Chapter 48

"Mang Estong, kumusta na po kayo rito ni McKenzie sa talyer?" bati ni Kale bago siya pumasok sa Henderson University. Alas-sais palang ng umaga ay nasa talyer na siya pero ang klase niya ay 9:30am pa.

"Ang aga mo naman dito! Sarado pa ang talyer. Magkape ka muna," alok sa kanya nito pero tumanggi siya. "Hindi pa siya pumapasok. Hinintay ko kahapon pero di siya dumating. May inasikaso lang siguro."

Napaisip naman siya dahil hindi rin niya ito nakita sa campus kahapon. Sa katunayan ay tahimik ang araw niya at wala munang mabunganga kahapon.

Tila nanibago siya nang biglang tumahimik ulit ang buhay niya at walang umiistorbo na nakasanayan na niya noon.

Ngayong nabulabog na ni McKenzie ang buhay niya ay ito na ang panibagong pangkaraniwan niya.

"Baka nga busy, Mang Estong. Pwede ko po bang kalikutin yong Lambo doon sa gilid?" parang batang tanong niya.

"Kahit baklasin mo pa! Mag-iingat ka lang dahil akin yan. Bayaran mo ako ng buo kapag may nasira ka!" sabay tawa nang malakas nito. Iniabot na nito sa kanya ang susi.

"Bahala ka diyan Mang Estong. Ginusto mo 'to eh."

"Subukan mo ako at baka sabihin ko kay McKenzie kung sino ka talaga," pagbabanta ni Mang Estong kaya mabilis at pabagsak na isinara niya ang Lambo.

"Tell her at parehas masisira ang buhay ninyo," ganti niya agad dito. Naramdaman naman ng matanda ang kaseryosahan ni Kale kaya itinawa na lang niya ito.

"Hindi ka talaga mabiro Kale. Wala naman akong sasabihin eh."

"It's your call Mang Estong. Hindi naman ako ang mawawalan. Papasok na ako," at umalis na siya. Tinawag pa siya nito but she ignored him.

Di pa naman siya papasok dahil wala pa siyang klase at masyado pang maaga kaya naisipan niyang pumunta muna kina Troy.

Sakto namang palabas na ito ng gate nila upang pumasok na.

"Dude! What's up?" sabay fist bump nila at niyakap siya nito nang napakahigpit.

"Hey dude! Tangina, namiss kita gago! Himala't nandito ka? Napano ka?"

"Wala lang. Ang aga ko kasing nagising tapos naisip kong pumunta rito," katwiran niya at napakamot-ulo na lang.

"Oy dude ha. Namimiss mo na ang isang tulad kong ubod ng gwapo! Wala ka bang pasok? May klase pa ako ngayon. Sama ka?"

"Tara," at binigyan siya ng helmet nito at pumasok na sila nang nakamotor.

"Si Yan nga pala nasaan? Matagal ko na rin siyang di nakakausap ah. Mukhang busy ata kayo." Bigla niyang naalala si Arian nang makarating sila sa public university na dati niyang pinapasukan kasama ang dalawang matalik na kaibigan.

"Malay ko sa impaktang yon. Ayon, pangit pa rin na mahilig sa mga gwapong mukha namang paa! Ikaw nga tong busy! Di ka na kaya namin nakakabonding tapos di ka na rin namin nakikita sa bar! Ano bang ginagawa mo sa buhay?" tanong nito habang paakyat sila sa College of Engineering.

"Wala na ako sa bar. Umalis na ako," pagtatapat niya. Wala naman siyang pake kung malaman nito dahil matalik naman silang magkaibigan.

"Tamgina mo! Iniwan mo kami?! Siraulo ka talaga! Ba't ka umalis? Daya mo! Kitakits na lang mamaya dude. May quiz pa kami. Bye!" at pumasok na ito habang siya ay nakatulala na naman at bababa na ulit.

"San kaya ako makapag-apply? Ang boring ng walang ginagawa."

Umalis na siya ng canpus at naghanap ng bagong bar ir cafe na pwedeng applyan.

Saktong may nakita siyang hiring sa Wild Rock Cafe. Napapokerface siya nang makita ang qualifications na nakapaskil sa may pinto nito.

With at least 3 years of experience.

Graduate of any related course.

With pleasing personality.

Di na niya tinapos basahin ang qualifications at pumasok na siya.

Binati niya ang babaeng staff at nagtanong tungkol sa hiring.

"College graduate ang hanap namin. Kung elementary ka lang, lumayas ka na," masungit na sagot nito sa kanya at nagpunas na ito ng mesa.

"Malugi sana to,"hirit niya at mabilis na umalis. Tatawa-tawa siyang tumakbo at baka habulin siya nang masungit na babae.

