Chapter 658

Ramdam ni Wong Ming ang pinsalang naidulot ng makamandag na babaeng Aquatic Flying Snake.

Alam niyang maya-maya lamang ay mapapaslang na ang lalaking disipulo ng North Courtyard. Hindi kasi maaaring balewalain ang lasong tila pumapasok sa sistema ng ekspertong iyon dahil unti-unting kokontaminahin nito ang buong katawan nito.

Ngunit tila hindi nagpaawat ang disipulong iyon at naghintay ng ginamit ang natitira nitong panahon upang paslangin ang nasabing mag-asawang magical beasts na ito.

Skill: Sword Shadows!

Kitang-kita ni Wong Ming kung psanong lumitaw ang kakaibang mga espadang anino ang nakita niyang namuo sa ere matapos magsagawa ito ng kakaibang skill ang nasabing taga-North Courtyard.

BANG! BANG! BANG!

Tila sumabog naman ang katubigan at tila may bagay na humahati rito.

Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong napinsala naman ang dalawang Aquatic Flying Snake na humihiyaw ang mga ito dulot ng mga hindi nila maipaliwanag na dahilan.

Naisip ni Wong Ming na talaga nga namang malaakas ang pambihirang skill na na-cast ng nasabing nakaabong robang disipulo.

Ngunit hindi naman nagpatinag ang lalaking aquatic flying snake dahil kitang-kita ni Wong Ming na bigla na lamang lumitaw ang buntot ng nasabing halimaw sa ibabaw ng katubigan ng lawa at tumusok ito sa mismong pangangatawan ng North Courtyard Disciple.

Walang maisip na paraan si Wong Ming upang maiwasan iyong atake na iyon. Hindi naging alerto ang nasabing North Courtyard Disciple at nagawa nitong mapinsala ng malala ang sariling katawan sa atakeng idinulot ng lalaking Aquatic Flying Snake.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumulo ang masaganang dugo sa mismong tiyan ng North Courtyard Disciple matapos itong pagpagin at mahiwalay sa mismong buntot ng halimaw.

Tuluyan na rin itong nawala na parang bula na siyang inaasahan ni Wong Ming.

Alam na napakaagresibo ng mga magical Beasts rito ngunit napakalakas rin at tuso kung maihahambing ang mga ito.

Tunay ngang wala siyang dahilan upang hindi seryosuhin ang pakikipagsapalaran niya sa lugar na ito. Dagdag kaalaman at karanasan rin ito na hindi porket kompetisyon lamang ito ay kailangan niya ng balewalain lamang ito o hindi bigyang-pansin.

Hindi pa man lumulubog ang katawan ng mag-asawang Aquatic Flying Snakes ay inatake naman ito ng isang nagbabagang mga palaso.

Hindi aakalain ni Wong Ming na isang Fire type ang nakasuot ng kulay dilaw na nangangahulugan lamang na isa itong dispulong nabibilang sa East Courtyard.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagbago ang panang hawak ng East Courtyard Disciple at kitang-kita kung paano kabilis itong magpaulan ng mga palaso.

Kitang-kita naman ni Wong Ming kung paanong tila umaapoy ang kabuuan ng dambuhalang pugad at tila higly flammable din ang katubigan dahil sa napakaraming properties ng toxins sa mga tubig.

Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang nanggagalaiting atungal ng mga halimaw. Bakas ang matinding galit sa uri ng tunog na pinapakawalan ng mga ito.

Hindi inaasahan iyon ni Wong Ming. Ang alam niya lamang ay masyadong epektibo ang ginawang ito ng East Courtyard Disciple.

Ngunit isang kakaibang pangyayari ang nakita ni Wong Ming.

Ang tila papasugod at lumulutang na East Courtyard Disciple ay pinuluputan ng isang kakaibang baging sa kailaliman ng tubig at hinila siya nito pailalim.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano iyon ngunit batid niyang malakas na nilalang iyon kung magkaganon.

Sino'ng mag-aakalang ang ganitong klaseng kaganapan ay ginawa ni Wong Ming na daan upang makuha ang gusto niyang makuha.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang pamilyar na talisman.

Agad na nasunog ito sa kamay ni Wong Ming at biglang nakaramdam si Wong Ming ng pamilyar na sensasyon.

