Chapter 195

Dinilaan ng nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert ang gilid ng bibig nito matapos nitong ubusing kainin ang dambuhalang halimaw. Unti-unti na rin kasing bumabalik ang anyong tao nito at bumabalik na din ang tila bluish nitong balat sa pagiging balat ng normal na tao. Espesyal ang pangangatawan nito at laaht ng mga nakain nito ay hindi nagrereflect sa pisikal nitong pangangatawan. Isang special eating process ng demonic cultivation path ang ginawa niya kung saan ay kada kain niya ay tila natutunaw at napupunta sa buong katawan niya ang mga sustansya at lalong-lalo na ang blood essence ng nasabing halimaw.

Isa ito sa natutunan niyang pamamaraan kung bakit nakamit niya ang ganitong klaseng kataas na lebel ng Cultivation. Nakakuha kasi siya ng isang pambihirang demonic book na parang isang Cannibalism kung saan ay kayang-kaya niyang kainin ang anumang nilalang na mayroong malakas na blood essence sa katawan. Iyon ay kung mapapaslang niya ito. Hindi din siya maaaring kumain ng mga nilalang na mahihina kumpara sa lebel niya. Kung hindi ay maiipon ang mga impurities nito sa kaniyang katawan.

Hindi alintana ng nakaitim na maskara na Purple Blood Realm Expert ang kaniyang kapaligiran na puno ng napaslang na bangkay ng mga martial artists rito. Masasabing kalunos-lunos ang sinapit ng mga ito bago sila binawian ng buhay.

"Hindi ko aakalaing maraming blood essence akong nakolekta ngayon. Pambihirang nilalang nga ang Giant Wood Pine Beast para bigyan ako ng karagdagang lakas. Konting-konti na lamang at magiging isang Middle Stage Purple Blood Realm Expert na ako hahaha!!!" Nakangiting sambit ng nakamaskarang itim na lalaki habang malademonyo itong tumawa sa huli.

Mabilis nitong binaybay ang daan kung saan nakakalat ang mga bangkay ng mga martial artists. Aalis na sana siya ngunit may napansin siyang isang maliit na bagay na siyang nakaagaw ng kaniyang sariling atensyon.

"Hmmm... Ano kaya ito? Wait, isang communication device? Di ko aakalaing mayroong isang craftsman ang nagmamay-ari nito hehe!" Sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm sabay dila ng kaniyang sariling bibig muli. Hindi pa siya kailanman nakakakita ng isang tunay na craftsman. Kung hindi siya nagkakamali ay gawa sa isang Bloody Gem Crystal ang bagay na kaniyang hawak-hawak na imbensyon.

There is no way na isang simpleng craftman lamang ito lalo na at ang paggawa nito ng imbensyon nito ay masyadong kakaiba. Maaari niyang kunin ang Blood Gem Crystals na taglay ng craftsman na ito maging ang lahat ng imbensyon nito. Hindi niya planong paslangin ang imbentor na ito kundi ay gagawin niya itong sunod-sunuran at alipin. Sa pagkakakilala niya sa mga craftsman ay hindi sila yung tipong malalakas sa pakikipaglaban at mas lalong hindi sila maaaring gumamit at matuto ng martial arts skill liban na lamang kung isa na silang ganap na Purple Blood Realm Expert.

Inamoy-amoy ng nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert ang nasabing imbensyon ng isang nilalang na ito na isang communication device. Makikita ang labis na galit nito sa mukha niya dahil ang bagay lang namang ito ang ginamit ng nilalang na iyon upang sirain ang mga plano niya.

Napangisi na lamang ito na parang demonyo nang mapansin niyang tila mahina ang enerhiyang naiwan ng craftsman na gumawa nito na siyang indikasyon na hindi ito galing sa isang Purple Blood Realm Expert kundi mas mababa pa rito ng hindi hamak.

Sa pamamagitan ng pang-amoy nito ay nakita niya ang bakas ng nilalang na siyang patungo sa Red Cloud Sea.

Tiningnan ng nakaitim na maskarang lalaki ang bilog na bagay na sa paniniwala niya ay isang imbensyon na kayang maghatid ng tunog mula sa malayo.

Wala itong inaksayang oras at agad na dinurog ang nasabing imbensyon ng nilalang na gumawa nito dahil wala na itong silbi sa kaniya.

Mabilis rin itong lumipad at naglaho sa lugar na ito upang tahakin ang daang tinatahak ng nasabing craftsman na sumira ng plano niya.

...

Mabilis na tinahak ng batang si Li Xiaolong ang daan patungo sa Red Cloud Sea. Hindi maaaring hindi siya pumunta rito. He wanted to be a strong cultivator in the near future. Pinoproblema niya pa rin kung paano siya makakapasok sa Cosmic Dragon Institute. Kung mayroon siyang maaaring pwedeng gawin o hanaping pambihirang kayamanan upang magkaroon ng slots para sa sasali. There's no way na libre lamang iyon dahil alam niyang hindi.

Napangiti na lamang ang batang si Li Xiaolong lalo na at hindi maaaring maging kampante lamang siya. Naiisip niyang  maaari silang magkita ng mga kasamahan niya kanina lalong-lalo na ang lider nilang isang Demonic Cultivator. Kailangan niyang mag-ingat sa mga ito dahil iisang lugar lamang sila ng lugar na tatahakin at iyon ay ang Red Cloud Sea.

Interesado siya sa nasabing  bangkay ng imortal na bumagsak sa kalangitan. Talagang hindi lamang siya makapaniwala na may mapapadpad na ganitong klaseng nilalang. Aside from that ay mayroon ding mga cultivation herbs ang nakatanim sa buong lugar na ito na nasa katubigan lamang.  Kung susuwertehin siya ay maaaring makakuha siya ng isang cultivation herbs na tinatawag na Frost Crystal Crown Herb na isa sa mga premium herbs. This will solidify his foundation ng kaniyang sariling dantian.

Sa pamamagitan ng herbs na ito ay hindi niya na kailangan pang magcultivate ng maigi para makapagbreakthrough. Kayang i-hold ng Frost Crystal Crown Herb ang kaniyang essence qi sa loob ng katawan niya kaya he can definitely breakthrough continuously.

Hindi nito alam ngunit ito ang sabi sa kaniya ng matalik niyang kaibigang si Fai. Alam niya kung gaano ito kaseryoso sa sinasabi nito. Matatagpuan ang Frost Crystal Crown Herb sa mga malalalim na parte ng baybayin o sa mismong pusod ng karagatan. This is why he decided to go here lalo na at kailangan niya ang ito. Naniniwala siya sa matalik na kaibigan niyang isang munting quoll.

Nami-miss niya rin ang munting kaibigan niyang si Fai. Alam niyang nandirito lang ito sa loob ng Dou City. Ipinapangako niyang hahanapin niya iyon o di kaya ay siya mismo ang magpapakita rito.

Ngunit naramdaman niyang tila uminit ang palad niya kaya mabilis niyang tiningnan ang imbensyon niyang isang long distance communication speaker.