Isang cafe naman ang namataan niya. Mukha itong drug den dahil sa itsura nito na parang abandonado na at ang pintura ay parang kupas na at marumi.

Pagkatok palang niya ay parang bibigay na ang pinto.

Eazy Cafe

"Good morning sir! What's your order?" masiglang bati ng babaeng kulot sa kanya. Maaliwalas ang mukha ng babae di tulad nong una niyang pinuntahan.

Naamaze siya sa itsura sa loob dahil para rin itong The Midnight Haven at spacious ang shop.

"Hiring po ba kayo?" diretsang tanong niya habang sinusuri ang kabuuan ng cafe.

"Opo. Naghahanap po kami ng highly-skilled na bartender. 6pm onwards po ang shift at competitive din po ang salary."

Nagpasa siya ng resume. Lagi siyang may dala nito lalo na't nitong mga nakaraang araw ay naghahanap na siya ng panibagong mapapasukan.

"Dati kang bartender sa The Midnight Haven?" gulat na gulat na sabi nito at unti-unting sumilay ang napakatamis nitong ngiti.

"Oo."

"Wait a minute. I'll be right back."

"Sana matanggap dito. Di naman kalayuan sa The Midnight Haven," aniya sa hangin habang naghihintay.

"Kailan ka pwedeng magstart?"

"Tanggap na ba ako?"

"You're hired, Mr. Kale-

"Babae po ako. Hindi lalaki."

"Ah sorry sorry! Pwede ka nang magsimula bukas, Kale. Buti na lang...Ikaw na ang matagal naming hinahanap na bartender. Qualified ka sa lahat," puri nito sa kanya at nagpasalamat na siya.

"Sa wakas, may trabaho na ulit ako."

Dahil mamaya pa ang klase niya ay naisipan niya munang umuwi at matulog ulit.

Kalagitnaan ng tulog niya ay tumunog si Shadow. May tumatawag.

"Ash?" sagot niya na medyo nakapikit pa.

"Sunduin mo ako sa airport ngayon na. May klase ka ba? Ipapaexcuse na lang kita. Bilisan mo."

Bumangon na siya at pumunta kay Mang Estong.

"Mang Estong, pahiram po ng sasakyan."

"Nandito ka na naman? Sige pili ka na lang diyan."

Napili niya ang isang black BMW at ibinigay na sa kanya ang susi.

Binilisan na niya ang takbo dahil ayaw niyang pinaghihintay si Ashley. Ayaw din kasi nitong naghihintay.

"Ash!" tawag niya rito at sinalubong ito nang mahigpit na yakap. "San ka galing?"

Sumimangot naman ito at hinarap siya. "Hindi mo ba alam or kinalimutan mo?"

"Ah eh...Hindi ko alam. Kung saan-saan ka pumupunta diba?"

"Tsk. Bahala ka diyan. Wala kang pasalubong sakin," at nauna na itong sumakay sa BMW.

Isinakay na rin niya ang mga bagahe nito na napakarami. Tatlong maleta na malalaki at may mga bags pa saka shopping bags na puro Calvin Klein.

"Ihatid mo na ako sa bahay," utos nito sa kanya habang nakahalukipkip. Passenger princess na passenger princess ang peg.

"Ha? Sa bahay mo? Eh 2 hours ang biyahe non tapos may pasok pa ako," nag-aalangan niyang sagot pero wala lang ito sa kasama niya.

"You got a problem? Nagrereklamo ka?" masungit pang sabi nito kaya nananahimik na siya na parang batang pinagalitan.

"Naalala ko na. Umuwi ka ba sa Germany? Ba't ang dami mong dalang Calvin Klein? Kaya ka ba umuwi para lang mamili niyan? Papapasukin ba ako sa Volterra Residences kung ihahatid kita doon? Baka hanggang gate lang at maglalakad ka na papasok."

"You're really getting into my nerves, L. First of all, napakastupid mo talaga." Biglang niyang naalala si McKenzie dahil ito lang naman ang tumatawag sa kanya ng stupid. "I bought those Calvin Klein for you. Second, buti naman at naalala mo na sa Germany ako galing and lastly, use your brain. Di ka naman purong pinoy at kasama mo ako kaya makakapasok ka sa Volterra Residences at hahayaan mo akong maglakad do'n? Kung kaladkarin kita diyan," mataray pang sabi nito at tila nauubusan ng pasensya na mag-explain sa kanya.

"Sorry po ha? Di ko po kasi alam yong mga gawaing-mayaman. Namili ka pa ng ganyan eh kaya ko namang bumili ng ganyan dito. Ang dami mo pa tuloy dala. May klase pa ako ngayon, baka di ko na abutan. Ang dami ko ng absent, Ash," nangangamba niyang sabi rito.

