Chapter 205

Naramdaman niya lamang ang enerhiyang nasa bandang likuran niya na hindi niya namamalayan kaya huli na upang iwasan ito.

"Arrggghhhh!"

Mabilis na bumulusok ang nasabing Shadow Clone ng pekeng lider pailalim nang atakehin siya ng patalikod ng hindi niya pa kilalang nilalang na nagtataglay ng enerhiya ng isang Xiantian Realm Expert.

BANG!

Nagkaroon ng malakas na pagsabog na halos ikasira ng buong lugar na ikinabagsakan ng Shadow Clone ng pekeng lider.

Agad na napatayo ang tila aninong anyo ng Shadow Clone ng lider kahit na nasa medyo malalim na hukay ang nalikha nito.

Isa pa ay normal lamang ito lalo na at hindi naman ito ant tunay na katawan nito but it will reflect to his own body.

Nagngitngit naman ang pekeng lider sa kalooob-looban niya. There's no way na mabubulyawan niya ang may kagagawan ng pagkakabagsak niya at ang palikod na umatake sa kaniya. Alam niyang hindi siya maaaring magpakampante lamang lalo na at mukhang malakas ang nilalang na sinubukang pigilan siyang umalis sa lugar na ito.

Ngunit nagulat na lamang siya na ang pigura ng matandang hukluban ang nakita niyang nasa posisyon kung saan naroroon siya.

"Hmmp! Kailan lang ako naloko ng isang martial artist at hindi ko aakalaing sa isang basurang matanda pa ako nagalit ng ganito hmmp!" Sambit ng pekeng lider sa kaniyang sariling isipan lamang habang makikitang gustong-gusto niyang tadtadin ng masasakit na salita ang matandang hukluban ngunit hindi niya magawa ito dahil nasa shadow clone form lamang siya.

Ramdam naman ng batang lalaking si Li Xiaolong ang labis na galit na namumuo sa halimaw ngunit hindi siya nagpagapi rito. Alam niyang nalalapit na ring mapawalang-bisa ang Shadow Clone nito sa mga oras na ito kaya nga nagawa nitong paglaruan siya ngunit sisiguraduhin niyang siya ang magwawagi at hindi niya maaaring baliwalain ang banta ng ganitong klaseng nilalang dahil kung patuloy itong nabubuhay at naaalala siya ay maaaring maging sakit sa ulo niya pa ito sa hinaharap o di kaya ay sa lugar na kasalukuyang tinatahak niya which is not a good idea. There's no way na matatalo niya ang isang Early Purple Blood Realm Expert at ramdam niyang nalalapit na itong mag-breakthrough sa Middle Stage Purple Blood Realm. His not that confident sa kasalukuyan niyang lakas at kakayahan. It's not worth it dahil maraming mga suliranin at mababangis na mga Magicla Beasts sa loob ng baybaying parte ng Red Cloud Sea. Kung wala siyang natitirang lakas ay siguradong mapapaslang siya roon. Hindi siya tanga para gawin iyon.

Mabilis na sumugod ang batang lalaking si Li Xiaolong gamit pa rin ang anyo ng matandang lalaki habang tila naglalaho ang katawan niya habang papababa siya sa lokasyon ng nasabing Shadow Clone. There's no way na papatakasin niya ito lalo na at hindi pa rin pansin ng demonic path cultivator na napinsala niya ang ilang vital points ng Shadow Clone na ito.

Gustong umalis ng pekeng lider sa kinatatayuan niya ngunit pansin niyang tila mayroon pinsalang natamo ang Shadow Clone niya.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing napakatuso ng pesteng matandang ito. How dare him na pinsalain ang Shadow Clone ko na pinaghirapan kong palakasin!" Tila nagngitngit sa galit na sambit ng pekeng lider sa kaniyang isipan lamang. There's no way na papalampasin niya ito.

Bigla na lamang siyang napangiti sa kaniyang sariling ideya lalo na at hindi siya maaaring matalo lamang ng matandang lalaking hukluban na isa palang Xiantian Realm Expert. Nagulat man siya sa totoong cultivation level na siyang tinatago ng kalaban niya ay hindi naman siya takot rito. There's no way na matatalo siya nito. Ipinapaalala niya sa sarili niya na siya lamang ang malakas. Ang mga insektong nalang na katuald ng mga Xiantian Realm Expert pababa ay mga basura.

Bigla na lamang napatigil ang batang lalaking si Li Xiaolong sa ere hindi kalayuan mula sa lokasyon ng nasabing Shadow Clone ng pekeng lider nila na ngayon ay tila nagkakaroon ng pamumuo ng maitim na enerhiya sa temporaryong katawan ng isang Purple Blood Realm Expert.

"Nakakatuwa naman ang pangyayaring ito. Hindi ko aakalaing napakadesperado mong paslangin ako yet you use some trash demonic arts para paslangin ako hahaha!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa matandang boses habang makikitang tila gusto niyang asarin ang pekeng lider nila ngunit hindi na ngayon.

Tila naningkit at namula pa lalo ang mga mata ng Shadow Clone habang naririnig nito ang katagang binitawan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Mas kumapal pa at mas naging mabagsik ang mga namumuong dark energies sa palibot ng katawan ng Shadow Clone.

Parang naglaho bigla ang pigura ng Shadow Clone sa pwesto nito na siyang biglang lumitaw sa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong na nakakubli pa rin sa anyo ng isang matandang hukluban. Hahawakan o dadamputin pa sana nito ang robang suot-suot ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit hindi ito pumayag na makalapit ang halimaw at naglaho siya sa kinaroroonan nito.

Natawa naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa gustong gawin ng demonic path cultivator sa loob ng Shadow Clone nito. There's no way na hahayaan niyang mahawakan man lang siya ng masamang nialalng na ito. Maaaring binabalak nitong pinsalain ang murang katawan niya sa pamamagitan ng balat niya. Ang dark energies sa katawan nito ay mistulang buhay at parasitiko sa katawan ng Shadow Clone. This will corrode anything that it touches. Parang impurities. Ang mga blood essence lamang ang maaaring atakehin nito o sipsipin sa katawan ng nilalang na hahawakan nito.

Ngunit napakabilis ng halimaw kung kaya't sinubukan naman siya nitong lapitan kung kaya't hindi na rin nagpakampante ang batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis niyang binalot ang kaniyang sarili ng kaniyang makapal na protective essence kung sakaling subukan siya nitong hawakan.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at sa pag-enrage ng Shadow Clone nito ay mas sinisira pa nito ang mismong temporaryong katawan ng mala-aninong nilalang na sitang kasalukuyang kalaban niya. Alam niyang hindi normal na makaramdam ng galit ngunit hindi siya tanga katulad ng demonic path cultivator na ito na gusto siyang paslangin.