"Tapos na ang maliligayang araw niyo. Ngayon, balik training na ulit tayo dahil ang makakasagupa natin next week ay ang Georgetown Legends, isa sa mga top contenders din sa buong college basketball dito sa Pilipinas. Pangalawa sila at sumusunod sa Bluecrest Rebels. Aware naman kayo kung paano maglaro ang Rebels di ba? Ganon din ang Georgetown Legends but unpredictable sila kaya ngayon palang wag na kayong tumunganga at magtraining na kayo!" Pumalakpak na si coach Ellie at pinamadali na ang mga players niya.
"Si Oliveros, wala na naman?!" Nagsimula na namang mag-init ang ulo ni coach Ellie nang di na naman niya mapansin si Kale.
"Kanina pa po rito coach sa likod niyo. Nakikinig mabuti sa mga aral at turo niyo."
"Talaga ba Oliveros? Kung nakikinig ka pala bakit nandito ka pa?! Training na!"
Sumunod na agad siya bago pa siya mahampas ng kung anumang ihahampas nito sa kanya.
Drills muna ang ginawa nila at ilang saglit lang ay nagfocus na siya sa shooting.
Seryoso si coach Ellie habang pinapanood ang mga players niya ngunit manghang-mangha rin siya sa ipinapakitang 3-point shooting ni Kale. Walang mintis at pulido lahat ng tira. Sinolo nito ang half-court habang kasama nito si Yuri na nagbabalik ng bola sa bawat rack.
"And...beng! Easy," chill na sabi ni Kale habang nakataas pa ang kanang kamay niya nang maishoot niya ang huling bola mula sa corner.
Nagsimula ulit siyang mag-3-point shooting hanggang maikot niya ang buong half court. Inulit niya ito ng ilang beses at nang magsawa ay nagset siya ng timer sa kanyang wristwatch upang ichallenge ang sarili at pressurin ito.
Unang tira niya ay mintis agad kaya sa tuwing nagmimintis siya ay napapailing siya at napapa-tsk sa sarili.
"Shit talaga. Puro bano ng tira ko. Ang hina ko na," wika niya sa sarili.
"Oliveros, break muna tayo. Kanina pa tayo naglalaro. Di ka pa ba pagod? Nagwater break sina captain oh," sabi sa kanya ni Yuri nang mapansin nitong naliligo na siya ng pawis at wala ng pumapasok ni isa sa tira niya.
"Break? Seryoso ka ba? Break is for the weak! Di ako magbebreak hangga't di ko nakukuha ang outcome na gusto kong mangyari. Ang hina ko nang maglaro, bullshit. Alam mo bang ako ang pinakabata at pinakamagaling na 3-point shooter?" pagyayabang niya pa rito na ikinataas ng kilay ni Yuri.
"Hmm, weh ba? Ba't ilang taon ka lang ba no'n? Alam mo pagod ka lang kaya mo nasasabi yan. Di kasi kapani-paniwala na magaling kang 3-point shooter. No'ng una mo lang ako nakuha kasi pasuspense ka lagi pero ngayon I doubt it na," at natatawang naiiling ito. Inaasar siya.
"Noon kasi yon ngayon wala ng galing. I was 15 that time tapos laging champion at MVP pa hay nako. Saan ka pa, di ba Yuri?"
"Gago ka talaga Oliveros. Niyayabangan mo na lang ako sa mga kwento mo. Mga tira mo nga ngayon hindi pangchampion at MVP. Magmula ngayon ikaw na si yabang. Magbreak na lang tayo kesa magpataasan ng ihi rito. Wala akong mapapala!" at kinaladkad na siya nito pabalik ng bench.
"Gatorade," wika ni Jin sabay abot nito sa kanya.
"Ayoko ng purple gusto ko blue."
"Ang yabang na nga choosy pa! Wag mo kayang palitan captain. Pahuli-huli kasi magbreak." Namumuro na sa kanya si Yuri.
"Buti naman at nagbago ka na Oliveros. Mukhang ayaw mo nang makalasap ng mga pingot at hampas ng towel ko ah. Ganyan dapat ang ipinapakita mo sakin hindi puro kagaguhan sa loob ng court gaya ng dati. Nawa'y magtuloy-tuloy yang ginagawa mo para naman di ako magsising kinuha kita para sa team ko," komento sa kanya ni coach Ellie.
