Chapter 718

Halos tatlong oras na ang nakalilipas nang makipagsagupaan si Wong Ming at ang kakaibang nilalang na nasa anyong demonyo ito.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog ang naganap nang iwinasiwas ng kalaban ni Wong Ming ang napakahabang espada nito patungo sa kaniya.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na ang nasabing nilalang na kalaban niya ay kayang gumawa ng sariling armas nito.

Hindi lamang ang husay sa abilidad ng pagkopya ng wangis ang kalaban nito kundi kaya rin nitong gumawa ng sandata mula sa katawan nito.

Ramdam ni Wong Ming na ang kalaban niya ay hindi isang ilusyon kundi ay masasabi niyang kasinglakas ng tunay na lebel ng cultivation niya.

"Hehehe... iyan lamang ba ang kaya mo binata?! Isa kang mahina kagaya ng mga kalahi mo!" Mapanghamak na wika ng kakaibang itim na demonyong ito.

Pakiramdam niya ay totoong nilalang ito ngunit alam ni Wong Ming na napakalakas nito.

This is certain a starting test.

Hindi lubos maisip ni Wong Ming kung ano'ng klaseng panganib pa ang naghihintay sa kaniya sa loob ng malaking pintuang ilang metro lamang ang layo mula sa kaniya.

Imbes na magalit si Wong Ming ay napangiti na lamang siya ng malaki.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo binata?! Hindi mo ba nakikita ang masaklap na kapalarang naghihintay sa iyo?!" Pangmamaliit ng nasabing nilalang habang makikitang nakaramdam ito ng kakaiba sa binata.

Hinubad ni Wong Ming ng madalian ang concealment ring niya at sa isang iglap ay nagbago ang lebel ng cultivation nito.

Tumataas ng tumataas ang enerhiyang nakapalibot sa buong katawan nito.

Bago pa magsalitang muli ang nasabing demonyong nilalang ay kitang-kita kung paanong hinawakan ni Wong Ming ang buong pagmumukha nito.

Isang malakas na atake gamit ang tuhod ni Wong Ming sa mismong tiyan ng kalaban niya.

URRRKKK!

Napaigik sa sakit at nanlalaki ang mga mata ng mismong demonyo kasabay nito ang pagsipa ni Wong Ming sa leeg ng kalaban nito.

CRACK! CRACK! CRACK!

Kitang-kita ang pagbali ng mismong leeg ng kalaban ni Wong Ming.

Napangiti si Wong Ming sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya aakalaing sa wakas ay natalo niya ang nilalang na ito gamit ang sarili niyang lakas.

Ngunit iba ang nangyari kumpara sa inaasahan ni Wong Ming.

Napabangon ang nasabing halimaw na demonyo at kasabay nito ay biglang paghinga ng malalim ng kalaban nito.

Naging normal ulit ang katawan nito at mistulang naisaayos ang nabaling leeg nito.

Halos hindi makapaniwala si Wong Ming sa kasalukuyang nagaganap.

Ramdam niyang mahirap ang ganitong klaseng kalaban.

Kung hindi niya gagalingan at magapi ang nasabing kalaban niya ay siya mismo ang magdurusa sa huli.

Lumaki bigla ang pangangatawan ng kalaban ni Wong Ming. Hindi lamang iyon dahil mula sa dalawang kamay nito ay lumitaw ang napakahabang patulis na bagay na nakakabit sa patteng likurang palad ng nasabing nilalang.

Hindi natakot si Wong Ming. Bagkus, gagawin niya ang lahat upang mabuhay dahil sa pinili niya ang ganitong klaseng panganib.

WHISSSSHHHHH! WHISSSSHHHHH! WHISSSSHHHHH!

Magkakasunod na pag-atake ang ginawa ng kalaban ni Wong Ming ngunit hindi siya nagpadaig rito.

Biglang umatras si Wong Ming at naging hudyat ito upang magkaroon siya ng maikling pagkakataon upang ilabas ang isang tansong sibat at magsagawa ng martial arts skill.

Core Skill: Deathly Spear!

Biglang umilaw ang mga mata ni Wong Ming. Sa pamamagitan ng natutunan niyang skill na ito ay mabilis niyang inatake ang nasabing kalaban niya.

