Chapter 445

Ito na siguro ang mahabang gabi para sa Green Martial Valley Union lalo na at inaasahan nila amg darating na panganib. Ramdam kasi nilang mula sa kadilimang parte na sa labas ng Green Valley ay mayroong nakaantabay lamang na panganib na maaaring lumitaw lamang anumang oras mula ngayon.

Tahimik ang lahat sa pagmamatiyag at pagbabantay sa ginagawang pagsubok ng batang si Li Xiaolong upang makapagbreakthrough sa susunod na boundary na siyang ang Purple Blood Realm.

Nakikita nilang ganoon pa rin ang lagay ng batang si Li Xiaolong o Little Devil habang nakapalibot ang mga nagbabantay na mga miyembro ng Green Martial Valley Union.

Kitang-kita nila ang paggalaw ng masaganang enerhiya patungo sa katawan ng nasabing bata. Nakatuon pa rin ang atensyon nila sa panganib dulot ng gabing ito habang nakapokus ang atensyon nila sa kaligtasan ng batang si Li Xiaolong.

Ngunit nagulat na lamang si Mèng Shuchun nang makarinig siyang nagsalita.

"Ano'ng klaseng enerhiya ang naramdaman ko kanina. Mayroon bang kakaibang nangyari kanina?! Tanong ng malumanay na boses na halatang mayroong pagtataka sa naramdaman niyang pamilyar na aura.

"Ah eh, asan ka? Bakit hindi kita makita?" Tarantang sambit ni Mèng Shuchun habang hininaan nito ang kaniyang sariling boses. Mabuti na lamang at medyo malayo ang agwat niya sa ibang nagbabantay kung hindi ay magugulat din ang mga ito sa tono ng boses niya at biglang pagsasalita nito.

"Konektado tayo dulot ng pulseras na nasa kamay mo. Habang lumilipas ang araw ay unti-unting maglalaho ang mga pabilog na perlas na bumubuo sa pulseras. Maaari mo na bang sagutin ang mga katanungan ko?!" Saad ng malumanay na boses mula sa pulseras.

"Ah ganon ba. Sige, aalalahanin ko ang iyong mga sinabi. Ang patungkol sa katanungan mo ay mukhang hindi lang ako ang nagtataka sa nangyari kanina. Natalo ng mga magulang ni Li Xiaolong na mga kapwa Houtian Realm Experts ang isang malakas na Xiantian Realm Expert na lider ng Green Martial Valley Union." Seryosong saad ni Mèng Shuchun sa nasabing boses ng babaeng nagsasalita sa loob ng pulseras. Hindi niya man ito lubos na kilala ngunit alam naman niyang ito ang tumulong sa kaniya upang makalabas pansamantala mula sa pagkakakulong ng sariling kaluluwa nito sa loob ng kakaibang lugar na iyon.

"Hmmm... Paanong nangyari iyon. Bibihira lamang ang ganoong klaseng mga nilalang lalo na at isang boundary ang agwat ng mga ito. Kung gayon ay malalakas pala talaga ang magulang ng batang si Xiaolong." Sambit ng babaeng boses sa loob ng pulseras nito na siyang nagsisilbing komunikasyon niya sa nasabing nilalang na ikinulong ni Li Xiaolong.

"Ngunit nakita ko ang kakaibang kaganapan kanina. Parehong lumiwanag ang singsing na suot ng mga magulang ni Li Xiaolong. Lumabas ang anino ng isang dambuhalang berdeng dragon sa ere at sinagpang nito ang lider ng Green Martial Valley Union dahilan upang maglaho ang mortal na katawan nito. Nakakapanghilakbot na pangyayari iyong naganap kanina." Seryosong sambit ni Mèng Shuchun habang makikitang hindi nito mapigilang makaramdam ng takot. Kahit na ganap siyang Purple Heart Realm Expert ay maaari siyang mapinsala ng malubha kung sa kaniya ginamit ang nasabing kakaibang taktika ng mga magulang ng batang si Li Xiaolong.