"Hala, nakakahiya naman po coach at maliit na bagay," proud niyang sagot dito pero wala itong time makipagbiruan sa kanya.
"Saka mo ako biruin kapag nanalo na tayo sa Georgetown Legends."
Kapag German ka nga naman talaga. Di mabiro.
Pinapwesto na agad siya kasama ang Big Four. Magkakaroon sila ng game laban kina Samantha. Titingnan ni coach Ellie kung nasa kondisyon at maayos pa rin ang laro nila. Gusto niyang masiguro na walang makikitang butas o anumang kahinaan ang kalaban sa oras ng laban nila. Kung anumang kakulangan ng mga players niya ay gusto niyang iimprove ito.
Matapos ang practice nila ay di naman disappointed si coach Ellie pero she wasn't satisfied din dahil nakukulangan pa siya sa laro nila kahit na nandoon ang 3-point scoring machine nila.
"Practice ulit bukas ha Oliveros," wika sa kanya ni Yuri nang paalis na sila ng gym.
"Depende kung di ako pagod at busy."
"Sige mayayari ka na naman kay coach niyan."
Hinayaan na lang niya ito at umalis na siya.
Pagdating niya sa cafeteria ay saktong namimili rin si McKenzie.
"Hello Knight," malambing niyang bati rito pero hindi siya pinansin.
Ginaya niya ang binili nitong nachos pati shake na inumin.
Matapos makuha ang kanyang order ay lumapit siya sa table nito.
"Pwedeng maki-share?" maingat niyang paalam dito pero inirapan lang siya nito nang bongga.
Imbes na sa tapat ay sa tabi nito siya umupo.
"What the fuck lesbi! Ang daming available tables everywhere dito ka pa makikisiksik sakin! You're not allowed here! The Elite Seven lang ang pwedeng umupo rito!"
"Let's eat! Wag ka nang mag-inarte diyan. Dalian mo na."
"I said move away. Hindi ako makakilos nang maayos. You're invading m—
"Panindigan mo ako. I know what you did to my abs," malanding bulong nito sa kanya na ikinalaki ng mata niya.
Di siya makapaniwala sa kapal ng mukha nito.
"Remember lesbi that I'm a fucking straight and let's forget what happened between us sa bahay. It was a mistake and it won't happen again."
"What about our kisses? Kalimutan na rin because it was also a mistake?"
"What are we again? To clear things up, we're friends and that's it."
"Alright, sabi mo eh. I get it." Lumayo na ito nang kaunti at kumain na ng nachos.
Tahimik lang silang dalawa habang nagsscroll lang si McKenzie sa kanyang phone. Kachat din niya si Aubrey na niyayaya siyang makipagdate sa nirereto nito.
Nagsend ito ng tatlong pictures ng lalaki at napataas ang kilay niya sa isang moreno na matangos ang ilong at shaved ang facial hair nito.
Napansin naman ni Kale na kinikilig siya sa kanyang phone kaya dahan-dahan itong sumilip.
"What are you doing?" maarteng sabi nito nang mahuli siya.
Tumayo na siya at iniwan ang pinagkainan. Hinabol pa siya nitong iligpit ang pinagkainan pero di na niya ito nilingon.
"Long time no shit Mc! What's up? May kasama kang kumain?" Saktong dumating din ang mga kaibigan niya.
"Walang kasamang kumain yan. Wala nga siyang jowa saka bawal kumain ang iba rito sa pwesto natin! Malakas lang talagang kumain si Kenz!" pambabara agad ni Natalie sa kanya.
"I liked the one that you sent to me, Brie," pag-iiba niya at hindi na pinatulan si Natalie.
"I told yah girl. I know your type. Check my message," sabay wink nito sa kanya.
Napangiwi siya nang mabasa na half-Italian ito.
"I don't like him, Brie. I had enough trauma from Italian guys. Hard pass sa mga ganyan."
"Ayaw mong magtry ng babae Mc? Wala namang masama kung susubukan mo. Marami akong irereto sa'yo," at tinabihan siya ni Silver.
