Chapter 446

Alam ng magandang dalagang si Mèng Shuchun na sa tagpo pa lamang na ito ay alam niyang ang nilalang na nakasakay sa mismong mapamuksang halimaw na Ocean Black Bat ay hindi taga-rito. Maaaring taga-Vermilion City rin ito o taga-karatig pook lamang nila ang nilalang na ito.

Hindi makapaniwala si Mèng Shuchun sa tagpong ito lalo na at mukhang may taga-labas na nanghihimasok sa apat na kahariang nag-eexist rito. Ramdam niyang ang pagpunta ng nakamaskarang itim na nilalang na ito ay walang maidudulot na mabuti at tanging delubyo lamang ang hatid nito.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ko aakalaing gising na gising kayo upang paghandaan ang pagdating ko. Nakakataba naman ng puso hahahahaha!!!" Sarkastikong sambit naman ng nasabing misteryosong nilalang na nakasakay sa dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat. Humalakhak pa ito ng malakas tandang nasisiyahan ito.

"At sino'ng nasisiyahan sa pagpunta mo rito? Hindi nga namin alam na ikaw ang darating dito. Kating-kati na ko upang paslangin ka lalong-lalo na ang alaga mong Ocean Black Bat hehehe!" Nagpupuyos sa galit na sambit ni Cháng Shan. Nakita naman ni Mèng Shuchun ang tila pagbago ng boses ng matipunong binatang si Cháng Shan.

Napaluhod ang lahat at ang ibang mga miyembro ng Green Martial Valley Union ay napatalsik nang maglabas ng nakakatakot na aura ang katawan ng matipunong binatang si Cháng Shan at mabilis itong sumugod sa kinaroroonan ng nasabing dambuhalang ibon sakay ang punterya ng nasabing binatang nagpupuyos sa galit.

Mabuti na lamang at ginamit ni Mèng Shuchun ang natural na abilidad ng vermilion eyes niya upang isa-isang protektahan ang mga miyembro ng Green Martial Valley Union.

Matagumpay naman niyang nagawa ito ngunit bumakas pa rin ang pag-aalala niya lalo na at alam niyang hindi maganda ang mangyayari maya-maya lamang.

"Ang lakas ng loob mo batang sugurin ako upang labanan ako. Pwes, ipapalasap ko sa'yo ang lakas ng soul contracted beast ko hehehe!" Nakangising demonyong wika ng nakamaskarang itim na nilalang.

"Bring it on! Hindi ako natatakot sa isang katulad mo!" Sambit ni Cháng Shan at mabilis na lumitaw sa kamay nito ang mahabang espadang sandata niya. Mahigpit niya itong hinahawakan habang nakaramdam siya ng nag-uumapaw na galit. Naalala niya kasi ang masalimuot na pangyayari noong bata pa lamang siya at kung paanong wala siyang nagawa upang iligtas ang mga mahal niya sa buhay. Siya at ang kapatid niyang sanggol pa lamang noon ang nakaligtas mula sa pagkabura ng nayon nila. Kaya ipinangako niyang papaslangin niya ang sinumang nagmamay-ari ng ganitong klaseng halimaw.

SHRRRIEEEEECCCKK!

Walang ano-ano pa nagpakawala ng napakalakas na huni ang Ocean Black Bat kasabay nito ang pagbuka ng pakpak nito tandang gagawa ito ng malakas na atake.

Mabilis na ibinuka ng Ocean Black Bat ang bibig nito at mabilis na namuo ang napakaitim na bolang apoy.

Whoosh!

Mabilis na pinakawalan ng Ocean Black Bat ang malaking bolang apoy upang iatake sa direksyon ng matipunong binatang si Cháng Shan.

Mabilis namang iniwasan ni Cháng Shan ang nasabing atake ng Ocean Black Bat ngunit mabilis na tatama ang atakeng ito sa Green Valley.

Nagsama-sama naman ang tatlong opisyales ng Green Martial Valley Union at malakas na nagsagawa ng martial arts skill.

Skill: Water Shield!