"Fine, wag na sa bahay. Doon na lang sa apartment mo ako tutuloy." Aalma pa sana siya nang pandilatan siya nito ng mata.

Dumiretso na sila sa apartment niya.

"Ash, ikaw ng bahala rito ha? Uuwi na lang ako mamayang lunch para sabay na tayo. Okay lang ba sayo o gusto mong mag-isa-

"Gusto ko syempre! Sana lunch na." Natatawa siya sa kalokohan nito. Bago siya pumasok ay ginawaran muna siya nito ng halik sa pisngi. "Bye babe!"

As usual na pagpasok niya ay naglelecture na ang professor niya at late na naman siya.

Pinasagot siya agad sa whiteboard pero hindi niya masagutan. Nalilito siya kung paano niya isosolve kahit alam niya yong concept. Pinaupo agad siya nito.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi na nga makasagot, hindi pa pumapasok. Di ba Ms. Oliveros? Naturingan pa man ding ikinocontest pero ngayon hindi na makasagot. Anyare? Ano, singko na ba kita ngayon?" pamamahiya at pang-aasar nito. May ilan siyang kaklase na nakatingin sa kanya at lihim siyang tinatawanan.

"Go lang po sir. Isingko niyo na po ako basta uno kayo sa evaluation," ganti niya kaya lalong nagalit ang prof.

"Next meeting, quiz kayong lahat maliban sayo, Oliveros! Walang sinuman ang magbibigay sa inyo ng notes, maliwanag?! Class dismissed!" at malakas na kumalabog ang pinto ng room nila.

Ang sasama ng tingin sa kanya ng mga kaklase niya dahil Calculus 1 nila yon na sobrang hirap at bawal bumagsak.

"Tangina mo. Kung di ka na lang sana sumagot edi sana walang quiz! Bwisit talaga," paninisi sa kanya ng mga kaklase niya lalo na yong kaklase niyang lalaki na mayabang.

"Edi magreview kang bobo ka. Gusto mo laging walang quiz palibhasa wala kang nasasagot. Kung magreview ka na lang, hindi yong puro reklamo at putak ka."

Akmang susugurin na siya nito nang mabilis itong naawat ng ibang kaklase.

"Gago kang tomboy ka! Akala mo nakasagot ka kanina. Sobrang yabang mo! Tomboy!" galit na galit na sigaw nito sa kanya at dinuro-duro pa siya.

"Bakit may problema ka kung tomboy ako ha? Kesa naman lalaki nga, simpleng derivative ng constant, di mo pa alam! Sobrang bobo mo naman! Baka may laman pa yang itlog mo kesa sa ulo mo! Lalaki na nga na bobo, saksakan pa ng kapangitan!"

Nanlalaban at nagpupumiglas na ang lalaking kaaway niya habang siya ay pangisi-ngisi lang sa kanyang upuan.

"Anong kaguluhan to?! In my office now!" pukaw ni Dean Morgan sa kanila at umalis din agad ito.

Saka pa nahimasmasan ang kaklase niya. Medyo nabawasan ang tension sa kanilang room nang makita si Dean Morgan.

"Sinong nagsumbong? Mga pakshet kayo," ngasngas pa ng lalaki ngunit nakayuko lang ang buong klase.

"Punta na raw kayo. Galit na si dean. Kanina pa kayo hinihintay. Jacinto, Kale," wika ng class president nila.

"Puchang pangalan yan. Singpangit ng may-ari," pang-aasar pa niya bago siya lumabas upang sumunod sa class president.

Pagdating nila sa dean's office ay parang tutang maamo ang kaklase niyang mayabang habang siya ay chill lang.

"Anong nangyari? Ganyan na ba ang itinuturo sa Calculus ngayon? Ang makipag-away? What's the meaning of this-

"Siya po ang nauna sir!" turo agad ni Jacinto sa kanya. Lalong uminit ang ulo ni Dean Morgan.

"With all due respect, ayoko ng bastos. You're suspended for a day. Community service sa loob ng campus for 1 week. You may go now. Ms. Oliveros, you stay. Mag-uusap tayo. Ikaw din, bumalik ka na sa klase mo. Thanks for informing me," aniya sa class president at umalis na rin ito.

Tinapat siya ni Dean Morgan.

"Bihira ka na nga lang pumasok, mapapaaway ka pa, Ms. Oliveros tapos sa ganitong dahilan pa tayo magkikita. Parehas na parehas talaga kayo ng anak ni Ralph. Mga takaw sa away at gulo. Just a friendly tip Kale. Kung alam mong bobo ang isang tao, wag mo nang sabihin. Alam na rin niya yon, ayaw lang niyang sabihin mo kasi maiinsulto siya gaya ni Jacinto. Sinabi na sakin lahat ng class president niyo ang buong detalye ng nangyari kaya siya na lang ang pinarusahan ko. Walang lugar sa College of Engineering ang mga taong balasubas at bastos ang pag-uugali. Pinapabigay pala ng anak ko sayo," at inilahad nito sa harap niya ang isang maliit na white envelope.