"No fucking way! Baka nakakalimutan mong straight ako. Isaksak mo sa lungs mo yang mga babae mo. I swear to God at kahit anong mangyari, never ever akong papatol sa kapwa ko babae!"
Nagmake face lang si Silver na kunwaring kumbinsido.
"Sige ikaw bahala, ikaw din. Nagmamagandang loob na nga akong mag-offer ayaw mo pa. Sobrang sarap kaya sa feeling na magmahal ng babae. Yong tipong sobrang maalaga tapos hindi ka pababayaan tapos mas marunong...basta iba talaga 'pag babae. Iba yong tama ko sa kanya," at tila nananaginip na pahayag ni Silver sa kanila.
Parehas ang reaksyon ni Aubrey at McKenzie. Parehas hindi maipinta ang pagmumukha habang si Natalie naman ay hindi kumbinsido.
Amused na amused naman sina Reign, Tyler at Black.
"Edi pano kayo magsesex non? Puro daliri? Nakakangalay ah! O kaya scissoring?" lantarang sabi naman ni Reign kaya minura agad siya ni Silver.
"Oo nga naman I mean wala ka namang jowa Pilak pero kung makapagsalita ka parang meron!" dagdag naman ni Natalie sa tabi ni Black.
"Alam niyo mga inggit lang kayong mga shit kayo! Basta ako happy," at ngiting-ngiti si Silver.
"This is nonsense. Go get some food para naman matuwa ako sa inyo hindi yong puro kayo jowa," utos niya sa mga kaibigan.
"Don't forget, may training tayo ng tennis next week," wika ni Black.
"Argh, bakit meron? Tinatamad ako. Kayo na lang magpractice," tamad na tamad na sagot niya. Hindi na nga niya naisip ang paglalaro ng tennis dahil sa kabusyhan niya nitong mga nakaraang araw.
"Edi magbar na lang tayo!" yaya ni Black.
O-oo na sana siya nang maalala niyang may trabaho pala siya.
"Kayo na lang, busy ako."
"Pass din ako sa bar kayo na lang," sabat agad ni Silver habang dala ang inorder niyang shawarma rice.
Napatingin tuloy silang lahat rito kahit na ang bestfriend nitong si Tyler ay babago ito marinig sa kanya.
"Silv, seryoso ka ba? Parang may mali. First time kong marinig yan ah."
"Ty, alam mo ba, people change so are straights. Alam niyo kasi, masama sa kalusugan ang alak kaya iwas-iwas na ako diyan. Pero kung gusto niyo magbar, support ko lang kayo." Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.
Nagkukulitan lang sila habang kumakain nang biglang mahinto.
"Silver!"
Napalingon sila sa isang medyo katangkarang babae na maganda at maputi. Nakasuot ito ng puti at napakalinis tingnan. Isang nursing student.
Dali-daling tumayo si Silver at nilapitan ito. Ang lapad ng ngiti ng babae nang nakakawit na ang braso nito kay Silver. Hindi na nagpaalam pa ang kaibigan nila at umalis na agad ang dalawa.
"What did just happen? Totoo ba yon?" basag ni Natalie sa shocked pa rin na mga kaibigan.
"Klaro na ang lahat. Masaya na ang tropa nating si Silver! Kawawa ka na bro Tyler, iniwan ka na ni bff." Binatukan agad ni Tyler si Reign.
Balik-klase na rin sila at lutang ang isip ni McKenzie kung ano ang mga dapat niyang gawin. Mamaya ay magsisimula na siyang magtrabaho kay Mang Estong tapos dumagdag pa ang Daddy niyang madalas siyang pinapaalalahanan na 'wag gaanong nakikipagclose sa mga taong di pa gaanong lubusang kilala gaya ni Kale. Isama pa ang ex niyang sakit sa ulo.
Lahat na lang ay problema niya.
Due na rin ng bills niya sa penthouse tapos may mga maintenance pa siyang need bayaran para doon.
Her classes went well at nagmadali na siyang umuwi.
"You're going home?" She stopped when she heard the familiar voice.
Sumama agad ang timpla niya at agad itong nilampasan nang bigla siyang hawakan nito sa braso nang mahigpit.
He's in his formal attire minus the coat. His rolex is showing.
"Let go of me. I don't need you in my life," mariin niyang sabi rito pero nginitian lang siya nito at hindi binitiwan.