Sa skill na ito ay kitang-kita niya kung paano'ng bumaon ang nasabing sibat sa dibdib ng kalaban niya.

Walang ano-ano pa ay sumabog ang katawan ng nasabing demonyong nilalang.

Naging alerto pa rin si Wong Ming nang mapansing tila nabubuo muli ang itim na itim na mga likido.

Ngunit napaluwag naman ang kalooban niya nang sa pagkakataong ito ay naging isang malaking hugi susi ito na kulay itim.

Bago pa man ito malaglag sa lupa ay agad na tinawid ni Wong Ming ang distansya niya sa nasabing susi at walang pag-aalinlangang sinalo ito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming. Sa wakas ay makakapasok na siya sa loob ng malaking pintuang hindi niya alam kung saan patutungo.

Giant Pagoda. Ito ang alam ni Wong Ming. Matagal na siyang nag-aaral patungkol sa mga bagay-bagay ngunit ngayon lamang siya makakapasok sa kakaibang uri ng pagodang ito. 

Alam niyang isang pambihirang remnants ito ng isang napakalakas na eksperto.

Sigurado siyang naramdaman din ng mga naunang mga eksperto ang pakiramdam na makapunta sa kakaibang lugar na ito.

Kakaibang pakiramdam. Halos manginig ang kamay ni Wong Ming dahil sa kagalakan na nadarama niya.

Walang inaksayang oras si Wong Ming at agad ma ipinasok ang malaking susi sa pasukan nito.

Dito ay napansin ni Wong Ming na lumiwanag ang mga linyang nakaukit sa malaking pintuan.

Nakita niya ang malaking mga simbolong alam niyang isang pambihirang letrang ginagamit ng mga sinaunang mga lahi ng tao.

Pamilyar kay Wong Ming ang mga nakaukit at malinaw niyang nabasa ang salitang "Totem".

Mula sa susing iyon ay biglang kumapit sa kamay niya ang maliliit na mga likidong itim na gumapang mula sa daliri nito patungo sa palapulsuhan ni Wong Ming.

Dito ay nakaramdam ng tuwa si Wong Ming lalo pa't patunay lamang ito na nagtagumpay siya sa paunang pagsubok.

Pagbukas ni Wong Ming nang pinto ay biglang bumungad ang kakaibang lugar sa kaniya.

Parang nasa loob siya ng pabilog na hugis ng isang malaking room.

Mayroong tatlong naglalakihang pabilog na mga salamin na medyo mataas pa sa kaniya ng tatlong hintuturo.

Pareho-pareho ang katangian ng tatlong naglalakihang salamin at iyon ay dahil sa tila loop na nasa loob nito.

Wala kang makikitang kahit kaunting repleksyon niya bagkus ay purong kadiliman.

Sa tatlong salamin ay makikitang pumwesto si Wong Ming sa naunang salamin na nakita niya.

Dalawang minuto siyang tumingin sa mismong salamin ngunit wala siyang napansing kakaiba rito.

Dumating si Wong Ming sa pangalawang salamin ngunit wala rin siyang napansin.

Agad na siyang tumungo sa kinaroroonan ng pangatlong salamin.

Nanindig ang balahibo ni Wong Ming nang mapansing parang mga mga matang nakamasid sa kaniya sa lugar niya ngayon ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang mapansin.

Ngunit nang lumingon siya sa unang salamin ay nakita niya ang hugis taong nilalang na tila gustong lumabas sa salamin.

Nangilabot si Wong Ming ngunit sa pagkakataong din iyon ay nakita na lamang ni Wong Ming na marahas na hinablot papasok sa loob ng mismong malaking salamin.

Nagpupumiglas si Wong Ming upang hindi siya mahablot ng kung anumang klaseng nilalang na nasa loob ng kakaibang salamin.

Ngunit naramdaman niya ang dalawang naglalakasang mga kamay ay nadagdagan ng isang kamay hanggang sa hindi niya alam kung ilang nilalang na ang nakahawak sa kaniya.

Wala ng nagawa si Wong Ming nang marahas at mabilis siyang naipasok ng kung anong klaseng mga nilalang papasok sa mismong salamin na tinitingnan niya lamang.

...