Chapter 657

Kitang-kita kung paano'ng nanginig ang tuhod ng kalaban niya at halos masubsob na ang buong katawan maging ang mukha nito sa lupa.

CLANG!

kitang-kita at rinig na rinig ni Wong Ming ang marahas na pagbaon ng sandatang espada ng kalaban nito sa nakatarak pa lamang kanina.

"Hi-hindi maaari ito. P-papaano'ng natalo mo ako?! Arrghh!" Nahihirapang wika ng kalaban nito at napasuka na lamang ito ng masaganang dugo mula sa bibig nito dahil halatang napinsala pa ito dahil parang nilalaabanan pa nito ang paglapit sa kaniya ni Wong Ming lalo na sa marahas na pagbigat ng paligid nito sa mortal nitong pangangatawan.

Hindi kakikitaan ng awa ang mukha ni Wong Ming dahil alam niya ang pakiramdam na inaapi. Kung tutuusin ay kotang-kota na nga siya mula noong pagkabata pa lamang niya.

Parang nanariwa ang mga alaalang iyon at sa harap ng masamang kalaban niya ay hindi siya maaawa rito.

Ngunit biglang umamo ang mukha ng kalaban nito at gusto pa atang i-distract ang atensyon nito.

"May sasabihin ka pa ba?!" Ani ni Wong Ming habang kitang-kita na kalmado pa rin ito.

"Wala na ngunit ito lang ang masasabi ko. Hindi ka magtatagumpay, hindi mo alam ang gulong gusto mong pasukin. Sa huli ay kami pa rin ang mananalo sa kompetisyong ito hahahah!" Saad ng kalaban ni Wong Ming na hanggang ngayon ay hindi nagpapakilala ng tunay nitong kaanyuan.

Kalmado at walang awa pa rin siyang tinitigan ni Wong Ming hanggang sa isang iglap ay lumitaw ang isang malaking thorned hammer sa kamay nito at walang awang hinampas nito ng malakas ang mismong ulo ng kalaban nito.

BANG! BANG!

Kitang-kita kung paanong sumirit ang masaganang dugo sa ulo ng kalaban nito at tila nabasag ang bungo nito at tila lumabas pa ang utak nito.

Walang pakialam na kinuha ni Wong Ming ang nakabaong thorned hammer niya saka bumalik sa normal ang sampong Sword Needles na pangunahing sandata niya. Agad niyang pinawala ang mga sandatang ito at nilisan ang lugar na ito upang ipagpatuloy ang paghahanap niya sa mga kasamahan niyang nagkawatak-watak sa lugar na ito.

...

Mukhang hindi inaasahan ni Wong Ming na mapadpad sa isang lugar na pinagdadausan ng Courtyard Friendly Match ng Flaming Sun Guild.

Paano ba naman ay nakita niya lamang ang sarili niyang naglalakad sa isang lugar na malawak na lawa.

Hindi niya aakalaing may ganito ritong lugar. Napakaganda ngunit mukhang napakadelikado rin dito.

Mayroon kasing nakalutang na malaking pugad sa gitna ng lawa. Hindi pa matukoy ni Wong Ming kung ano'ng klaseng pugad ito dahil mukhang Tanga naman ang mag-isip na pugad ito ng malalaking ibon o pugad ng mga land type magical beasts.

Walang pag-aalinlangan ni Wong Ming na pinagmasdan ito. Doon niya napansin na mayroong kakaibang shell ang nasabing pugad na kung hindi siya nagkakamali ay isang malaking itlog iyon ng kung anumang klaseng halimaw.

Kitang-kita naman niya na hindi lamang pala siya ang naririto at nagkainteres sa kakaibang pugad na iyon. Mayroon siyang natatanaw na dalawang disipulo na kulay dilaw ang robang suot habang ang isa naman ay kulay ube ang roba nito.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay mga kalaban niya ang dalawang nilalang na nakikita niya sa magkabilaang mga direksyon.

Isang East Courtyard Outer Disciple at North Courtyard Outer Disciple, itong dalawang ito ang makakalaban niya kung sakali.

