Chapter 437

Mabilis na lumipas ang oras habang nakalutang ang batang si Li Xiaolong sa gitna ng asul na eenrhoya sa loob ng consciousness niya. Makikitang maigi niyang kino-condense sa buong katawan niya ang nasabing enerhiya.

Sa pamamaraang ito ay maiipon niya ang masaganang enerhiyang umalpas sa buong katawan niya habang hindi na pinoproblema pa ang apoy ng Evil Fire Crow sa loob ng katawan niya. This means to say na maaari na niyang maabot ang pinapangarap niyang breakthrough ngunit hindi iyon magiging madali sa isang katulad niya lalo na at ang pagtapak sa Xiantian Realm patungo sa isa pang mataas na boundary ng cultivation ay parang malaking hakbang na maikukumpara ito sa distansya ng langit at lupa.

One must be persistent lalo na at dapat na kayang lagpasan nito ang gap ng pagiging Xiantian Realm Expert at Purple Blood Realm Expert.

Kailangan niyang i-inject ang mga enerhiyang umalpas sa loob ng dantian patungo sa bawat daloy ng dugo niya sa katawan. Napakahirap ng ganitong proseso lalo na at kapag nagkamali lamang siya ay maaari siyang mapahamak at kung papalarin man sa naging aksidente ay magiging crippled siya na kailanman ay hindi na maaaring magkaroon ng breakthrough.

Isa ito sa pinakamahalagang bahagi upang makatapak pa sa mga susunod na boundary ng cultivation. Purple Blood Realm is a special kind of cultivation boundary lalo na at kaibahan sa bone forging realm na makakaya gumalung ang mga nabaling buto ng alinmang parte ng katawan mo ay kaibahan naman sa Purple Blood Realm na kayang gumaling ng alinmang sugat sa katawan mo o malalang pinsala na iyong matatamo.

Nakadepende pa rin ito sa type ng katawan ng mga martial artists at sa mga certain factors kagaya ng mga espesyal na atakeng may mga lason, mayroong mga nakakamatay na mga substances at iba pang mga atakeng may kinalaman sa espesyal na pagpatay ay siguradong magiging malaking disadvantage talaga ito. Ganon naman talaga ang bawat cultivation boundary, there are always a pros ang cons kaya normal lamang na magkaganon ang mga nangyayari. Malaking advantage din kasi ang pagtaas ng boundary. Mas lalawak ang espasyo ng dantian mo maging ang consciousness ng mga martial arts experts maging ang kabuuang pisikal na lakas o mga enerhiya nila ay siguradong lalakas at di basta-bastang mauubusan ng enerhiya dahilan upang mas maging matagal ang pag-eensayo o aktuwal na labanan.

BANG! BANG! BANG!

rinig na rinig ng mga saksi sa ginagawang pagbreakthrough ng batang si Li Xiaolong habang nakapaligid sa kaniya ang mga opisyales ng Green Martial Valley Union. May halong saya at kaba silang nararamdaman sa kasalukuyan.

Seryosong nakabantay ang magulang ng batang si Li Xiaolong na si Li Wenren at ang asawa nitong si Li Qide habang may pangamba sa mga mata ng mga ito. Halatang nabuking na ang pinakakatago ng mahal nilang anak.

Houtian Realm Expert pa lamang sila habang ang ibang mga opisyales ay nasa Xiantian Realm Expert na ang mga ito lalo na si Ginoong Li San na isang Middle Xiantian Realm Expert. Batid nila ang mapanuring tingin na ibinibigay sa kaniya ni Ginoong Li San maging ang kapwa nila opisyales. Halatang nagtataka ang mga ito sa tila lihim na itinago nila matagal na panahon na rin ang nakalilipas.

Kahit may pangamba at di pagsang-ayon ng ibang opisyales ay makikitang may mabuti pa rin silang puso. Breaking through to Xiantian Realm to Purple Blood Realm requires alot of time. Hindi maaaring istorbohin ito o magkaroon ng delays lalo na at maaaring pumalpak ang nasabing cultivation breakthrough sana.

Tahimik lamang na nanonood ang mga miyembro ng Green Martial Valley Union habang pigil hininga pa rin ang eksenang nasasaksihan nila. Dumistansya ang mga opisyales ng Green Martial Valley Union dahil malakas talaga ang enerhiyang inilalabas ni Li Xiaolong o Little Devil. Talagang maging sila ay napahanga.

Unti-unting nawala ang nakakapasong init na inilalabas ng katawan ng batang si Li Xiaolong at unti-unti namang nabalutan ang mga nagkakapalang enerhiya ang buong katawan nito.

Crack! Crack! Crack!

Tila narinig nila ang tila pagtunog ng mga buto ng batang si Li Xiaolong habang sinasagawa ang pagtransform ng dugo nito na dumadaloy sa katawan nito dahilan upang gumalaw din ang mga buto nito sa iba't-ibang parte ng katawan ng bata.