"Sige po dean. Maraming salamat po." Umalis na siya dala ang small white envelope.

Binuksan niya agad ang puting envelope.

Napapokerface siya nang makita ang nilalaman nito.

Picture lang ni Natalie na nakaflying kiss sa kanya kung titingnan niya ito.

To my wifey,

"Nic my love, I hope this pretty photo of mine will find you well. Gusto ko lang sabihin na gaganda akong lalo kung magiging akin ka. Crush na crush kita, my Nic bebe loves ko.

Your future wife,

Natalie Maganda Morgan

"Kadiri," halos kilabutan niyang sabi sa sarili. "Napakasamang pangitain," natatawa niya pang sabi saka inilagay sa bag ang puting sobre matapos basahin ang letter sa likod ng picture.

Next class niya ay nag-aral na siyang mabuti at nakikinig sa professor.

"Quiz tayo next meeting, 100 items. Mag-aral kayong mabuti. Tingnan niyo mga scores niyo, puro bagsak. Out of 100, 50 lang ang highest. Tandaan niyo, fundamentals of engineering mathematics palang 'to. Wala pa kayo sa theory. Wala pa kayo sa kalingkingan ng engineering. Kung ayaw niyong mag-aral, magshift na kayo saka yong patamad-tamad pumasok diyan at kung kailan lang gustong pumasok, singko na agad. Sa attendance na nga lang kayo papasa bahala kayo. Basta see you next sem pwede naman," sabay ngiti ng prof nilang lalaki na si Mr. Hassan na isang gym rat. Pitis lagi ang suot nitong shirt dahil sa laki ng biceps nito.

Paglabas ni Mr. Hassan ay saka nagsipagreklamo ang mga kaklase niya na puro quiz na lang.

Dahil tapos na ang klase ay umuwi na muna siya. Wala pa ring McKenzie na nagpapakita sa kanya.

"Nasaan kaya ang babaeng yon?" aniya sa sarili.

Mabilis siyang nagtago nang masasalubong niya ang mga kaibigan nito sa cafeteria na malakas na nagtatawanan.

Namili lang siya ng pagkain nila ni Ashley at umuwi na.

"Ashley? Ash?" paulit-ulit na tawag niya habang kumakatok nang makauwi siya.

Nakailang katok pa muna siya bago siya pinagbuksan. Bumungad sa kanya ang napakaseksing si Ashley na nakashorts lang at black na bra. May hawak pa itong spatula.

"Ash, magdamit ka nga. Paano kapag may ibang tao? Makikita kang nakaganyan. Di mo alam ang takbo ng isip ng mga tao ngayon. Marami ka namang biniling mga Calvin Klein."

"Aww. Are you concerned? Kinikilig naman ako," sabay yakap sa kanya at napasubsob siya sa malusog at malambot nitong hinaharap.

Nakaramdam siya ng hiya kaya nagpupumiglas siya makaalis.

"Ash, kain na tayo!" saklolo niya dahil pinanggigigilan na siya nito.

"Sobrang cute mo talaga babe! Let's eat na! Nagluto ako ng favorite mo!" masayang sabi nito at hinila na siya nito sa kusina.

"Namili rin ako ng paborito mo," saad niya habang sinasalat ang sarili dahil biglang uminit ang pakiramdam niya.

"What happened? Nilalagnat ka ba?" concerned agad na tanong ni Ashley sa kanya at akmang sasalatin na siya nang umiwas agad siya.

"Okay lang ako. Sadyang mainit lang talaga ang panahon dito sa Pilipinas," palusot niya kahit na ang totoo ay hindi siya makatagal sa mga babaeng nakapanty at bra lang.

"I told you di ba? Kaya nga nakaganito lang ako coz you don't have an aircon here and sobrang init talaga. Ba't kasi ayaw mo pang bumalik sa Germany? Mas maganda doon parang ako."

"Anong gagawin ko don?" bored niyang sabi habang sumusubo ng pork adobo.

"Doon na maninirahan at magsasama na tayong dalawa. We'll start a new beginning there. May bahay na rin naman ako don at mas maraming opportunities unlike here," katwiran nito habang nilalaro ang kanin.

"Ha-ha Ashley ha-ha. Nakakatawa. Ha-ha. Ayoko. Dito lang ako sa Pilipinas. Sa'yo na yang Germany mo," bitter na sabi niya at kumain na lang pero sige pa rin si Ashley.