"So are you going home now? Ihahatid na kita."
"No need. Kaya kong umuwi—
"Stop being stubborn McKenzie. You're mine and you will always be kaya ako ang masusunod."
"Pwes ako ang may katawan kaya ako ang masusunod!" at marahas niyang binawi ang braso. "Hindi pa ako uuwi. If I were you, umuwi ka na sa Spain at huwag nang bumalik dito!"
"Ooh, I like that," sabay ngisi nito sa kanya. "If you're not going home yet, saan ka pupunta? Ihahatid na kita."
"I have a date."
Napapikit na lang siya sa sariling katangahan dahil iniisip lang niya yon pero di niya namalayang nasabi niya na. Kumunot agad ang noo ni Royce at sobrang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"Who's the guy?" seryosong tanong nito sa kanya.
"None of your business," at iniwan na niya ito.
She went home first sa kanyang penthouse to change clothes then dumiretso na siya sa talyer ni Mang Estong.
"Good afternoon Mang Estong," magalang na tawag niya rito kaya napaslide pasulong si Mang Estong para makita si McKenzie. Abala kasing nagkukumpuni ang matanda sa ilalim ng isang Toyota vios.
Butil-butil ang pawis nito sa matipunong katawan at ang mga grasa ay kumulay na sa damit at maputi nitong balat.
"Pumasok ka na pala McKenzie, gandang hapon din sa'yo. Ano ready ka na ba?"
"Ready-ng-ready na po Mang Estong!" game na game niyang sagot. Nagpunas lang ng kamay si Mang Estong at tinambakan agad siya ng sangkatutak na mga papeles at gawain.
"Pakiayos at check lahat ng transaction then i-log mo diyan sa logbook tapos pakicheck din yong emails diyan sa pc ko. Ikaw na rin mag-ayos ng socmed page ng talyer ko para ipromote nang maraming makaalam. Kapag may tumawag, sagutin mo agad, in English. Di ka marunong mag-German di ba? Saka ka lang mag-Tagalog kapag pinoy ang kliyente. Sige yan lang muna ang trabaho mo. Kaunti lang muna sa simula," at nakangiting nagthumbs up ito sa kanya.
Nawindang siya sa sinabi nitong kaunti. Hindi nga niya nasundan or better to say na walang nagsink-in sa utak niya.
"Kapag may tanong ka, magtanong ka lang. Kung natapos ka na diyan, tulungan mo ako rito. Asistihan mo lang ako gaya ng mag-abot ka ng screwdriver, wrench o kaya mga gulong tapos maglinis ka na rin para mabilis matapos. Bawal maarte at mareklamo rito," dagdag pa ni Mang Estong habang nagpapalit ng gulong ng vios.
"Sino pong gumagawa ng mga pinapagawa niyo bago niyo ako i-hire?"
"Si Kale."
Gulat na gulat naman siya sa sagot nito at naiimposiblehan siya na kayang gawin ni Kale ang mga yon.
"Siya lang? She's also a bartender na pang-night shift tapos may pasok pa kinabukasan and civil engineering pa siya. Gusto na ata niyang mamatay Mang Estong."
Natawa naman ito. "Grabe ka naman McKenzie. Twice a week lang siyang pumupunta rito saka chinecheck niya lang ang status ng talyer ko pati mga kailangang services ng mga clients. Sa totoo lang, may dati na siyang nahire sa pwesto mo kaso nga ang sabi niya sa akin kailangan daw ng friend niya ng trabaho. Nakiusap pa sakin yan na ipasok ka eh hindi ko naman matiis ang batang yon dahil tinutulungan din niya ako rito. Pinayagan ko kaya ngayon yong pinalitan mo ang magiging alalay ko rito bale kayong dalawa."
Natouch naman siya sa pagtatapat ni Mang Estong. Hindi niya inexpect na ganon pala katotoo si Kale sa mga sinasabi nito at talagang tinulungan siya nito ng walang hinihinging kapalit. Kahit binully na nila ito noon ay kabaitan pa rin ang ipinakita nito sa kanya.
Hindi niya alam kung paano ito pasasalamatan at lalong hindi niya alam kung paano na ito kakausapin dahil sa mga nasambit niyang mga salita na hindi naman siya sigurado.
