Chapter 197

Pero merong mga martial artists ang tila gustong hindi maniwala sa mga ito considering na pinamukha sa kanila na para silang ignoranteng mga nilalang. Hindi talaga ito katanggap-tanggap para sa kanila.

"There's no way na totoo yan! Hindi kami naniniwala sa pinagsasabi niyo!" Sambit ng babaeng Middle Houtian Realm Expert makikita ang labis na hindi pagsang-ayon sa bagong grupo ng mga nilalang.

"Oo nga, kalebel ng Purple Blood Realm Expert ang nakasagupa naming Giant Wood Pine Beast?! No way!" Kontra din ng isa pang martial artists na sa katauhan ng isang patpating Late Pulse Condensation Realm Expert. Makikitang gusto nitong kampihan ang babaeng kasamahan niya.

"Tama, hindi rin ako naniniwala!" Sang-ayon din ng isa pang martial artists sa haany ng nabigong grupo.

Palihim na lamang napangisi ang nakabughaw na maskarang isang Peak Xiantian Realm Expert. Masasabi niyang napaka-defensive ng mga ito. Hindi niya aakalaing nabuhay pa ang mga ito sa kamay ng mabagsik na mapamuksang halimaw na isang Giant Wood Pine Beast na kalebel na ng isang Purple Blood Realm Expert. Nagtataka pa rin siya kung paano nakaligtas ang mga ito sa kamay ng mabagsik na halimaw kahit na iniwan sila ng sinasabi nilang lider ng grupo nila.

"I want to see some major plays here. Tingnan natin kung hindi pa sila magulat sa nakakapangilabot na katotohanan sa paglalakbay ng mga ito. Imbes na magpasalamat na buhay pa sila ay nagawa pa nilang kwestiyunin kaming nagbibigay impormasyon sa kanila hmmp!" Sambit ng nakabughaw na maskarang lalaki habang palagay nito ay hindi nito matatagalan ang mga ignoranteng martial artists na nasa harapan niya.

...

Tila nagkaisa naman ang mga nabigong mga martial artists sa mga paratang ng mga bagong dating lamang na mga grupo ng manlalakbay katulad nila. Masasabing hindi papatalo ang mga ito lalo na ang mga martial artists na may cultivation level na Pulse Condensation Realm hanggang Houtian Realm. Tanging ang mga Xiantian Realm Expert lamang ang tahimik sa mga ito.

Hindi rin magpapatalo ang bagong dating ng mga grupo sa mga nabigong grupo ng mga kapwa nila martial artists kaya nagkaroon ng tila pagdedebate sa dalawang pangkat.

"Giant Wood Pine Beast lang yan noh. Kayang-kaya ng mga Xiantian Realm Expert ang mga iyon!" Pagmamayabang ng isang binatang lalaking martial artist sa hanay ng nabigong grupo. Makikita ang tila gusto nitong ipakitang hindi siya o sila apektado ng paglitaw ng mapamuksang halimaw na ito. Isa itong Early Pulse Condensation Realm Expert.

"Talaga ba? Mukhang hindi naman eh! Sa palagay ko ay puro lang kayo yabang!" Pangongontra ng isa ring binatang lalaki sa hanay ng bagong grupong kakadating lamang sa lugar na ito. Isa itong Early Pulse Condensation Realm Expert.

"Kung hindi lang dahil sa lider namin ay napaslang na sana namin ang mga halimaw na iyon!" Puno ng determinasyong sambit ng babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert sa hanay ng nabigong grupo. Hindi kakikitaan ng takot ang mukha nito habang sinasabi ang mga katagang lumalabas sa bibig nito.

"Sinisi niyo pa ang lider na sinasabi niyo eh hindi niyo man lang tiningnan mga sarili niyo!" Puno ng katanungang sambit ng isang babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert at napa-cross arms pa ito.

"Wow, nagsabi ang magaling. Eh kayo nga wala nga ang lider niyo rin dito eh!" Pambabarang sambit ng isang babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert habang makikitang nang-aasar pa ang tingin nito.

"Maghintay ka lang dahil darating din ang mga iyon! Wag niyong iniiba ang usapan!" Inis na sambit ng babaeng Early Pulse Condensation Realm sa hanay ng bagong dating na grupo. Halatang gusto nitong i-emphasize ang dapat nilang pag-usapan.