"I'm serious, L. Your life was there. Your friends are there-

"Shut up! I didn't have a life there! Ang buhay ko ay nandito sa Pilipinas! My friends are here. Sina Arian at Troy, nandito sila. Silang dalawa lang ang itinuturing kong mga kaibigan. Wala ng iba. Kaya kung anuman yang iniisip mo, 'wag mo ng ituloy dahil wala na akong pake. Let's move forward," cold niyang sagot at nagpipigil dahil napuno siya sa mga sinabi ni Ashley.

Nanahimik na rin si Ashley at hinayaan siyang kumalma.

"Is Mang Estong busy? Sa kanya na lang ako magpapahatid sa Volterra Residences."

"Ako na Ash-

"It's okay. May klase ka pa diba? Para di ka na rin maistorbo. Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin. Just close the door when you leave," sabi nito na hindi tumitingin sa kanya.

"Sama ako," naguiguilty niyang sabi rito na ipinagtataka ni Ashley.

"Saan?"

"Sa Volterra Residences."

"Huh? What are you gonna do there?"

"Sasamahan kang mag-ayos do'n ng mga gamit at mga pinamili mo," nahihiyang sabi niya.

"Are you sure? Okay ka lang ba? I can manage naman and kasama ko naman si Mang Estong," at nagligpit na si Ashley.

"I insist. Ako na ang maghahatid sa'yo and I'm sorry for the way I acted kanina," sincere na sabi niya rito at lumambot naman ang expression ni Ashley.

"It's okay. I understand and let's forget about it na. Be ready and we're going to leave na. Tapusin ko lang 'to."

She waited for Ashley habang inaayos na rin niya ang ibang gamit nito.

"Get the Calvin Kleins. Para sa'yo yang mga yan and I bought 4 pairs of shoes for you. Two pairs for your basketball and the other two for casual."

Napangiti naman siya. "You're always sweet and thoughtful as ever, Ash. Maraming salamat dito ha?" at niyakap niya ito.

"No worries, babe. Para sa'yo, I'll do everything," masuyong sabi naman nito at niyakap din siya nang mahigpit. "Let's go."

Pagdating nila ng Volterra Residences ay hinarang agad sila ng tatlong guard sa entrance. Chineck agad ng mga ito ang kanilang identities at medyo natagalan sa kanya dahil hindi siya registered doon.

Napakahigpit ng security sa Volterra Residences dahil tatlong beses silang dumaan sa intensive checking habang sinusundan ng isang security vehicle.

"Ang dami namang surveillance dito at super higpit naman ng security nila but I salute their high-tech security checking. Ano bang meron dito bakit ganon katindi ang pagchecheck nila?" curious na tanong niya rito.

"Volterra Residences is a very exclusive and ultra high-end subdivision here in the Philippines. This is for the elite only. Celebrities and business magnates are some of the people that can only buy a property here. Halos lahat nang nakatira rito ay foreigner or half-half. Sobrang safe and peaceful dito and you can do whatever you want. If you're a pureblooded Filipino, the minimum requirement must be you're at least a billionaire and it takes a year to get approved with your application. They do multiple background checking para sure talaga na legit ka."

Napataas naman siya ng kilay. "Ohh. Who's the owner?"

"We can't disclose but I can only tell you that the owner is a business magnate from Brazil. You can apply naman para malaman mo or if you're interested din."

"Nah. Mag-aaksaya pa ako ng oras at malayo pa."

"We're here na." Nauna na siyang bumaba nang makapasok sila mansion nitong bahay.

"Grabe ka na talaga Ashley. Napakayaman mo talaga," puri niya nang mapansin ang napakalaki at napakaluwag na bahay.

"Wag mo akong bolahin diyan. Maliit pa nga yan kumpara sayo eh."

Naiiling na lang siya sa pagbibiro nito sa kanya.

Pagpasok palang nila sa loob at pag-open nito ng ilaw ay halos malula siya sa laki at ganda ng loob ng bahay. Bawat area ay may naglalakihang chandelier.

"Mag-isa ka lang dito?" usisa niya kay Ashley na naghuhubad na sa harap niya.

Sitting pretty na ito ngayon sa sala habang nakablack lace bra at black panty. Nanguha ito ng red wine sa ilalim ng modern glass table at umiinom na sa kanyang wine glass.

Nanuyo naman ang lalamunan niya sa nakikitang kaanyuan ni Ashley. Ashley smirked at while swirling her wine.

"Come, sit here with me," malanding sabi nito sa kanya habang iminumuwestra ang hintuturo nito.

Agad niyang hinubad ang kanyng itim na hoodie at itinapon sa nakabuyangyang nitong katawan.

"Para kang prosti diyan haha!" at kinuha niya ang wine glass nito saka sumipsip. Hinampas lang siya nito at saglit silang nagkulitan.