Problema na naman.
"Magkano naman po ang sasahurin ko?" diretsang tanong niya. Magandang ng segurista at malaman baka mamaya modern slavery pala ito. I don't deserve it.
"Depende sa'yo kung ano ka pero kadalasan 100."
"What do you mean kung ano ako? 100 pesos? Seriously?" Para naman siyang ininsulto kung ganon ang rate niya.
"Mga kabataan talaga nagrereact agad eh di pa tapos. 100 dollars ang minimum rate per day dito lalo na kung di ka pinoy. Yon ang standard ko rito sa talyer dahil maraming ginagawa at solo mo lang. Pero kung purong pinoy ka, minimum wage ka lang in pesos syempre. Ano ka ba purong pinoy? Para mapresyuhan na kita." Walang kahirap-hirap na natapos nito ang pagpapalit ng gulong.
"I'm French."
"Bonjour! 100 euros ang rate mo at parehas kayo ni Bastian na pinalitan mo pero makakasama mo rin dahil siya ang magtuturo sa'yo sa flow ng trabaho rito. Di rin ako kumukuha ng purong pinoy. Iba kasi ang work ethic ng mga pinoy lalo na sa mga ganitong uri ng trabaho na ang handle ay mamahaling sasakyan. Hindi mapagkakatiwalaan at balasubas magtrabaho lalo na kung malaki ang ulo kaysa sa gulong. Minsan hangin lang laman ng ulo kaya nadala na ako."
Tuwang-tuwa siya dahil malaki ang kitaan dito na di niya talaga inaasahan at posible pala yon sa Pinas. Para siyang naka-jackpot sa lottery. Kinocompute na niya sa isip niya kung magkano ang kikitain niya sa isang buwan at talaga nga namang pwede na yon panustos sa mga problema niya.
"Si Nixon po, magkano ang rate niya?" curious niyang tanong.
Tawang-tawa si Mang Estong sa tanong niya. "Matalino kang bata ka ha. Curious ka siguro kung anong lahi ni Kale no?" Tama si Mang Estong sa kanya.
"I know that she can speak German. Maybe she's a German? Am I right?"
Sasagot na sana si Mang Estong nang biglang dumating si Kale at bahagya pa itong nagulat nang makita siya.
"Ngayon mo siya tanungin! Kale, German ka raw ba tanong ni McKenzie." Tuwang-tuwang papalit-palit ng tingin ang matanda sa kanilang dalawa.
Hindi nagustuhan ni Kale ang tanong kaya nawala agad ito sa mood.
"Klaseng tanong yan, patanga." Umalis na ito at pumunta sa storage sa kabilang corner ng silid.
Nagkibit-balikat ang matanda.
"Pagpasensyahan mo na, masungit lang talaga siya sa mga gano'ng usapan. Magtrabaho ka na."
Nagkanya-kanya na sila.
Tutok siya sa pc at finifigure out niya kung paano basahin ang interface. Buti na lang may icons kaya alam niya kung nasaan ang file explorer at gmail. Hindi niya mabasa dahil ibang language ang gamit ng pc. Printing wasn't possible also.
"Kanina ka pa diyan, wala ka pang nagagawa. Di ka ba marunong gumamit ng computer? Make sure na hindi kami talo at lugi sa pagkuha sa'yo." Bumilis agad ang tibok ng puso niya nang kanina pa pala si Kale sa likod niya.
"Can you make it in English? I can't read it kasi."
"Inuutusan mo ba ako?"
Napacrossed arms siya sa pagiging bossy nito. "All I want from you is to help me with this. I don't know what language is this kaya di ako makawork agad," she reasoned out.
"Be nice. Ignore the pc. Work out with your attitude first," at nilayasan siya nito. Napataas siya ng kilay.
"Whatever."
"Hindi ka talaga uusad dito kung attitude ka. Gusto mo atang..."
"What? Say it or you're going to help me here na para magawa ko na lahat. You're wasting our time."
"Make me." Ayaw patalo ni Kale sa kanya.
Hinila niya agad ito at pinaupo sa lap niya. "Now, teach me," seryosong sabi niya rito. She didn't have time for jokes and whatnots.
Ito naman ang tumayo. "Stand up fast."