Ngunit mabilis na naputol ang pag-uusap nila nang bigla na lamang may naganap na pangyayaring di nila inaasahan.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang bigla na lamang narinig ng lahat ng makita na lamang sumabog ang tarangkahan ng Green Martial Valley Union na siyang lagusan patungo sa nasabing lupain ng Green Valley.

Alerto naman ang lahat sa biglaang pangyayari na animo'y sinadya talagang sirain ang gabing ito ng kung sino mang nilalang mula sa may kadilimang parte ng pinagtataguan ng sinumang nakakubling nilalang.

Hindi na rin nakakagulat ang pangyayaring ito lalo na at alam nilang may papasugod na ring mga kalaban dahil sa pagputok ng signal flare sa himpapawid dahilan upang maalerto ang buong Green Martial Valley Union sa nalalapit na panganib.

Isang dambuhalang halimaw sa ere ang bigla na lamang nakita ng lahat. Nakakatakot ang itsura ng nasabing Magical Beast na hugis paniki at may lumalabas na napakaitim na enerhiya sa katawan nito.

Dahil sa liwanag na binibigay ng buwan ay nakita nila ang isang nilalang na mayroong itim na roba habang nakasuot ng itim na maskara.

"Ocean Black Bat?! Anong ginagawa ng mapamuksang halimaw na ito rito?! Master ba nito ang misteryosong nilalang na nakasakay sa likod nito hmmm..." Wika ni Mèng Shuchun sa kaniyang sariling isipan lamang. Hindi siya maaaring magkamali lalo na at malakas ang kutob niyang hindi ordinaryong nilalang ito.

Bakit kilala niya ang Ocean Black Bat? Ito'y dahil minsan nilang nasagupa ang mapamuksang halimaw na ito. Napakalakas ng atake nito galing sa bibig nito. Kaya nitong burahin sa mapa ang isang nayon o maliit na lupain sa isang iglap lamang. Ganito katindi ang magagawa ng dambuhalang halimaw na nilalang na ito.

Pero sa palagay niya ay kontrolado ng sumasakay na misteryosong nilalang na nakamaskarang itim ang Ocean Black Bat na sinasakyan nito. Soul contracted beast to be exact o di kaya ay Beast Tamer ang tawag sa propesyon ng bagong dating na nilalang.

Whoop! Whoop! Whoop!

Tila rinig na rinig ng lahat ang bawat tunog ng pagaspas ng nasabing halimaw na Ocean Black Bat. Kahit paghinga ng mga nasa baba lamang ay makikitang pinipigilan ng mga ito dahil kaharap na nila ang matinding panganib sa gabing kabilugan ng buwan.

Nakita ni Mèng Shuchun ang pagnginginig ng katawan ng mga miyembro ng Green Martial Valley Union habang nakita niyang nakakunot ang noo ng kasama niyang maglakbay rito na si Cháng Shan habang nakatingin sa dambuhalang halimaw sa ere.

Alam niyang hindi matatahimik si Cháng Shan sa mga oras na ito at tama nga siya. Gumuhit ang galit sa mukha nito habang nakakuyom ang mga kamao nito. Hindi ito natatakot bagkus ay unti-unting napalitan ng ibayong poot ang katauhan nito.

Hindi kasi lingid sa kaalaman niyang ang grupo ng Ocean Black Bat ang pumaslang sa mga mahal nito sa buhay. Iilan lamang ang nakaligtas sa hagupit ng nasabing paglusob ng mga dambuhalang halimaw na ibong ito ngunit hindi talaga ito isang paniki. Isa si Cháng Shan sa masuwerteng nakaligtas sa nasabing di inaasahang pag-atake ng mga magical beasts na ito. Ganito lang ang pangalan nito dahil nakatira ang nasabing nilalang na ito sa tabing dagat na mayroong napakasukal na kagubatan. It is both eating fruits at kumakain din ito ng sariwang mga karne.

Isa itong klase ng Night bird ngunit ang mabangis at mapamuksang nature ng halimaw na Ocean Black Bat ang kinatatakutan ng lahat. Ni walang gustong mag-tame sa nasabing halimaw na ito dahil pinaniniwalaang napakasama ng magical beast na ito. Tanging ang mga demonic path cultivators lamang ang magtatangkang paamuhin ito.