"Ash, may tumatawag ata?" pukaw niya rito dahilmay naririnig siyang tumutunog na phone.

Umalis ito sa ibabaw niya at sinagot ang tawag.

"I'm leaving. I'm going to talk with Uncle Augustus. Hintayin mo na lang ako rito." Nag-ayos na ito ng sarili.

"Pwedeng sumama? Wala akong gagawin dito saka mag-isa lang ako. Nakakainip naman kung hihintayin kita."

"May PS5 diyan saka gaming PC. You can play with those. I also have my ipad kung gusto mo magdrawing or what."

"Sama na lang ako para malibot ko tong Volterra Residences, please babe?" Nilandian niya ang pakiusap upang pumayag ito.

"Fine but in one condition. Huwag kang aalis sa tabi ko at dito ka lang sakin." Para naman siyang aso na oo nang oo.

Nakakapit lang siya kay Ashley habang naglalakad sila. Ang mga mansion ay magkakalayo. Silang dalawa lang ang naglalakad.

"We're here. Ang lapit lang di ba?" Napasinghap siya sa mansion na nasa harap niya.

Mas malaki ito kaysa kina Ashley at mataas din ang bakod nito.

Napakamodern style at napakalawak pa.

"Bahay pa ba yan?" sabay nguso niya rito.

"Para kang baliw. Parang babago ka lang makakita ng ganyang kalaking mansion ah!" at hinila na siya nito papasok.

Madali lang silang nakapasok dahil kilala na si Ashley.

"Good afternoon Aunt Kez," magalang na bati ni Ashley saka nagmano sa babaeng nasa edad 40's palang nito. Maputi, maganda at halatang sopistikada. Ang mapulang labi nito na lalong nagpapadagdag sa aura nitong pangmayaman.

"Ang pormal mo naman masyado, Ashley. Tita na lang itawag mo sakin. Napadalaw ka ata? At sino naman ang lalaking kasama mo? Nobyo mo ba?" nanunuksong sabi nito sa kanilang dalawa.

"Ah hindi pa po I mean hindi po siya lalaki. Siya po si Kale, close friend ko. Babae po siya."

Nahihiya naman siyang tumingin kay Aunt Kez.

"I'm sorry dear. Najudge agad ata kita. Anyway, kumain na ba kayo? I'll ask the maids to prepare you some food. I don't wanna hear na busog pa kayo. Kakain kayo."

Habang ipinaghahain sila ng steak ng mga kasambahay ay masayang nagkukwentuhan si Aunt Kez at Ashley habang siya nama'y nakikinig lang sa dalawa at inoobserbahan ang kabuuan ng mansion.

"Hija, napakatahimik mo naman ata? Hindi ba napapanis ang laway mo diyan? Kumain ka lang at makipagkwentuhan samin. Hindi naman ako nangangain or nanlalapa. Mabait ako di ba Ashley? Alam mo naman ako, tuwang-tuwa ako kapag may bagong bisitang pumupunta rito sa munting bahay namin. Ano pala ang pangalan mo?" nakangiti at malumanay na tanong ni Aunt Kez sa kanya habang ito ay nagtsatsaa.

Nahihiya pa rin siya kahit na nababaitan siya sa babae. "Ako po si Kale Nixon," tipid niyang sagot. Sa isip niya ay may kahawig ang babae pero hindi niya maalala kung sino.

"Wow, sounds familiar ang name mo ha. In fairness, parang narinig ko na yan sa asawa ko. What's your surname?" natutuwang tanong nito sa kanya.

"Oliveros po."

"I knew it! So ikaw nga yong bukambibig ng asawa ko nong mga panahong stress na stress siya sa anak namin. Ikaw yong binully di ba? Nga pala, pa-wait na lang si Tito Rafa mo ha. May inasikaso pa kasi sila ng pinsan mo. Maiwan ko na muna kayo. Flight ko na rin kasi pabalik ng France," at nakipagbeso ito sa kanila saka ito umalis.

"Sobrang bait ni Tita Kez no? Nakakainggit nga eh. Pa-travel travel na lang siya abroad. Isama na rin sana niya yong anak niyang masamang damo tapos iwan na niya kung saan nang hindi naghahasik ng kasamaan dito," sabay tawa ni Ashley.

"Dad kasi! Give me back my cars lalo na yong orange McLaren ko! I regretted everything naman ng ginawa ko and I changed na! Daddy please?" pagmamakaawa ng isang napakapamilyar na boses sa kanya. Ang napakaarteng boses na sanay at namimiss niyang narinig sa mga nakalipas na araw.