Kitang-kita ng lahat ang unti-unting paglitaw ng mga sobrang pulang mga ugat na animo'y kumikinang ang mga dugong nananalaytay sa katawan ng batang si Li Xiaolong. This means to say na nasa kalagitnaan na siya ng nasabing proseso upang magbreakthrough.

Labis naman ang pagmamatiyag ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide sa kanilang kapaligiran. There's no way na walang panganib sa paligid but they just waiting for someone to show their fangs. Bilang isang ina ay nararamdaman niya ang ibayong panganib sa buhay ng mga anak niya. Nalantad na sa harap ng publiko ang pagbi-breakthrough ng anak niya para makatapak sa cultivation boundary ng Purple Blood Realm kaya hindi imposibleng walang mainggit o walang susubok na pigilan ang matagumpay na pagbreakthrough ng anak niya.

...

Sa loob ng Scroll Artifact ay bigla na lamang nakita ni Mèng Shuchun ang isang lagusan sa ere. Makikita ang labis na saya sa mukha nito.

Ngunit agad siyang Napatigil sa pagtayo pa lamang niya nang may marinig siyang isang babaeng tinig mula sa kawalan.

"Tulungan mo si Xiaolong kung gusto mo pang makaalis ng buhay sa lugar na ito. Sa mga oras na ito ay ikaw lamang ang makakatulong sa kaniya kung ayaw mong makulong habang buhay kasama ko rito. Hindi pa sapat ang aking lakas upang pakawalan ka." Sambit ng isang tinig mula sa kawalan.

"Bakit ko tutulungan ang pesteng batang iyon? Mas gugustuhin ko pang makulong rito kaysa tulungan ito!"

"Hindi ako nagbibiro, makakaya mo bang samahan akong makulong rito ng ilang milyong taon o bilyong taon ulit? Kung yun ang gusto mo hindi kita pipilitin. Dami mo pang satsat!" Seryosong saad ng nasabing babaeng tinig mula sa kawalan. Parang nag-eecho kasi ang tinig nito at isa pa ay wala siyang makitang nilalang o maramdamang presensya nito sa buong lugar.

Agad namang nagimbal si Mèng Shuchun sa kaniyang narinig. Mabilis na pumasok sa isipan niya ang kasalukuyang buhay niya sa reyalidad. Ang mga pamilya't mga kaibigan niya maging ang nakakakilala sa kaniya. Especially ang guro niyang gumagabay sa kanila. After thousands of years ay siguradong mga bungo na lamang ito how much more kung milyong taon siyang mawawala o di kaya ay bilyong taon, ano'ng saysay ng buhay niya kung magiging ganoon rin lang naman ang kapalaran niya. Hindi niya gugustuhing mangyari iyon dahil hindi niya ipagpapalit ito sa mahabang buhay na makukulong siya rito. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan na mamamatay rin ang mortal niyang katawan kapag nangyari iyon ay isa na lamang siyang kaluluwa na nakakulong rito.

"Maganda man ang offer mong yan na manatiling buhay ngunit ayokong makulong sa lugar na ito habang buhay. Mas gugustuhin ko pang maglakbay pa sa mundong ito at enjoyin ang buhay ko sa labas. Tinatanggap ko ang alok mong tulungan ko ang pesteng batang iyon kaysa sa alok mong makulong dito kasama ka!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun. Nakita niyang lumitaw ang isang kakaibang bracelet na biglang lumitaw sa kanang kamay nito.

Ngunit di pa man siya nakakatanggap ng sagot ng nigla siyang higupin ng malakas patungo sa loob ng lagusan. Nagmistulang kinain siya nito ng buo. Halos lumuwa ang mata ni Mèng Shuchun sa kaniyang nasaksihan. Never in her entire life experiencing something like this.

...

Lumipas ang ilang mga oras ay unti-unting nagliwanag ang buong katawan ng batang si Li Xiaolong maging ang kulay bughaw nitong enerhiya ay mas kumapal pa lalo habang ang kaninang pulang dugo ay unti-unting napalitan ng kulay ubeng kulay tandang one step closer na ito sa pagtatapos ng mahabang proseso ng pagbi-breakthrough nito.

Shing! Shing!

Rinig ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ang tunog ng paglabas ng mga nagtatlalimang mga sandata ng mga nialang sa paligid nila at mas nanlaki ang mga mata nila ng makita ang halos lahat ng pamilyar na mga kaangkan nilang naglabas ng sarili nilang mga sandata. Hals di sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

"Li San, bakit mo nagawa ito sa amin!" Nahintatakutang sambit ni Li Wenren habang nakatingin sa gawi ng pinuno ng Green Martial Valley Union na si Li San na ngayon ay nakangising demonyong nakatingin ng palipat-lipat sa kanila at sa anak nila.

Di rin nakaligtas sa paningin niya ang iba pang pinagkakatiwalaan nilang lubos ay tila gagawa ng hakbang upang pigilan ang nalalapit na pagtapak ng anak niya sa pagiging Purple Blood Realm Expert.