm Expert na kasama nila sa papauwing grupo na ito. They are capable of killing them if they are not willing to admit anything.

"Oo nga, tanda ko ang lahat. Ang matandang lalaking hukluban na iyon ang nagset-up ng lahat. Kitang-kita ko kung paano siya nagsalita ng mga bagay na ganon dahilan upang iwan tayo ng lider nating Purple Blood Realm Expert!" Tila emosyunal na sambit ng lalaki. Ginamit na nito ang abilidad nito sa pagdrama. Pinagmukha niya ang sarili niyang makatotohanan at nakaaawa.

Tiningnan naman ng binatang lalaking Late Pulse Condensation Realm Expert ang mga kasama nitong mga kapwa niya Pulse Condensation Realm Expert. Nakuha naman ng mga ito ang nais niyang sabihin.

"Natatandaan kong ang matandang lalaking hukluban na iyon ang nagsalita patungkol sa Cultivation Manuals na hawak ng lider natin. He is surely sly fox!"

"Sang-ayon ako sa iyo magandang binibini. Totoo ang sinabi mo na ang matandang lalaking hukluban na iyon ang nagsalita kanina. Nadala lamang tayo ng mga salita nito.

"Gusto lang siguro nito na manggulo kaya nagawa nito ang mga bagay na ito hmmp!"

Marami pang mga masasakit na salita ang binitawan ng mga ito laban sa matandang lalaking hukluban na walang iba kundi ang nagpapanggap na batang lalaking si Li Xiaolong. Nakisali na rin ang mga Houtian Realm Expert upang mas idiin pa ang matandang lalaking hukluban na nakasama nila kanina.

Tila nakumbinsi naman ang mga Xiantian Realm Expert partikular na rito ang lalaking tumatayong lider nila pauwi rito.

"Siguraduhin niyo lang na nagsasabi kayo ng totoo dahil iba ako magalit. Iharap niyo sakin ang matandang lalaking sinasabi niyo!" Sambit ng nasa mid 20's na lalaking Late Xiantian Realm Expert. Masasabing naglalaman ng awtoridad ang tono ng pananalita nito na siyang ikinakaba ng lahat.

Nakaramdam ng ibayong pagkabahala at takot ang babaeng Middle Houtian Realm Expert at ang binatang lalaking isang Late Pulse Condensation Realm Expert. Lihim silang napalunok ng kanilang laway.

"Wala na dito ang matandang lalaking hukluban na iyon. Tumakas na kanina pa!"

"Natakasan tayo ni tanda!"

"Kapag nakita ko talaga ang matandang lalaking hukluban na iyon ay pagpipira-pirasuhin ko yun!"

"Bwiset! natakasan tayo ng matandang lalaking hukluban na yun!"

Itinaas naman ng binatang lalaking Late Xiantian Realm Expert ang kaniyang sariling kamay kamay na siyang nagpatahimik sa lahat.

"Sisiguraduhin kong huhuliin at papaslangin ko ang matandang lalaking hukluban na sinasabi niyo sa oras na magtagpo ang landas namin! Ang ginawa nito ay hindi makatarungan!" Galit na sambit ng binatang lalaking Late Xiantian Realm Expert. Never in his life that someone trick him. Okay sana kung mas malakas ito sa kaniya with is forgivable pero isang Early Houtian Realm? He will surely kill him no matter what happens. Ito ang prinsipyo niya. Kailangang pagbayaran ng sinuman ang panggugulo at perwiayong ginawa nito. Tumakas pa talaga ito matpaos mangyari ang lahat which is unforgivable. Lahat sila ay naperwisyo.

Mariing hinintay ng nabigong grupong ito ang pagdating ng isang grupo ng mga martial artists na kasalukuyang naglalakbay papunta sa Red Cloud Sea. Nagbabaka-sakali silang pwede silang sumama sa gagawing paglalakbay ng mga ito. Kailangan rin nilang makasama sa gagawing paglalakbay ng mga ito upang makakuha man lang ng maiuuwi nila para sa kanilang sarili at sa mahal nila sa buhay. Kahit ang binatang lalaking isang Late Xiantian Realm Expert ay gustong pumunta sa lugar na Red Cloud Sea upang matingnan kung andun na ba ang matandang lalaking hukluban na iyon at mapaslang niya rin. Aside from that, gusto niya ring makakuha ng mga kayamanang sinasabi ng mga ito.

...

Kasalukuyang kumakaripas ng takbo ang batang lalaking si Li Xiaolong. He really wants to go in Red Cloud Sea dahil alam niyang maraming bagay o priceless treasures ang maaari niyang makamit rito.

Yun nga lang ay kanina pa ito bahing na bahing na siyang ikinairita niya. Mabilis siyang napatigil dahil mukhang mag....

"ACCCHHHHOOO!" isang malakas na pagbahing na naman ang matagumpay na nagawa ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang tila namumula na ang ilong nito sa kakabahing kani-kanina pa.

"Kanina pa tong bahing ng bahing ko ah. May sakit ba ako o kaya yung sinasabi ng iba na may nakaka-miss sa iyo kapag bumabahing ka. Kung si itay at si Li Zhilan ay pwede pa pero si inay ay mukhang imposible dahil baka habulin pa ko nun ng mahabang stick ng bayabas para paluin huhu katakot!" Natatawang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Mala-amasona pa naman ang nanay nitong si Li Wenren pero mahal niya ito maging ang itay niya ang itinuring niyang kapatid na si Li Zhilan at ang sanggol niya pa lamang na kapatid. He will surely wants to achieve anything successfully here. Ayaw niyang biguin ang mga ito lalo na at siya na lamang ang maaaring kapitan ng angkan nila kung sakaling makapasok siya sa Cosmic Dragon Institute pero imposible naman na magiging madali ito sapagkat kilala niya ang Cosmic Dragon Institute, they will surely wants to get best students/disciples every 5 years. There's no way na mahihina ang makakalaban niyang kapwa niyang batang martial artists. Alam niyang mga pinakatalentado at martial arts geniuses ang makakalaban niya. There's no way na makikita niyang matatalo siya ng mga ito kaya gusto niyang masiguradong mananalo siya sa mga ito at makakuha ng pwesto sa prestirhiyosong paaralan na ito. They will surely protect his own clan he belongs.

"ACCCHOOO!" isang malakas na bahing muli ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hindi niya alam kung saan niya nakuha ang pagbahing ito.

"Hindi naman maalikabok ang lugar na ito. Kailangan kong umalis na ngayon kung hindi ay maaabutan ako ng pesteng Purple Blood Realm Expert sa daang ito!" Sambit muli ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis nitong maisipang lumipad na lamang lalo pa at medyo nangalay na siya sa kakatakbo. Sa mga matataas na lamang siya ng mga puno dadaan at hindi sa mga makakapal na kaulapan. There are surely a hungry flying beasts out there waiting for it's prey. Di siya tanga kagaya ng ibang mga martial arts cultivator na basta-basta na lamang lumilipad sa kaulapan tapos hahabulin ng mga halimaw na mga flying type Beasts.