Chapter 438

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Sa halip na sagutin ng ilan sa mga opisyales ng Green Martial Valley Union lalo na ni Li San ang nasabing tanong sa kaniya ng ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren ay mabilis nitong sinugod ang kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong na naa proseso pa lamang ng pagbi-breakthrough nito.

Halatang desperado na ang mga kumakaaway sa munting batang si Li Xiaolong at gusto nilang hindi matuloy ang pagtapak nito sa Purple Blood Realm.

Sabay-sabay na sumugod ang mga ito habang malapit na sila sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong na hindi pa rin gumagalaw sa pwesto nito.

Talaga ngang gusto nilang wakasan ang pagbreakthrough nito sa susunod na boundary habang nakangiting demonyo ang mga ito.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi pa nagawa ni Li Wenren na pigilan ang mga naunang lumusob sa kinaroroonan ng anak niya habang siya ay nanghilakbot sa kasalukuyang kaganapan.

Ngunit ang mga lumusob sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong lalo na si Li San ay mabilis na tumalsik papalayo nang makita nila ang isang nilalang na nagsunog ng isang kakaibang talisman that throw them violently when a powerful energy surge into them.

PUAH!

Halos napasuka ang lahat ng mga martial artists na lumusob ng sariwang dugo at ang iba'y nahimatay sa labis na pagkabigla at hindi nila nagawang protektahan ang kanilang sarili.

"Ginoong Li San, hindi ko alam na mangingialam ang dayong nilalang na iyan!"

"Sila ang mga special guests natin hindi ba? Bakit tila nangingialam ang babaeng yan?!"

"Hindi ko rin alam na may pagkasl-sawsawera din pala ang mga bisitang mga walang utang na loob!"

"Tama ka, talagang hindi dapat natin pinatuloy yang mga yan!"

Sambit ng mga iilang martial arts experts na gustong paslangin ang batang si Li Xiaolong na patuloy pa rin sa pagsubok na makapagbreakthrough. Halatang hindi sila makakapayag na hanggang dito lamang at mauwi sa wala ang kanilang naging plano laban sa batang si Li Xiaolong o Little Devil.

Labis din ang inis na nararamdaman ng mga ito sa babaeng lumitaw lamang out of nowhere upang isalba ang batang si Little Devil na gusto nilang wakasan ang buhay nito. Nararamdaman nilang magiging banta ito sa tinatamasa nilang pag-unlad.

Tahimik lamang ang matandang lalaking si Li San habang nakatingin sa gawi ng estrangherang babae na napadpad sa kanilang munting lupain. Mabaabkas ang inis sa ekspresyon ng mukha nito. Halatang hindi din ito makapaniwala sa mga nangyaring kaguluhan. Masasabing naging mapait ang kapalaran sa kanila dulot ng pagsira ng estrangherang babae sa kanilang plano.

"Binabalaan kita Binibini, umalis ka ngayon din kung ayaw mong ikaw ang una naming papaslangin!" Banta ni Ginoong Li San habang mabilis na hinawakan nito ng mahigpit ang mahabang espadang hawak-hawak nito.

Bago pa man magsalita ang bagong dating lamang na si Mèng Shuchun ay mabilis na humarang ang dalawang pigura sa harapan nito na agad niya namang nakilala.

Kung hindi siya nagkakamali ay mga magulang ito ng batang si Li Xiaolong na kung di siya nagkakamali ay ito rin ang naghatid sa kanila sa isang malaking guest house o bahay panuluyan ng mga bisita. Siya si Li Wenren at Si Li Qide na sa tingin niya ay mababait talaga at may malasakit sa kanilang kapwa.

"Wag mong pagbantaan ang mga bisita natin Ginoong Li San. Ikaw lamang ang may malaking problema rito. Bakit mo nagawang subukang paslangin ang anak ko?!" Galit na saad ng ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren halatang hindi niya pa rin aakalaing magagawa ito ni Ginoong Li San sa kanila.

"Tama ang aking asawa, sa lahat ng pwedeng gumawa ng masama ay ikaw pang itinuturing naming pinuno ngunit ikaw pa ang may masamang hangarin!" Galit ding sambit ni Li Qide habang makikitang hindi na niya hahayaang mangyari na mapahamak ang anak niya.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing ang dalawang pesteng katulad niyo ang hahadlang sa mga hangarin ko sa Green Martial Valley Union. Ang paglitaw ng isang Purple Blood Realm Expert sa Green Valley sa kasalukuyan ay magdudulot ng malaking panganib sa existence ng ating organisasyon. Gusto niyo bang malusaw ang ating organisasyon? Nag-iisip ba kayo ng tama?!" Pasigaw na sambit ni Ginoong Li San habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa mag-asawang sina Li Wenren at Li Qide.

"Ano'ng sa tingin ng magagawa ng isang katulad mo Li San? Lahat na lamang ay napakalaking bagay sa iyo. Hindi lingid sa kaalaman namin ang pagkamkam mo sa pondo ng Green Martial Valley Union. Para ano? Para muli na namang malugmok ang lupaing ito? Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Li Mo na manatili rito dahil sa pagiging makasarili mo! Lumabas talaga ang tunay na pag-uugali mo!" Sumbat naman ni Li Wenren sa matapang na pamamaraan. Talagang hindi siya magpapasindak sa pesteng matandang lalaki na sobrang makasarili.

"Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw rin ang nagpaalis kay Li Mo noong ayaw nitong piliin ang Sky Flame Kingdom hmmmp!" Seryosong saad naman ni Li Qide. Nakakalimutan ata ni Li San ang mga baho ng nakaraan nito kaya hindi niya palalampasin ang mga bagay-bagay laban rito.

Nakanganga lamang iba at labis na nagtaka ang lahat sa kanilang mga naririnig. Talaga nga namang hindi makatarungan ang ginawa ni Li San sa iba pang mga umalis dahil sa pinapili sila nito. Lumalabas talagang ito ang may problema at hindi ang mga umalis.

"Wala akong pakialam sa sinasabi niyo Li Wenren at Li Qide dahil unang-una ay pagmamay-ari ko ang Green Martial Valley Union at wala akong ninanakaw dahil sa akin ang lupaing ito!" Nanggagalaiting sambit ng matandang lalaki na si Li San. Halatang hindi ito papipigil kumpara sa pesteng nilalang katulad ni Li Wenren at Li Qide na sumusuway sa kagustuhan niya.

"Yan ang inaakala mo Ginoong Li San, pagmamay-ari ng anak ko ang Buong lupain na kinatatatagan ng Green Martial Valley Union dahil kailanman ay di ka nagbayad ng buwis. Gusto mo bang sabihin ko sayo na parte pa rin ng Sky Flame Kingdom ang Green Valley. Pinuno ka lang sa titulo ngunit anak ko ang nagmamay-ari ng buong lugar na ito kaya lumayas ka at ng mga taksil mong kasamahan ngayon din sa lupaing hindi naman sa'yo!" Seryosong wika ni Li Wenren habang galit na galit na ito. Inutusan pa nitong lisanin ni Li San ang nasabing lupain ng Green Valley kasama ang mga alipores nito. Hindi siya papayag na patuloy pa rin sa pagnakaw ng mga malalaking halaga ng salapi ang pesteng lider ng kanilang organisasyong kinabibilangan.