"Wow ha, kinwestiyon niyo nga ang lider namin tapos ngayon ay kami ang nag-iba ng usapan. Isang Giant Wood Pine Beast lang naman yun!" Simpleng sambit ng lalaking Middle Pulse Condensation Realm Expert sa hanay ng nabigong grupo na siynag kasamahan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikita ang tila hindi ito apektado sa pinag-uusapan nila.

"Wow, nila-lang mo lang ang pambihirang halimaw na iyon? Ang galing mo din pala eh noh!" Inis na sambit ng isang babaeng Middle Pulse Condensation Realm habang tila hindi nito matanggap na parang wala lang sa mga ito ang nasagupang mga Giant Wood Pine Beasts.

"Hindi kami yung tipo ng nilalang na matatalo ng halimaw na iyon hmmp!" Puno ng kumpiyansang sambit ng binatang lalaking Late Pulse Condensation Realm Expert. Makikita ang tila hindi rin ito apektado sa nasagupa nilang halimaw na Giant Wood Pine Beasts at makikita ang tila pagkamayabang nito.

"Kaya pala umatras na lang kayo at nandito sa lugar na ito ngayon dahil mahina pala ang nilalang na halimaw na siyang sinasabi niyo?! Tama ba ko?!" Pambabarang sambit ng binatang lalaking Peak Pulse Condensation Realm Expert habang makikitang gusto nitong ipamukha sa mga ito kung ano ang ibig ng mga itong sabihin o ipinupunto.

"Oo, talagang mahina lang ang halimaw na Giant Wood Pine Beast na iyon hehe. Marami lang mga sugatan sa amin dahil sa paunang atake ng mga halimaw kaya kami bumalik!" Nakangiting sambit ng binatang lalaking nasa hanay ng nabigong grupo habang makikitang gusto nitong i-emphasize ang mga nasugatan o nagalusan sa kanila.

"Sinong pinapaniwala niyo eh alam naman natin na kayo ang may mga deperensya sa sarili lalo na kung paano niyo tingnan ang mapamuksang halimaw na yun! Gasgas lang ang nakuha niyo diba?!" Puno ng panghahamak na sambit ng isang babaeng Peak Pulse Condensation Realm Expert. Gumuhit ang ngiti sa mukha nito habang nakikita ang mga pesteng aroganteng mga nilalang na nasa harapan nila.

"Edi sana nandoon kayo kanina para malaman niyo nang hindi kayo puro reklamo!" Prangkang sambit ng isang lalaking Peak Houtian Realm Expert na kanina pa tahimik sa pwesto nito. He don't know why this people wanting to degrade them and piss them off. Kahit sino naman ay sasabog ang emosyon sa pesteng tanong nito.

"Ang galing niyo naman para magsalitang nagrereklamo kami eh hindi naman kami ang nasa posisyon niyo hehe." Nakangising sambit ng magandang babaeng Early Houtian Realm Expert habang makikita na nag-aasar lamang ito.

"Kaya nga eh wala kayo sa sitwasyon namin kani-kanina lamang. Kung nandoon lang kayo ay baka naihi na kayo sa sobrang takot!" Pangangatwiran naman ng lalaking Early Houtian Realm Expert habang makikitang hindi ito natutuwa sa mga ito. Kung di ba naman tanga ang mga ito at gusto silang gawing katatawanan.

"Eh hindi naman kami tanga para manatili sa lugar na iyon kung alam naming delikado." Painosenteng sambit muli ng babaeng Early Houtian Realm Expert. Tila bata itong nagtatanong.

"Ngunit hindi kami maaaring umalis doon dahil iyon ang utos sa amin ng lider namin!" Simpleng sambit muli ng lalaking Early Houtian Realm habang makikitang gusto nitong panindigan ang kanilang katwiran patungkol  sa bagay na nangyari kanina lalo na ng lider nila.

"At kayo naman itong si tanga at hindi pa kayo umalis tapos kami pang sinisisi niyo, andun ba kami huh?!" Seryosong sambit ng lalaking Middle Houtian Realm Expert habang gusto nitong i-emphasize na hindi sila ang may kagagawan sa nangyari sa kamalasan sa buhay ng nabigong grupo.