Nang makatayo siya umupo agad ito at kinabig siya sa bewang para mapaupo sa lap nito.
Kale's arm was now wrapped around her waist. Her heart was beating fast because of the closeness of their bodies. She could feel Kale's soft chest on her back.
She couldn't move like she was paralyzed under her grip.
"Let's start with the basics. First, I'm going to teach you basic German," she whispered to her.
All she can do was to feel hot on Kale's lap.
Tinuturuan lang siya nito ng basic German phrases at mga naka-German na applications. Ipinapakita rin nito ang pagnavigate sa mouse para mapabilis ang paggawa sa pc.
"Wrong again. Ganito lang." Bago pa niya mabawi ang kamay sa mouse ay ipinatong na agad ni Kale ang sariling kamay para mabilis siyang ma-guide.
Kale's holding her hand now and she could feel its warmth and softness that sent a new feeling that she never experienced before. It made her heart thumped more.
Kalahating oras na ang lumipas ay gano'n lang ang posisyon nila habang tinuturuan siya. Nasanay naman siya kaya naging smooth ang pagtuturo nito.
"Let's take a rest for a bit," at sumubsob ito sa likod niya at humigpit ang yakap nito sa bewang niya.
It sent a tingling sensation through her body. She barely moved baka ma-upset na naman niya ito.
Hinawakan na lang niya ang kaliwang kamay nito saka hinaplos ang brasong nakapulupot sa kanya. Nagulat na lang siya nang dalawang braso na ang mahigpit na nakayakap sa bewang niya. Wala na siyang kawala.
Sumandal na ito sa upuan kaya pati siya ay nahila rin. Nanatili pa rin siyang nakakandong na parang bata.
"Hey, let me go," sabi niya habang tinatap ang kamay nito. Kale just groaned, refusing to let her go.
Nanatili lang sila sa ganong posisyon na nakayakap sa kanya si Kale habang nakasubsob ang mukha nito sa likod niya.
Hinayaan lang niya ito ng ilang saglit at unti-unti siyang umalis sa kandungan nito. Nakaalis naman siya ng walang kahirap-hirap at pagtingin niya rito ay tulog na pala ito.
Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Bakas na bakas ang pagod sa itsura nito at stress na never niyang naranasan.
Umalis siya upang maghanap ng kumot para hindi ito lamigin dahil sa lakas ng aircon. Nang wala siyang mahanap ay hininaan na lang niya ang aircon at nag-ayos na lang ng files at logbook. Wala rin siyang matatapos sa pc. Natapos siyang mahimbing pa rin ang tulog nito.
"Mang Estong, naayos ko na po ang mga gamit sa loob. Tulog po si Nixon. Pwede na po ba akong umuwi?"
"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi. Ako ng bahala kay Kale. May kwarto naman diyan sa loob."
"There's a room here? Nasaan po?"
"Sa likod lang ng storage. Halos magkatabi lang sila. Gusto mo bang ilipat na si Kale ngayon na?"
"Kung pwede then why not?" at inihagis ni Mang Estong ang susi na maagap naman niyang sinalo.
"Hintayin mo na ako sa loob. Maghuhugas lang ako."
Mahimbing pa rin ang tulog ni Kale na kanyang tahimik na pinagmamasdan sa malapitan. Sa kanyang isip ay daig pa nito ang kutis-artista.
"Tapos mo na ba siyang titigan? Sige, bibigyan pa kita ng limang segundo," nakangiting sabi ni Mang Estong habang nakasandal sa pintuan.
Agad siyang lumayo sa pagkagulat.
"H-Hindi Mang Estong!" hiyang-hiya na sagot niya. Nagets naman na ni Mang Estong kahit itanggi nito dahil hindi ito makatingin sa kanya.
"Buksan mo na yong kwarto at bubuhatin ko na si Kale."
Maagap niya itong pinigilan. "Ako na po ang magbubuhat sa kanya!"
Di makapaniwala si Mang Estong. "Jusko Marya, sigurado ka? Mabigat 'to."
"I always go to gym manong. I can handle her. Tumabi na po kayo, ako na diyan. Di na po kayo bumabata, baka lumagutok pa ho ang mga buto niyo," confident niyang sagot.
