Chapter 203

Napatawa na lamang si Li Xiaolong lalo na at hindi niya inaasahang matutunton kaagad siya ng demonic path cultivator na siyang lider nila. Hindi man niya ito kilala ng personal ay alam niyang masamang nilalang ito na nakakubli lamang sa anyo nito.

Ang Shadow Clone ay masasabi niyang malakas talaga ito at walang duda iyon. Isa ito za abilidad ng mga Purple Blood Realm Expert. Ang Shadow Clone ay maituturing na isang Warrior Clone. It is like a secondary body manifestation of a Purple Blood Realm Expert. Masasabing malalakas talaga ang mga Shadow Clone lalo na kung ang nayo ng mga ito ay tuluyang naging visible o makikita ang kabuuang itsura nito. Gawa lamang ito sa purong enerhiya ng isang Purple Blood Realm Expert ngunit hindi pwedeng maliitin ito dahil kayang-kaya nitong gumawa ng mga brutal na pamamaraan at higit na mas malakas ang kakayahan nitong gumawa ng pinsala dahil gawa ito sa purong enerhiya.

Pagkawala pa lamang ng usok ay mabilis na nakita ni Li Xiaolong ang anyo ng anino sa jindi kalayuan na papasugod sa kaniya.

Nagtagis naman ang ngipin ni Li Xiaolong lalo na at hindi niya alam kung mananalo siya rito. Totoo kasi ang atake nito but he can't touch the enemy itself.

Agad na inihanda nito ang kaniyang sarili para sa labanan st protektahan ang sarili niya laban sa kalaban niyang ito.

Napakabilis nito at walang nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang labanan ito ng harap-harapan.

Nang makarating na sa harapan niya ang nasabing Shadow Clone ay mabilis na nagpawala ito ng malakas na atake sa bandang dibdib ni Li Xiaolong kung kaya't mabilis nitong isinalag ang kaniyang sariling braso.

BANG!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid.

Tila napaatras naman ng ilang metro ang batang si Li Xiaolong lalo na at ang atake ng nasabing Shadow Clone ng kalaban niya ay napakalakas.

"Bakit parang hindi normal ang atake ng halimaw na ito. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na dark energies sa katawan nito maging ang negatibong empsyon nito." Nagtatakang sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Kung di siya nagkakamali ay hindi pa ito ganoon kalakas upang magdevelop ng aktuwal na katawan ang nasabing Shadow Clone yet it can release an enormous strength that anyone can tell that something is not right.

Hindi mapigilang manginig ang mga binti ng batang si Li Xiaolong lalo na at ang nasabing atake ng Shadow Clone ay lubhang mapaminsala. Nagbunga man ang walang kapagurang pag-eensayo niya sa pakikipaglaban sa mga Magical Beasts sa ilalim ng Bloody Gem River sa dulong bahagi ng teritoryo ng angkang kinabibilangan niya ay lubhang malakas ang Shadow Clone na ito.

Natigil ang malalim na pag-iisip niya nang makita niyang papasugod muli ang nasabing Shadow Clone papunta sa kaniya.

Mabilis na sinuntok siya nito sa mukha ngunit mabilis na naiwasan ito sa pamamagitan ng pagtagilid ng mukha nito.

PAH! PAH! PAH!

Sunod-sunod na suntok ang pinamalas ng nasabing Shadow Clone ngunit mabilis na tinapatan ng batang si Li Xiaolong ang bilis nito sa pamamagitan ng kaniyang pambihirang reflexes.

BANG!

Isang malakas na suntok ang natamo ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang pisngi. Kahit anong klaseng bilis ang ginawa niya ay natamaan pa rin siya nang nasabing shadow clone. Hindi mapagkakailang ang atake nito ay talaga namang hindi niya nahulaan.

Pakiramdam ng batang si Li Xiaolong ay sinuntok siya ng sampong sako ng bigas sa mukha kung kaya't napaatras siya ng ilang beses nang hindi niya inaasahan.

Magkagayon man ay tuloy pa rin sa paglapit at atake ang nasabing Shadow Clone kaya wlaang nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang magpukos na lamang sa labanang ito habang iniinda ang sakit sa kaliwang pisngi nito.

PAH! PAH! PAH!

Mabilis na pinagsusuntok muli siya ng shadow clone kung kaya't hindi rin siya nagpaawat sa pag-iwas.

Nakahanap ng tiyempo ang batang si Xiaolong kung kaya't mabilis nitong inambahan ng suntok ang nasabing Shadow Clone.

PEEWWWW!

Tila dumaan at lumusot lamang ang malakas na pagsuntok niya rito kung kaya't mabilis na nakahanap ng pagkakataon ang nasabing Shadow Clone upang atakehin siya.

PENG!

Isang malakas na pagsuntok sa ilalim ng baba ng batang si Xiaolong ang nangyari kung kaya't mabilis na tumilapon ito sa malayo. Parang isang papel lamang itong mabilis na tinangay ng hangin palayo sa mismong kinaroroonan nito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog muli ang nangyari kung saan ay mas grabe ang pwersang pinalasap ng nasabing Shadow Clone sa atake niyang iyon sa batang si Xiaolong.

Sa pagkawala ng balanse kasi kanina ni Xiaolong ay malakas na pwersa ang pinalasap sa kaniya ng Shadow Clone nang mismong Demonic Path Cultivator na siyang isang Purple Blood Realm Expert nang makahanap ito ng tiyempo.

"Wala kang magagawa pesteng matanda. Isa ka lamang mahinang Early Houtian Realm Expert kaya hindi mo ko matatalo. Even if you are Xiantian Realm Expert o Purple Blood Realm Expert ay higit na mas malakas pa rin ako sa'yo ng hindi hamak hahahaha!" Sambit ng takas na preso habang kitang-kita ng mga Demonic Eyes nito ang lupaypay na katawan ng matandang hukluban sa pinagbagsakan nito. Kung ganito ang takbo ng labanan ay masasabi niyang siya pa rin ang mananalo. Hindi siya matatalo ng isang hamak na mahinang nilalang na katulad ng matandang hukluban na ito.

Ngunit mabilis na tumayo ang batang si Xiaolong na siyang ikinagulat naman ng nasabing takas na preso. Though he can't say anything but he's demonic eyes eyed Xiaolong devilishly.

Nakaramdam naman ng kakaiba ang binatang si Xiaolong sa pares ng mata ng nasabing Shadow Clone. It's like piercing his own soul kung paano ito makatingin sa kaniya.

Agad na iniwas ng batang si Xiaolong ang kaniyang paningin rito. Isang demonic eyes ang mata nito at masasabi niyang tama siya. He don't want to be distracted by this kind of simple trick.

Agad na tumayo ang batang si Xiaolong. Alam niyang malala ang pasang natamo niya sa mukha at alam niyang hindi ito hihilom kaagad. There's no way na madali lang magamot ito.

"Hindi naman maaaring hindi ako gaganti. Hahanapin ko ang kahinaan mo! There's no way na matatamaan mo ako tapos ako ay hindi man lang makakapinsala sa Shadow Clone na to?!" Sambit ng batang si Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Agad itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng Shadow Clone.