"No, hija. Bahala ka diyan kahit maglulupasay ka diyan hindi na babalik yon. Kung hindi ka sana nambully sa tanda mong-Ashley! Nandito ka na palang bata ka! Kale?! How are you?" at dali-dali silang nilapitan ni Mr. Henderson sabay yakap sa kanila.

Shocked na shocked si McKenzie nang makita siya. Nakasuot ito ng napakaikling skirt at nakablouse lang na hapit na hapit pa. Haggard ang itsura nito at pawisan pa. Hindi pa naliligo. Nagmamadali itong umakyat sa grand staircase.

"Kale, pwedeng maiwan ka muna namin? May pag-uusapan lang kami. Ikukuha ka na lang ng pagkain nf mga katulong. Suit yourself," at marahan siyang tinapik sa balikat sabay alis ng dalawa.

"Steak pa po ma'am?" tanong sa kanya ng katulong pero umiling siya.

Lahat ng ialok nitong pagkain ay tinanggihan niya hanggang bigyan siya nito ng leche flan.

Natakam naman siya dahil isa ito sa mga paborito niyang dessert sa Pinas.

Nilakihan niya ang pagkuha at pagkasubo'y halos ngumiwi siya dahil matabang at parang kumakain lang siya ng itlog.

Masuka-suka at maluha-luha niyang nilunok iyon.

"H-Hindi po ba panis tong leche flan?" tanong niya sa maid. Steak na lang pala sana.

"Kagagawa lang po niyan kaninang umaga. Bago po yan at hindi panis," sabay ngiti nito.

"What are you doing here?" mataray na tanong ni McKenzie habang pababa sa grand staircase. Nakahalukipkip din ito habang palapit sa sala kung saan naroroon siya.

Bagong ligo na ito at nakapag-ayos na rin. Nakalugay ang mahabang buhok. Nakawhite tshirt ito saka black jogging pants at nakapink slides slippers.

"H-Hello Knight. Upo ka," nauutal niyang alok habang umusog pakaliwa ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Yaya, umalis ka na nga. May pag-uusapan kami." Tumalima na agad ang maid at naiwan silang dalawa. "Ba't ka nandito? San ako uupo?"

"San mo ba gusto?" nakangising tanong niya.

"Malambot ba diyan?" sabay nguso nito sa kandungan niya.

"Hindi mo malalaman kung nakatayo ka lang diyan," panghahamon niya ngunit di rin nagpapatalo ang huli.

"Malandi ka talaga. Don't me. Lesbi ka talaga," pagtataray niya pero nakangiti naman. "Why are you eating my leche flan? Who gave you that? I made it myself!"

Halos idura niya ito nang marinig ang sinabing yon.

"What a duck! I-Ikaw ang nagluto nito? Seryoso ka?" tila nabubulunan niyang sabi.

"Bakit? May problema ka? Oo, ako ang gumawa niyan. Sobrang sarap di ba?" proud na proud nitong sabi saka tumabi sa kanan niya.

"Busog na pala ako. Salamat."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Why are you here? Pano ka napasok dito? Alam ko bawal ang mahihirap dito," basag ni McKenzie sa katahimikan.

"Sumama ako kay Ash. Kauuwi niya kasi galing Germany tapos nagpahatid siya sakin dito."

"Oh?" uninterested na sagot naman nito sa kanya. Busy lang ito sa pagkuha ng steak sa modern glass table. "Ba't pa siya umuwi? Di ka pumasok? Kaya pala may aso na naman siyang kasama. Aspin to be exact," pang-aasar nito.

"Nagseselos ka ba?" hirit niya. Natatawa siya sa itsura nito dahil hindi ito makatingin sa kanya. "Single naman ako."

"Sino ka ba? Ba't naman ako magseselos? Sa daming nagkakandarapa sakin, magseselos ako? Hello, sa sobrang ganda kong 'to, ako ang hinahabol," confident na confident na sabi nito sa kanya with matching flip hair pa.

"Grabe, bumabagyo na rito," naiiling na lang niya na sabi rito.

Bigla niya itong hinila palapit sa kanya. Nanigas sa kinauupuan si McKenzie habang natataranta na naman ang kanyang dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito nang maglapat ang kanilang balat.

"Hija, aalis na sila-

Mabilis niyang itinulak si Kale at lumayo rito.

"S-Sige Dad!" Pulang-pula ang mukha niya sa hiya at muntikan na silang mahuli. Sinamaan niya ng tingin si Kale na patay-malisya rin.

"Mukhang hindi kayo makakauwi Ashley. Biglang lumakas ang ulan. May dala ba kayong payong?"

"Wala po uncle eh. Maybe we can stay here for a while." Umupo na ito sa tabi ni Kale at bwisit na bwisit na lumipat ng upuan si McKenzie.