"You're talking too much, bata. Show me," nanghahamong sagot din nito sa kanya at tumabi na ito.
Pasalamat na lang siya dahil naka-maroon track suit adidas siya. Hinubad niya ang kanyang jacket para mas mapadali siya.
Si Mang Estong naman ang natulala sa magandang hubog ng pangangatawan ng magandang dalaga. Nakablack sports bra na lang ang pang-itaas nito.
"Mukhang hindi ka nga nagsisinungaling bata. May boyfriend ka na ba?"
"Let's go manong. Where's her room ba?" Hinarap niya ang matanda habang buhat na parang bride ang natutulog na si Kale. Nakakumot pa ito.
Sa unang bwelo lang siya nahirapan dahil kailangan niyang mag-ingat para hindi ito magising at nang makakuha nang lakas ay madali niya itong nabuhat lalo na't magkasingtangkad lang din silang dalawa.
"Ang bilis mo naman! Di man lang ako kumukurap nabuhat mo na siya!" at itinuro na nito ang kwarto.
Pagpasok ay binuksan agad ng matanda ang ilaw at aircon habang maingat niyang inihiga si Kale.
Maluwag ang buong silid at malaki rin ang kama. May study table sa left corner at may nakahang na shelves sa taas. Sa kanan naman ay may closet at lutuan.
"Uuwi ka na rin di ba? Pakipatay na lang ang ilaw at pakilock ang pinto," at inihagis nito sa kanya ang jacket niya.
"Thanks manong but I think mamaya na lang po ako uuwi."
"Mag-oovernight ka rito? Pwede naman. Kung nagugutom ka, may lutuan diyan tapos may stocks diyan sa closet at drawers. May cr din diyan sa likod mo. Di halata kasi kakulay ng pader. Kung may kailangan ka pa, may intercom diyan," at umalis na ito.
Nilock na niya ang pinto at itinuon ang kanyang atensyon kay Kale.
"Tangina, McKenzie. Bakit ganon ang iniisip mo. Why am I having naughty thoughts? Argh! This is all your fault!"
Nakatunganga na lang siya sa gilid ng kama. Nagtatalo ang kanyang isip kung hihiga rin siya o hindi. Sa daming nangyari sa kanya sa buong araw ay napagod din siya.
"Bahala na nga! Please lang, wag kang gagalaw," at humiga na siya sa tabi ni Kale na mahimbing pa rin ang tulog.
Ipinikit lang niya ang mata ay nakatulog na siya.
***
Paggising niya ay nakayakap na sa kanya si Kale at saktong nagdilat na rin ito ng mata kaya nagtama ang kanilang paningin. Parehas pang nanlalabo ang mga mata pero maliwanag na daig pa nila ang magkasintahan sa kanilang posisyon.
"Sorry, nagising ba kita? Akala ko umuwi ka na," at mabilis na humiwalay si Kale sa kanya.
"No, it's fine." Bumangon na rin siya para ayusin ang sarili.
"Gutom ka na ba? May pagkain dito. Baka gusto mo?" alok sa kanya ni Kale. It was past 8pm.
"Thanks but I'll go home na lang. I need to go."
"Paano ka uuwi? May dala ka bang kotse? Mahirap nang sumakay ngayon and it's not safe lalo na't mag-isa ka. Tara, ihahatid na kita."
Lumabas na sila ng kwarto. Naramdaman ni Kale na nauunang maglakad sa kanya si McKenzie.
"Knight, dahan-dahan ka lang sa paglalakad! Baka may matapakan kang gulong o tool box." Mabilis niyang pinapakiradaman si McKenzie habang naglalakad sila sa madilim na talyer.
"Scheiße!" daing ni Kale at isang malakas na pagbagsak ang umalingawngaw sa loob ng talyer.
Napapikit na lang si McKenzie nang akala niya'y matutumba siya ngunit may malambot na bagay ang sumalo sa kanya at dito siya napahiga.
Agad niyang binuksan ang ilaw nang sumigaw si Kale.
Namimilipit ito sa sakit habang sapo-sapo ang right ankle nito. Nakapikit na ito dahil matinding sakit na natamo.
Chineck niya agad ito at halos magpanic siya kung anong gagawin.
"Let's go to the hospital," at akmang aalalayan na niya ito ngunit mabilis siyang pinigilan nito.