Gamit ang shadow steps ay agad na narating ni Wong Ming ang nasabing pugad ng mag-asawang Aquatic Flying Snake.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong lumitaw na naman ang dambuhalang mga baging na kanina niya lamang nakita na siyang Kumain sa East Courtyard Disciple ngunit mukhang madadale na naman siya nito.

Nag-cast ng pambihirang skill si Wong Ming dahil kung hindi ay katapusan na niya ito.

Skill: Ice Demon Shards!

Kitang-kita ni Wong Ming kung gaano katalas at kalawan ang Ice Demon Shards na ito.

Ang mga kakaibang baging ay tila naging yelo at tila binabalutan pa ito habang tumatagal.

Walang sinayang si Wong Ming kahit segundo ay nagawa nitong nakawin ang nasabing dambuhalang itlog gamit ang interspatial ring nito.

Kitang-kita niya kung paanong nawasak ang mga yelo pero bago pa mangyari iyon ay nakadistansya na siya.

Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk! Shrriiiieeekkkkk!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong umatungal muli ang dalawang mag-asawang Aquatic Flying Snake at nagwawala ang mga ito dahil agad na napansin nito ang biglang pagkawala ng malaking itlog sa nasabing pugad nito.

Idagdag pang lumitaw ang dambuhalang mga baging na nanggalaiting sa ilalim ng lawa.

Lumipad ang dalawang naglalakihang mga Aquatic Flying Snakes nang makaramdam ang mga ito ng malakas na pag-vibrate ng katubigan sa buong lawa.

Pansin ni Wong Ming na mukhang nakaramdam ng panganib ang mag-asawang Aquatic Flying Snakes na siyang kaagad na nakuha ni Wong Ming.

Ramdam ni Wong Ming na kahit siya ay naramdaman din ng kung anumang nilalang na ito sa gitna ng malawak na lawang ito.

Isa lang ang alam ni Wong Ming. Mataas ang senses ng halimaw na ito at mukhang malakas din ang nasabing lebel nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na tila lumayo ng agaran ang nasabing mag-asawang Aquatic Flying Snakes ngunit kaagad na sunundan ito ng napakaraming mga baging.

Nagtataka si Wong Ming sa nangyayaring ito. Bago pa man maabot ng mga baging ang katawan ng dambuhalang mga Aquatic Flying Snakes ay binato niya ng naparaming ice shards ito.

Nagbago na kasi ang kamay ni Wong Ming at naging parang kamay ito ng demonyo.

Nakuha na ni Wong Ming ang pakay niya at hindi maaaring mapaslang lamang ang mga nilalang na iyon.

Alam niyang hindi siya pakialamero ngunit matagumpay naman niyang nakuha ang kaniyang sariling nais.

Alam niya ang pakiramdam ng katalsikan at sigurado siyang hindi alam ng Aquatic Flying Snakes ang pag-exist ng nilalang na iyon sa kailaliman ng lawang ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay nahatak pailalim ng mga naglalakihang mga baging ang katawan ng itim na Aquatic Flying Snakes.

HOOOOPPP!

Rinig pa ni Wong Ming ang marahas ngunit napakabilis na paghila ng mga baging sa nagpupumiglas na lalaking Aquatic Flying Snake ngunit hindi nito magawang makawala.

Maging si Wong Ming ay nagulat rin ngunit wala na siyang nagawa upang iligtas pa ito sa kung anumang klaseng nilalang na nagdulot nito.

Pagkatingala naman ni Wong Ming ay kitang-kita niya ang nanghihinang berdeng katawan ng babaeng Aquatic Flying Snake ngunit tila dumating ang panganib rito.

Kitang-kita ni Wong Ming ang naglalakihang mga tila kuko ng kung anumang nilalang sa ere at dinagit ang nasabing babaeng Aquatic Flying Snake at tinangay ito patungo sa makapal na kaulapan.

Kitang-kita niya pa ang tila mga maglalakihang mga likidong bumabagsak sa kalupaan sa hindi kalayuan kung saan dinagit ang nasabing babaeng halimaw.

Doon napatunayan ni Wong Ming na hindi rin pala ligtas ang himpapawid.