Muling tinawag ni Mr. Henderson si Ashley at nag-usap na naman sila. Kung ano-ano ang sinasabi ni Mr. Henderson at ipinapakita sa mansion.

"Since my Dad and that bitch is busy, let's watch movie na lang," at hinila na siya paakyat ng grand staircase.

Marahas siyang hinila nito papasok sa room nito at pagkasara ng pinto'y muling marahas siyang isinandal nito sa pinto saka siniil nang mapusok na halik.

"Fuck, I missed you so much, Nixon."

Binuhat niya ito habang hindi pinuputol ang kanilang mainit na halikan.

Patuloy lang sa pag-ungol si McKenzie habang nilalasap ang masarap na halik ni Kale na matagal na niyang ninanais.

Inihiga siya nito sa malambot niyang kasama kasabay nang pagbaba ng mga halik nito sa kanyang leeg.

Napapaliyad na siya sa sarap. "Fuck Nixon shit ang sarap ahh," ungol niya habang sinasabutan na ang buhok nito.

Pinagbaliktad niya agad ang posisyon nila. Umibabaw siya at muling mapusok na hinalikan si Kale. Ungol nilang dalawa ang nangingibabaw sa loob ng kwarto niya.

Ipinasok niya ang kamay sa loob ng shirt nito at hinaplos pataas ang tiyan nito. Naramdaman niyang matigas ito dahil sa abs ay lihim siyang napangiti habang magkadikit pa ang kanilang mga labi. Bumaba ang halik niya papunta sa tiyan nito at itinaas ang tshirt nito gamit ang sariling labi. Napakagat-labi siya nang masaksihan ang maputi at makinis nitong tiyan na may abs.

"You look so hot," usal niya sa tiyan nito saka dinilaan pataas at sinipsip ito na nag-iwan ng pulang marka.

Napasinghap si Kale.

"Shit. Stop."

Lalo pa niyang itinaas ang shirt nito at kita niya ang paggalaw ng tiyan nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang abs nito pataas at bawat haplos niya ay napapaliyad ito dahil sa kiliting dulot niya.

Natutuwa siya sa itsura ni Kale na namumungay na ang mata at namumula na ang mukha nito.

Hinubaran na niya ito nang diretso. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya nang nakablack sports bra na lang ito. First time niyang mamangha sa katawan ng isang babae.

Malakas na pagkatok sa pinto ang nakapagpabalik sa kanya sa realidad.

"Go inside my cr!" nagmamadaling utos niya kay Kale na agad namang tumalima. Agad naman siyang nag-ayos ng mukha at nagpunas ng labi. She tried to maintain her composure as if nothing happened.

"Can't you wait? You're wrecking my door!" bungad niya agad kay Ashley na itinulak agad siya para makapasok.

"Where's-why is her shirt on your bed?" suspicious na tanong nito sa kanya.

"Why do you care? You got a problem with that? Why don't you mind your own business?" mataray ding sagot niya rito.

"Of course I care coz we're already dating."

We're already dating.

We're already dating.

Saglit siyang nahinto sa mga katagang iyon at tila may kirot sa kanyang puso nang marinig iyon pero di siya nagpalahata.

"I believe she's single and she's dating no one."

Napaismid naman ito.

"How sure are you? That's why we're dating coz we are both single and I don't see a problem with it and of course it's my own business. You're acting like a bitch now because you're a homophobic and a spoiled bit-

Natigil ito sa gulat nang dumapo sa mukha nito ang isang malakas na sampal.

"Get out," madiin na sabi niya rito. Di mababakasan ng kahit na anong emosyon si McKenzie.

Malakas na kalabog ng pinto ang namutawi sa kwarto. Ilang saglit lang ay lumabas na rin si Kale na nakasports bra lang.

"You too, leave. I don't want to see you anymore." Natahimik naman si Kale sa sinabi nito at nagmamadali niyang sinuot ang shirt at lumabas na. Nagtaka siya kung ba't nagkaganoon si McKenzie.

Pagbaba niya ay nakangiti agad sa kanya si Ashley at niyaya na siyang umuwi.

"Uncle, uuwi na po kami ni Kale. Maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy samin," magalang na sabi ni Ashley.

"Don't be Ashley, lagi kayong welcome dito sa bahay. Anytime, you can visit here. Pwedeng-pwede mo ring isama si Kale at ikaw Kale, 'wag na 'wag kang mahihiya rito ha?"

"M-Maraming salamat din po Mr. Henderson," nahihiya niyang sabi at hindi makatingin sa Daddy ni McKenzie.

Inihatid na sila nito palabas at mataman namang tiningnan ni Mr. Henderson si Kale. Duda siya sa batang iyon. Nararamdaman niyang may kakaiba rito simula nang makita ito kaya naisip niyang pagsabihan ang anak.