"No! K-Kaya ko na 'to. U-Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng Da—
"Baliw ka ba?! You're in pain tapos sasabihin mong kaya mo! Stupid ka talaga!"
Iniisip ni McKenzie kung paano ito tutulungan.
"Give me the keys. If ayaw mong magpaospital, iuuwi kita sa penthouse ko."
Inihagis agad ni Kale sa kanya ang susi. Iniupo niya agad ito nang maayos bago paandarin ang sasakyan.
"Kaya mo na ba?" kalmadong tanong niya rito. Tumango lang ito ngunit bakas pa rin ang sakit na nararamdaman nito. Maingat niyang isinakay si Kale sa loob at umalis na sila pauwi sa penthouse niya.
Lulan ng elevator paakyat sa penthouse niya ay nakaakbay si Kale sa kanya.
"Sorry Knight, naistorbo pa ata ki—
"You know what, nahihirapan akong akayin ka. If you don't mind," at mabilis siyang binuhat nang walang kahirap-hirap ni McKenzie na pa-bridal style. Naikawit niya tuloy ang kamay sa leeg nito.
"Feeling better? Buti na lang naggygym ako. Sayo ko pala magagamit yong paggygym ko," at may pagngisi siyang tumingin kay Kale na bahagyang namumula.
"Hey, look at me. Kinakausap kita."
Hindi ito umiimik at nakasiksik lang sa makinis niyang leeg.
"Patay na ata. Hoy, wag mo akong tulugan. Mukhang sinusulit mo yong pagbuhat ko—
"Shh, I like it here."
Napangiti naman si McKenzie at ganon din ang puso niyang parang kinikiliti.
Saktong bumukas na ang elevator at dumiretso na sila sa penthouse ni McKenzie.
Inihiga niya agad sa kanyang kama si Kale at sinuri ang paa nito. Nanguha siya ng cold compress at inilapat sa namamagang ankle nito.
Napasinghap naman si Kale nang lumapat ito sa paa niya.
"Tao ka rin pala. Akala ko demonyita lang. May itinatago ka rin palang—aray! Dahan-dahan lang please. Ba't mo diniinan?!" muli niyang daing kay McKenzie.
"'Wag mo akong simulan. O baka naman gusto mong dagdagan ko yan. Kung ganyanin ko rin yang kabilang paa mo nang di ka na makalakad. You want?" mataray nitong sabi sa kanya.
"Sungit," sabay pout ni Kale.
"On a serious note, I'm sorry Nixon. It's because of me again that's why you're hurt again and I'm going to help you as much as I can para makabawi sa'yo unless bwisitin mo ako. I'll triple your misery."
"Okay na sana eh kaso may paganon pa. Akala ko bumabait na talaga—Yeah, sabi ko nga. 'Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. It was an accident. Walang may gusto nang nangya—
"What? You looked so surprised. Sa kababaero mong 'yan, aren't you used to this? Ba't namumula ka?" sabay ngisi nito.
Hindi makatingin si Kale kay McKenzie. Pag-angat niya kasi ng tingin ay nakabra't panty na lang ito.
"H-Hindi ako babaero. Umalis ka na nga!" pananaboy pa niya rito ngunit di maitatangging distracted siya sa napakagandang hubog ng katawan ng babae sa harap niya.
"Excuse me?" at nilapitan niya ito saka humalukipkip. "Baka nakakalimutan mong nandito ka sa pamamahay ko. I'm talking to you kaya humarap ka sakin."
Hindi siya humarap.
"So, you're ignoring me after kitang—
Siya naman ang natigil pati na rin ang puso niyang sobrang bilis ng kabog. Bigla siyang hinila ni Kale at ngayo'y nakapatong na siya rito. Magkadikit ang kanilang mga katawan.
"Sobrang lambot mo pala."
"Manyak! Bastos! Lesbi ka talaga! Yuck!" pag-iinarte nito at natigil lang siya nang maglapat ang kanilang mga labi.
"Jusko! Mamamatay na ata ako! Shit, sobrang sakit!" daing ni Kale na namimilipit sa sakit ng sipain ni McKenzie ang paa niya at dali-dali itong pumasok sa cr at iniwan siyang luhaan.