Chapter 204

PAH! PAH! PAH!

Pinaulanan ni Xiaolong nang suntok ang nasabing Shadow Clone kung saan ay todo din sa pag- iwas ito sa mga atake ng nasabing kalaban niya. Kapwa sila umaatake ngunit todo-iwas naman ang batang si Xiaolong. Alam nito kung gaano kalakas ang atake ng Shadow Clone kung sakaling tamaan siyang muli nito.

Bawat suntok na pinapakawalan ng dalawang panig ay masasabing malalakas talaga. Maririnig ang tila tunog nang hangin kung saan tumatama ang atake nilang pareho.

Labis ang konsentrasyon ng batang si Xiaolong para maiwasan ang atake ng kalaban nitong isang Purple Blood Realm Expert ngunit palagay niya ay maha-handle niya naman ito lalo pa't ginamit ng kalaban nito ang Shadow Clone. Tlaagang kumpiyansa itong matatalo siya nito gamit ang isa sa pambihirang abilidad nitong taglay.

BANG! BANG! BANG!

Kahit na halos pantay kung tutuusin ang labanang ito ay masasabing dehado pa rin ang batang si Xiaolong lalo na at ang kalaban nito ay nagawa pa siyang patamaan nito sa braso at sa balikat niya na siyang muntik na niyang ikatalsik sa malayo ngunit mabuti na lamang at nabalanse niya ang kaniyang sariling katawan sa pamamagitan ng pagbibigay pwersa sa binti nito.

"Hmmm... Di ko aakalaing kulang rin pala ang battle experience ko lalo na at nasanay akong magical beast ang mga kalaban ko at hindi isang tunay na martial artists!" Sambit ng batang si Xiaolong kung saan ay nalaman niyang ito pala ang kauna-unahang laban niya sa martial artists liban na lamang sa isang martial artist na nakalaban niya noon na wala sa katinuan. He don't know but fighting like this will make him more confident in the future lalo na at kahit masakit ang mga suntok na natatamo niya at mga pinsala sa katawan ay masasabi niyang it is really a good start.

Sumugod muli ang batang si Xiaolong sa pwesto ng nasabing Shadow Clone. Hindi niya maaaring palampasin ang pagkakataong ito kung saan ay magkakaroon ng benepisyo ang kaniyang sarili sa unang laban niya. He will definitely find the Shadow Clone weakness and kill it in one go.

PAH! PAH! PAH!

Umalingawngaw muli ang tunog ng sagupaan at pagpapalitan ng mga suntok ang dalawang panig. Tila ba walang magpapaawat habang mayroong magkaibang layunin ang dalawang panig. One is to play before he kill his prey and One wanted to find his enemy enemies weakness, to gain battle experience and kill it in one go.

...

Gamit ang mga kamay ng batang si Xiaolong ay mabilis na pinagsusuntok njya ang halimaw ngunit tila tumusuntok lamang siya sa hangin kaya hindi niya maiiwasang matamaan ng mga mabibigat na suntok ng kalaban niya na siyang nagpapatabingi ng mukha niya ngunit patuloy lamang siya sa paggawa ng pamamaraan upang indain ang natatamo niyang sugat.

BANG!

Sa pangatlong pagkakataon ay tumilapon naman ang murang katawan ni Xiaolong sa malayo. Hindi kasi nito napansin ang tila pagbabago ng posisyon ng suntok ng halimaw.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing hindi ko mapapantayan ang pesteng demonic path cultivator na ito sa aking kasalukuyang estado. Kailangan kong gamitin ang aking tunay na enerhiya bilang Xiantian Realm Expert upang tapatan ito!" Sambit ng batang si Xiaolong habang maaaninag sa mukha nito ang natitirang pag-asa nito. Napangiti na lamang siya dahil ang kasalukuyang estado niya sa pakikipaglaban ay Houtian Realm Expert ngunit nagawa niyang tumagal sa labanang ito.

Dali-daling dinukot ng batang lalaking si Li Xiaolong ang nakabaong isang piraso ng High Grade Bloody Gem Crystal sa kanang kamay niya. There's no way na hindi siya magseseryoso sa labanang ito lalo na at nakataya na ang buhay niya sa matinding suliraning kinakaharap niya.

Nakaramdam naman ng pagkahapi ang batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis nitong binunot ang kapirasong ore sa loob ng kanang kamay niya. Hindi niya alam kung kailan ang last time na nagamit niya ang pagiging Xiantian Realm Expert niya nginit medyo matagal na rin.

Mabilis ring naghilom ang mga sugat na natamo niya sa kaniyang kanang kamay habang mabilis na umalpas ang napakaraming enerhiyang pilit na itinatago ng batang lalaking si Li Xiaolong matagal na panahon na.

...

Labis na natuwa ang pekeng lider na siyang isang takas na kriminal sa loob ng isa sa Dou City Prison Chambers kung saan ay tumilapon ng mabilis ang matandang hukluban.

"Bilib din ako sa kumpiyansa ni tanda, hindi ko aakalaing may gana pa itong labanan ako ng harap-harapan. Nakakatawa talaga hahahaha!" Sambit lamang sa isipan ng pekeng lider habang hindi nito mapigilang makaramdam ng saya. Napadama niya ang labis na galit sa mga atake niya. Ipaparamdam niya sa pesteng matandang ito ang kawalan ng lakas upang labanan siya. Isa siyang Purple Blood Realm Expert at hindi siya matatalo lamang ng isang hamak na Houtian Realm Expert. Kahit maging Xiantian Realm Expert man ang maituturing niyang basurang matandang nasa harapan niya ay hindi siya nito mapapantayan ng lakas at abilidad.

Hindi naman nagpahuli ang pekeng preso. Ramdam niyang hindi na rin magtatagal ang kaniyang sariling abilidad maging ang kaniyang sariling Demonic Eyes sa labanang ito.

"Gusto ko pa sanang makipaglaro sa'yo basurang matanda ngunit kailangan na kitang tapusin. Paalam!" Sambit ng pekeng lider sa kaniyang isipan lamang habang mabilis na lumabas sa Shadow Clone na siyang temporaryong anyo niya ang kakaiabng enerhiya na siyang sigurado siyang ikamamatay ng matandang hukluban sa oras na matamaan ito.

Agad itong lumutang sa itaas na ere at walang pag-aalinlangan nitong pinabulusok mula sa ere papunta sa direksyon ng pinagbagsakan ng basurang matandang hukluban ang kaniyang mapamuksang enerhiyang papaslang sa matandang lalaking isang Houtian Realm Expert lamang.

BANG!

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa eksaktong lugar na binagsakan ng batang lalaking si Li Xiaolong na siyang umalingawngaw sa buong kapaligiran rito.

Nangaputol at sumabog ang mga parte ng mga punong natamaan ng mapamuksang atake ng pekeng lider na siyang nagdulot ng pagkakaroon ng makapal na usok dulot ng mga pagsabog na siyang epekto ng malakas na sagupaan ng dalawang magkaibang panig.

Ngunit nakaramdam ng kakaiba ngunit malakas na enerhiya ang biglang umusbong sa buong kapaligiran na siyang ikinagulat at ikinapangamba ng Shadow Clone ng pekeng lider. Hindi niya inaasahan na makakasagap siya ng enerhiya ng isang Xiantian Realm Expert.