Sino ba naman ang mag-aakalang ang dalawang naglalakasang mga disipulo pa ata ang makakaharap niya.

Isang malaking kasayangan kung palalagpasin niya pa ang pagkakataong ito na makuha ang nasbaing itlog na iyon. Isang Soldier Beast Egg iyon kung hindi siya nagkakamali.

Nagulat siya nang makitang hindi na nakapagpigil pa ang North Courtyard Disciple na ito at mabilis na naglakad sa ibabaw ng tubig.

Masasabi ni Wong Ming na napahanga siya rito. Halatang may kaalaman ito patungkol sa elemento ng tubig.

Bago pa man siya makarating sa mismong lokasyon ng dambuhalang pugad ay kitang-kita ni Wong Ming na umalon ng napakalakas ang napakatahimik na katubigan.

Hindi maipagkakailang alam na ito ni Wong Ming ngunit mukhang hindi aware ang North Courtyard Disciple sa posibilidad nito.

Kitang-kita niya na nag kakaibang pagngisi nito habang patuloy pa rin ang pagsugod nito patungo sa direksyon ng dambuhalang pugad.

TAH! TAH! TAH!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumalon patungo sa direksyon nito ang napakaraming mga flying snakes.

Hindi maipagkakailang nagulat si Wong Ming.

Kitang-kita niyang na-corner ang nasabing disipulo sa pag-alpas ng mga flying snakes na ito at nakagat ito sa binti at braso nito.

Nakakagulat ito lalo pa't mukhang makamandag ang mga ito. Dito ay bumuo ng plano si Wong Ming. Masyadong mapanganib ang pagpunta malapit sa pugad nito at alam ni Wong Ming na may nakabantay sa ilalim nito na mistulang nilunggaan ng mga maliliit na flying snakes.

Nagpakawala ng malakas na martial arts skill ang nasabing West Courtyard Disciple habang makikitang kahit na nakagat ito.

Skill: Sword Moon Cut!

Umilaw ang mahabang espada nito na gumalaw na parang hugis ng buwan.

Tatlong mga sword attacks ang pinakawalan nito patungo sa mismong di pangkaraniwang itlog na nasa loob ng malaking pugad na ito.

Ngunit bago pa iyon mangyari ay umalpas ang dambuhalang kaanyuan ng isang nilalang sa ere habang hinampas nito palayo ang nasabing mga sword attacks. Kulay berde ang anyo ng nasabing dambuhalang halimaw na nasa hanay ng mga ahas dahil sa kaanyuan nito.

Umalpas ang rin ang isa pang itim na ahas siyang mukhang galit na galit ito.

Nakabalanse naman sa ibabaw ng lawa ang nasabing North Courtyard Disciple ngunit nakahawak na ito sa braso nito na halatang umeepekto na ang kamandag ng maliliit na mga flyong snakes.

Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk!

Nagpakawala ng malalakas na mga atungal ang dalawang naglalakihang mga halimaw na ito. Alam ni Wong Ming ang nasabing magical beast na ito na walang iba kundi ang isa sa mga venomous type beasts na tinatawag na Aquatic Flying Snake.

Hindi lang isa ang Aquatic Flying Snake na ito dahil dalawa ang mga ito. Mukhang hindi magiging madali ang lahat ng ito dahil mga Fourth Level beast ang bawat isa sa mga ito.

Magkaiba din ang kulay ng mga ito dahil halatang naging kulay berde ang isa sa mga ay dahil kulay itim talaga ang kulay ng mga ito.

Sa panahong ito ay bagong panganak lamang ata ang Aquatic Flying Snake na siyang babae. Bumabalik kasi sa ordinaryong flying beast na kulay berde ang balat nito.

Talagang pambihirang bagay ito dahil sa panahong ito ay napakahina ng babaeng Aquatic Flying Snake. They are venomous snake kung kaya't natitiyak niyang hindi pa masyadong immune ang nasabing anak nitong kauri nila sa makamandag na katubigan o lugar sa ilalim kung kaya't sa ibabaw ng tubig ang mga itong namumugad o nangingitlog ng magiging anak nito.

...