Chapter 196

Inihagis niya ito sa ere at mabilis na nagkaroon ng bitak-bitak ang nasabing imbensyon niya.

Poooff!

Agad na nadurog ito sa ere.

Nakaramdam ng ibayong takot ang batang si Li Xiaolong lalo na at ang ganitong klaseng senaryo ay nangangahulugan ng mas malalim pa.

"Masama ito, mayroong nakahanap ng imbensyon. There is no way na isang aksidente ito. Kailangan kong mag-ingat at magmadaling makapunta sa Red Cloud Sea!" Sambit ng batang si Li Xiaolong. Masasabing hindi nito alam ngunit nakaramdam siya ng ibayong takot. Para masira ang imbensyon niya ng ganon-ganon lamang ay indikasyon na mas malakas ito kumpara sa kasalukuyan niyang cultivation level.

Isa lang ang maaari niyang ma-conclude sa pangyayaring ito, isang Purple Blood Realm Expert ang nakakita nito at maaari siyang masundan nito.

Agad na lumabas ang maitim na usok sa nadurog niyang maliit na imbensyon dahilan para mangamba ang batang si Li Xiaolong.

"Sigurado akong ang lider namin ang nakahanap nito. Kailangan ko na talagang umalis sa lugar ko at itago ang aking enerhiya at aura sa aking katawan." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagtatagis ang mga ngipin nito. Sigurado siyang paparating na ang nilalang na siysng lider nila upang tugisin siya which is a bad news for Li Xiaolong. Alam niya ang pagkakaiba ng kasalukuyan niyang lakas kumpara sa isang Purple Blood Realm Expert. Isa pa ay wala ap siyang kahit na ano'ng klaseng skill na maaaring gamitin niya laban rito dahil wala talaga siyang laban kung sakaling magkasagupa at magtagpo ang landas nila. Kapag nangyari iyon ay nasa matinding peligro siya.

Mas binilisan ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling paglipad habang unti-unti nitong tinatago ang awra niya at enerhiya sa kaniyang sariling katawan.

Medyo malapit na siya sa mismong Red Cloud Sea kaya hindi siya maaaring magpabagal-bagal dahil alam niyang malakas ang isang nilalang na humahabol sa kaniya. Mabuti na lamang at kanina pa siya umalis sa lugar na pinangyarihan kanina kung hindi ay baka naabutan at napaslang na siya nito.

Doble ang bilis ng paglipad ng mga Purple Blood Realm Expert kaysa sa kaniya na isa pa lamang Xiantian Realm Expert. Hindi siya naniniwala na makakaya niyang tapatan at labanan ang isang Purple Blood Realm Expert. Kung kailangan niyang maiwasan ang sagupaan nila ay mas mabuting lumipad siya ng mabilis dahil maaari siyang mapaslang kung pabagal-bagal siya.

Hindi niya hinihiling na hahabulin siya ng isang Purple Blood Realm Expert at hindi lamang iyon, isa pang Demonic Path Cultivator ito.

Bigla na lamang nagliwanag ang buong mukha ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong inilabas ang sampong talisman na may mga pulang letra na nakasulat dito. Walang alinlangan nitong ibinato sa gilid ng mga puno na madaanan niya.

POOOH!

Mabilis na dumikit isa-isa ang mga talisman sa mga punong nadadaanan at pinaglalagyan ng batang si Li Xiaolong. Makikitang mabilis na nasunog ang nasabing talisman kasabay nito ang tila pag-ilaw ng mga pulang letra na mabilis na pumasok sa punong pinagdikitan nito tandang na-activate na ito.

"This will surely makes me buy time. Hindi maaaring pakampante lamang ako. I can't confront him here." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Makikitang hindi ito natutuwa sa pangyayaring ito.

...

Agad namang napatigil ang mga bagong dating na mga grupo ng mga martial artists sa lugar ng mga nabigong grupo na siyang kasamahan ng batang si Li Xiaolong. Makikitang kanina pa ang mga itong nag-uusap patungkol sa pangyayaring naganap sa kanila. Mga nasa limampo pa lamang ang mga ito.

Matapos na marinig ng mga bagong dating na mga martial artists ang nangyari at pangyayaring naganap sa mga nabigong grupo ng mga martial artists na patungo na sana sa Red Cloud Sea ay masasabing nangilabot sila sa nangyari sa mga ito.

"Mga mangmang ba kayo?! Hindi niyo ba alam na maraming uri ng mga Giant Wood Pine Beasts. Malamang sa malamang ang nakasagupa niyo ay kalebel na ng isang Purple Blood Realm Expert!" Sambit ng isang may edad na lalaki na isang Peak Houtian Realm Expert. Makikitang seryoso itong nakatingin sa mga ito na may halong pagkabahala. There is no way na hindi niya alam ito sapagkat palagi siyang naglalakbay at paborito niyang pag-aralan paminsan-minsan ang mga uri ng magical beast kaya hindi naglalayong tama ang mga sinasabi nito.

"Oo nga, sa bagsik ng galaw ng halimaw na nasagupa niyo ay hindi man lang kayo nakaramdam na parang may mali?!" Labis na nagtatakang sambit ng isang babaeng Middle Houtian Realm Expert habang hindi nito mapigilang manlaki ang mata nito na animo'y nagtatanong ito sa mga ito.

"How ridiculous, kahit ako ay masasabi kong malakas ang halimaw na iyan. Never akong nakakita ng isang Giant Wood Pine Beasts na nangingitim ang buong katawan nito. Karamihan sa mga ito ay nasa kulay ng kayumanggi. How unlucky you are!" Sambit ng isang lalaking Late Xiantian Realm Expert. Makikitang labis din itong nag-iisip lalo na at mukhang alam nito ang patungkol sa mga Giant Wood Pine Beasts at sa mga katangian nito.

"Mabuti na lamang at di ako napasama sa inyo. Di ko pa naman alam na ganon pala kalala ang naganap at nasagupa niyo. Imagine, mga kalahati na na sa inyo ang nalagas!" Tila puno ng pagpapasalamat na sambit ng matabang lalaking Middle Pulse Condensation Realm Expert habang hawak-hawak ang isang hita ng isang manok.

"Pasalamat kayo at nabuhay pa kayo sa ganong klaseng sitwasyon. Ang mala-lebel na Purple Blood Realm Expert na Magical Beasts ay kaya kayong paslangin ng ilang mga minuto lamang. Mabuti at nabuhay pa kayo. Consider yourself lucky!" Sambit ng kanina pang tahimik na Peak Xiantian Realm Expert. Nakasuot ito ng kulay bughaw na maskara habang may tila balahibo ng isang kulay asul na uri ng ibon ang nakasabit sa kanang parte ng maskara nito. Nakatalukbong pa ang isang kulay asul nitong hooded robe that gives off a mysterious air around him.

Tila sa buong durasyon ng pag-uusap ng mga ito at sa sinabi ng mga bagong dating na mga grupo ng mga martial artists ay masasabi nilang nagkaroon ng tila ideya sa utak nila. Nanlalaki ang mga mata ng mga nabigong grupo ng mga martial artists lalo na sa mga sinabi ng mga ito. Parang isang malakas na kidlat ang nagpatigil sa kanilang mga naiisip kanina.