Kabanata 5

Nasa school na ako at si Angeline ay nasa bahay pa, nauna akong pumasok sakanya kasi tinago ko yung sapatos na isusuot niya.

Papunta ako sa cafeteria dahil hindi naman ako nag umagahan. Baka pag nag umagahan pa ako maabutan pa ako nang gaga. Maaga pa naman siyang gumigising kasi ayaw niya ngang malate sa school, pwes ngayong araw nato malalate siya hahahaha. Dinahilan ko nalang kay mommy at daddy na maaga ang pasok namin ngayon kaya di na ako nag umagahan at baka malate pa ako. Oha? Galing ko mag palusot no? HAHAHAHA.

Nasa cafeteria na ako at naka bili  na nang kakainin. salad at saka isang slice ng oreo cheesecake ang kakainin ko. Wag muna isang buo ngayon at baka tumaba ako. Ganda ganda pa naman nang katawan ko at baka sa pag kain nang oreo cheesecake tumaba na ako. Maaga pa naman at 30mins pa bago mag simula ang klase. Kaya makakakain pa ako nang matiwasay.

Habang kumakain ako ay tumabi sakin, na si Jake pala. Kala ko kung sinong siraulo ang tatabi sakin.

"Mahilig ka pala sa damo?" tanong niya

"Excuse me, hindi to damo! Salad to! S A L A D" inispell ko pa sakanya para ipamukha na hindi damo ang kinakain ko. Grrrr.

Napailing siya habang tumatawa "Ganun naden yon! hahahaha pinaganda mo pa!"

"Ewan ko sayo! Aga aga nang aasar ka! Kung wala lang akong utang na loob sayo baka tinataray tarayan kita hanggang ngayon"

"Ay hindi ba taray yan?" natatawang tanong niya.

"hindi."maikli kong sagot habang kumakain

"Kahit ang taray mo gusto padin kita" pabulong niyang sabi

"huh? sinasabi mo jan? pakilakasan di ko kasi marinig" maang maangan kong sabi.

"Wala, sabi ko bilisan mong kumain dahil malalate na tayo sa klase!"

Tinignan ko ang relo ko nang pagtingin ko nagulat ako dahil 5mins nalang pala maguumpisa na ang klase. Ghad! Sinubo ko na nang mabilisan yung oreo cheesecake at sinukbit ko na yung bag ko saaking likod. Tas sabay tayo at hablot nang mineral water, habang naglalakad umiinom na ako nag tubig. Dahil wala nang oras na dun pa uminom.

"Easy hahaha"

"Easy ka jan?! Malalate na ako! Bat ikaw nandito pa?! Wala kabang klase?!"

"Anong walang klase? Magkaklase tayo! Hahahaha"

"Ano?!"

"Sabi ko magkaklase tayo"

"kaklase kita?! E bakit wala ka naman dun kahapon sa room?"

"Syempre may practice kami nang bball remember?"

napatango nalang ako dahil may practice nga pala sila kahapon. I forgot.

"Bilisan na natin anong oras na!"

"Ayan! Paka bagal mo kasing kumain hahaha"

"Anong mabagal?! Kung di mo ako kinausap edi sana asa classroom na tayo ngayon!"

Natawa nalang siya habang umiiling. Pagpasok namin sa pinto ay napa tigil ako dahil halos lahat pala andun na sa klase. At nakatingin pa silang lahat samin na dalawa. Yung iba nag bubulungan.

"Omg girl! Bakit niya kasama si papa Jake?"

"Oo nga girl! Baka inakit niya?"

"Ang landi niya naman!"

"CLASSS!!" Napatigil bigla yung mga nag bubulungan dahil hinampas nang teacher namin yung desk niya.

"Pwede na kayong umupo Ms. De Guzman and Mr. De Leon."