Mabilis na lumitaw ang malaking pakurbang bagay sa ere na gawa sa tubig. Sa pinagsamang lakas ng limang eksperto ng Green Martial Valley Union ay mabilis na nasugpo ang atakeng iyon.

BANG!

Magkagayon pa man ay naglikha pa rin ito ng malakas na pagsabog na siyang naging dahilan upang mapaatras ang mga ito nang nagbanggaan ang bolang apoy at ang water shield.

Tiningnan naman ng masama ni Cháng Shan ang nasabing nilalang na sakay-sakay ng Ocean Black Bat. Masasabing hindi niya nagustuhan ang ginawa ng nasabing nilalang na nagmamay-ari sa dambuhalang halimaw sa ere.

"Talagang sinadya mong gawin iyon hmmp! Total gusto mo ng gulo ay pagbibigyan kita!" Matigas na sambit ni Cháng Shan habang nakatingin sa gawi ng kalaban nito. Ang lakas ng loob nitong linlangin siya sa paunang atake ng kalaban niya.

Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na nagsagawa ng martial arts skill nito.

Skill: Sword Clones!

Malakas na lumiwanag ang mahabang espadang sandata nito habang mabilis na nagkaroon ng sampong kaparehas na espadang lumitaw sa ere sa itaas ng uluhan niya.

Sa pagwasiwas ng espada niyang hawak ay mabilis na sumugod ang sampong espadang nakalutang sa ere.

Tila hindi mapigilan ang paglipad ng mga espadang nakatutok sa kalaban ni Cháng Shan. Sa sobrang tulin ng pagkakalipad nito ay nagliwanag ang mga talim nito at hilt ng espada dahil sa liwanag na binibigay ng buwan na dahilan upang makita ng lahat kung gano kabilis ang mga atake nito.

"Heh manahimik ka! Kung yan ang husto mo ay pagbibigyan kita!" Seryosong saad ng nakamaskarang itim na nilalang habang napaismid pa ito.

Bago pa matamaan ang kalaban nito ay mabilis na umatungal ng malakas ang Ocean Black Bat ng napakalakas

ROAR!

Nakita nila ang visible na sound waves na gawa ng halimaw na Ocean Black Bat. Ang sampong mga mahahabang espada ay bigla na lamang tumigil sa ere. Nag-vibrate pa ito ng malakas hanggang sa huli ay mabilis na sumabog ito sa ere.

BANG! BANG! BANG!

Nagkapira-piraso na lamang ang sampong mga mahahabang espada at tuluyan itong nawala.

Napasuka naman ng sariwang dugo ang matipunong binatang si Cháng Shan habang pinupukulan ng masamang tingin ang kalaban nito lalo na ang dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat.

"O ano ka ngayon? Puro ka lang naman salita hahaha kulang ka naman sa gawa!" Puno ng pangmamaliit na sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habng sakay-sakay ito ng nasabing dambuhalang halimaw. Halatang minamaliit nito si Cháng Shan dahil sa puro lamang salita ang kaya nitong gawin sa kaniya.

Napangisi na lamang si Cháng Shan at mabilis na nawala sa kinaroroonan nito ngunit dahil sa pagiging pabaya ng nasabing nakamaskarang nilalang ay hindi nito alam ang binabalak ni Cháng Shan sa mga sandaling ito.

BANG!

Malakas na tumilapon ang nakamaskarang itim na nilalang sa kalupaan na nagdulot ng malakas na tunog ng pagkakabagsak nito.

Nakatuon na ngayon ang tingin ni Cháng Shan sa abot kamay lamang niyang Ocean Black Bat at mabilis niyanh tinaga ito sa leeg ngunit di nito nagawang magtagumpay dahil sa balikat nito nadaplisahan ang nasabing dambuhalang halimaw.

Shrrrrriiieecckkk!

Isang malakas na tunog ng Ocean Black Bat ang narinig ng lahat bago ito lumayo sa kinaroroonan ni Cháng Shan at lumapag ito sa direksyon kung saan bumagsak ang owner nito.