Chapter 720

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabibilis na paghakbang ang ginawa ni Wong Ming nang mapansing kanina pa siya sinusundan ng isang kakaibang nilalang na kumukubli sa ilalim ng lupa.

Sigurado si Wong Ming na may mga matang nakamasid sa kaniya nula sa kinaroroonan niya.

Naniniwala si Wong Ming na isang uri ng rare magical beast ang gusto siyang paslangin gamit ang natural na abilidad nito.

Hindi malayo na tama si Wong Ming ng hinala lalo na at ramdam ni Wong Ming na masyadong malambot ang lupa na bagay na bagay  upang pagkublian ng isang nilalang.

Nilalang na maaaring kumitil ng buhay niya.

Creak! Creak! Creak!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong biglang lumubo ang kaninang patag na lupa at patungo ang bagay na iyon sa kaniya.

Killing Intent!

Naramdaman ni Wong Ming ang kakaibang suppression ng nasabing nilalang.

Isa lamang ang kahulugan nito at iyon ay dahil isang demon beast race ang nasabing halimaw na gusto siyang gawing hapunan.

Black Iron Centepede!

Nagulat si Wong Ming nang nagpakita ang nasabing halimaw sa kaniya habang nagpakawala ito ng napakaraming metal spikes.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ramdam ni Wong Ming na malakas ang halimaw na ito. Isang Level 4 beast lamang ito ngunit sa tingin niya ay double ang lakas nito na maihahalintulad sa Level 8 na magical beasts!

Biglang nagbago ang kanang kamay ni Wong Ming na katulad na katulad ng kamay ng isang demonyo.

Ice Walls!

Mabilis na lumitaw ang nagkakapalang mga yelo sa harap mismo ni Wong Ming.

Kitang-kita kung paanong mabilis na nabasag ang tipak ng mga yelo nang dumikit ito sa mga nagbibilisang mga metal spikes.

Tama si Wong Ming sa kaniyang hinala.

Posible ang bagay na ito dahil isa sa katangian ng Black Iron Centepede ang kayang pahinahin ang depensa ng sinuman dahil sa bagsik ng lason nito mapa-buhay man o gamit.

Isa pa sa katangian ng halimaw na ito ay ang tindi ng depensa nito.

Hindi aakalain ni Wong Ming na makakaharap niya mismo ang isa sa kinatatakutan ng mga Elemental Demon Race na nilalang.

Kaya nitong pinsalain si Wong Ming gamit ang kaunting lason lamang nito.

Kusa itong papasok sa loob ng katawan ng sinuman at pinsalain ang mismong dantian ng sinumang martial art experts.

Pasalamat si Wong Ming dahil mayroon siyang mumunting aklat patungkol sa Demon World galing sa mismong tumatayong pinuno ng Water Demon Race.

Napakalakas ng halimaw na Black Iron Centepede.

Sigurado siyang hindi magiging madali ang labang ito dahil ang kahinaan ng halimaw na ito ay ang mismong tiyan nito.

Subalit bigo si Wong Ming na mapinsala ang nasabing tiyan nito sapagkat meron na itong kakaibang outer shell patunay na isa itong adult beast.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nagpakita ng totoong kaanyuan ang nasabing halimaw.

Biglang umalpas ang mga mumunting mga galamay nito kasabay ang paglitaw ng mga naghahabaang mga galamay sa mismong mukha ng halimaw.

Nakakatakot ang itsura nito at halatang agresibo ito.

Sigurado si Wong Ming na hindi siya bubuhayin ng halimaw na ito na nasa adult phase na.

Mula sa librong nabasa niya ay sigurado siyang hindi niya gugustuhing kalabanin ang nilalang na ito.

Level 8 beast ito at sa tingin niya ay mawawalan siya ng lakas kung lalabanan niya ito.

Mula sa kalkulasyon niya ay hindi magandang ideya ito.

Napangiti si Wong Ming nang malaman kung paano niya matatakasan ang halimaw na ito.

Gamit ang nasabing fire element na nasa katawan niya dahil sa Evil Fire Crow ay sigurado siyang hindi gugustuhin ng halimaw na ito na makaharap siya.

Bago pa siya atakehin ng halimaw na ito ay inunahan na niya ito gamit ang pagsagawa ng martial arts skill niya.

Fire Skill: Burning Sun!

Mula sa tiyan ni Wong Ming ay lumitaw ang kakaibang liwanag ng nagbabagang apoy. Hanggang sa nabalutan ng apoy ang buong katawan njya.

Hindi mapigilan ni Wong Ming ang lagablab ng apoy na nanunuot sa buong katawan niya.

Tama nga ng hinala si Wong Ming nang mapansin niyang may nakamasid siya kaniyang kakaibang nilalang na nakakubli sa kadiliman.

Hindi matukoy ni Wong Ming kung isang mabuting nilalang ito o  isang uri ng kalaban.

Sigurado siyang malapit na malapit na ito sa kaniya.

Mula sa napakadilim na lugar ay tila natakot ang nasabing halimaw hanggang sa kumubli na itomg muli sa lupa.

Natuwa naman si Wong Ming sa naging resulta ng isinagawa niyang skill.

...

Pagkalipas ng isang linggo...

Maraming nakolektang bagay si Wong Ming na maaaring makatulong sa kaniyang pagpapaunlad sa sariling kakayahan at lebel ng cultivation niya.

Ngunit may problema siya at iyon ay kung paano siya makakalabas sa kakaibang mundong kinaroroonan niya.

Patuloy lamang siya sa kaniyang paglalakbay sa walang kasiguraduhang mundong kinaroroonan niya ngayon.

Mula sa hindi kalayuan ay nakita ni Wong Ming ang isang anino ng isang dambuhalang halimaw sa makapal na kaulapan. 

ERRRRRKKKKKKK!!!!!

Napatakip ng tenga si Wong Ming. Pakiramdam ni Wong Ming ay may koneksyon ito sa kaniya ngunit ano o paano?! 

Gulong-gulo ang isip ni Wong Ming. Ramdam niya ang lakas ng bloodline ng nasabing halimaw na nasa ibabaw ng kaulapan.

Isa lamang ang nasisiguro niya at iyon ay isang demonic beasts ang isang iyon!

...

Sa kabilang banda...

Laking pagtataka ng lahat nang mga nasa Dark Island ang  nasabing kakaibang penomena sa loob ng nasabing isla nila.

Ang malaking portal ay mas lalo pang lumalaki habang dumaragdag ang bilang ng araw.

Ang malaking palaisipan ay patuloy pa rin ang karanasan nila ng normal na pagsikat at paglubog ng araw.

Nakarating na rin mula sa mga taga-labas ang nasabing balita hinggil sa kakaibang pagbabago sa Dark Island.

Nawawala na rin ang balanse ng normal na kalagayan ng Dark Island.

Kung gabi ay nililimitan na ang paglalakbay sa karagatan o ang pagpapalaot. Marami na rin kasi ang nawawalang mga manlalakbay at mga mangingisda sa gabing madilim na nauuwi sa malagim na pagkawala.

Mula sa pinakamataas na palapag ng Dark Oath Guild ay nakatanaw sa malayo ang Dark Oath Guild Master.

Nabasa niya noon ang isang aklat na hindi batid kung gaano na katanda iyon na itinago at personal na pinakainingatan ng pinakaninuno nila. Senyales ito na mayroon pang buhay na disipulong nakatuklas ng nasabing lawak ng kakaibang mundong iyon.

Noon ay may limang nilalang na nakatuklas ng nasabing lugar kung saan buwis buhay ang magiging kahihinatnan ng sinuman.

Ngunit ang gantimpalang makukuha dito ay hindi mapapantayan. Isa sa masuwerteng biniyayaan ay ang mismong Faction Master ng Flaming Sun Faction.

Napuntahan nito ang Lumin Island na isa sa misteryosong lugar mula sa passage ng mundong iyon.

Ngunit ang hindi niya lang malaman ay kung sino-sino pa ang natira roon?

Ang mga disipulong may potensyal na makakuha ng mga malalakas na totem ay nakalabas.

Ang iilan sa mga ordinaryong mga disipulo ay naroroon pa sa loob.

Dalawa lamang ang kahihinatnan nila at iyon ay pagtanggap ng totem inheritance o magiging pataba sila ng lupang magsisilbing libingan nila.

Kitang-kita na dumilim bigla ang pagmumukha ng Guild Master ng Dark Oath Guild.

Isang malaking sasakyang pandagat ang natanaw niya sa malayo.

Sa rutang pinaglalakbayan nito ay patungo ito sa kanilang direksyon.

Masamang senyales ito. Hindi aakalain ng Guild Master na mauuwi ang nasabing sitwasyong ito sa mas malalang kaganapan pa sa hinaharap.