Pwede na kayong umupo Ms. De Guzman and Mr. De Leon." umupo na ako sa upuan ko at si Jake naman ay umupo dun sa likudan ko.
Kaklase din pala namin yung mga ka team niya sa basketball, well ayos lang yon. Dahil lahat naman sila pogi.
Nagsusulat kami ngayon habang nag didiscuss si ma'am at kailangan daw namin mag review dahil may quiz na papasagutan Samin bukas. Habang nagsusulat ako may naramdaman akong may kumakalabit sa likuran ko.
"Bakit ba?! Kita mong nagsusulat kalabi ka nang kalabit." gigil kong sabi kay Jake
"Sabay tayo kain mamaya?" pabulong niyang sabi, baka kasi malintikan kami ni na dalawa pag nalaman na nag uusap kami.
"Oo na, oo na manahimik kalang jan at baka mapalabas tayo na dalawa!"
"Okay, okay, highblood mo naman. Aga aga eh hahaha"
Di ko nalang siya pinansin at nagsulat nalang, baka pag pinansin kopa siya malintikan talaga kami. Late na nga kami tapos baka mapalabas pa nang wala sa oras.
Sa pangalawang sub at pangatlong sub ay nag pasulat lang din at nag discuss, buti naman ay hindi nadagdagan yung quiz.
Nagliligpit na ako nang gamit dahil lunch time na. Habang Nagliligpit ako sumulpot bigla si Jake.
"Oh ano?!"
"Easy, sabay tayo mag lunch remember?"
"Oo na! Teka sandali! Tetext ko muna si Angeline at sasabihin na kasabay ka namin mag lunch, at baka pag di ko sinabi na kasabay ka namin maghihinala yon na jowa kita, OA pa naman yung gagang yon."naiiling kong sabi.
"Bakit pa kailangan mag hinala? E dun din naman punta natin na dalawa." bulong niyang sabi. Bat ba ang hilig hilig non bumulong?!
Di nalang ako nag abala na magtanong baka akalain niya na interesado ako sakanya. Bakit? Hindi ba?! Charot.
"Tara na! gutom na ako!" hinila ako ni Jake pagtapos ko mag ayos nang gamit.
"Teka nga! Gutom na gutom kaba? At kailangan mo pa mang hatak"
"Oo gutom talaga ako! di ako kumain breakfast e hehehe"
"Bat naman di ka kumain?!"
"Oh easy, baka pag kamalan ko na gf Kita hahahaha"
Napairap ako at binawi ko sakanya yung braso ko. kanina niya papala yon hawak hawak habang naglalakad kami, Di ko napansin. Si Jake naman ay tumawa nalang sa kasungitan ko sakanya.
Andito na kami sa cafeteria pero wala pa din yung gaga kong kapatid kaya umorder na kami dahil gutom nadin ako. Bahala na yung gaga kong kapatid na umorder mag isa.
Napansin kong puro mamantikang pagkain yung inorder niya kaya nag salita na ako.
"Ang hilig mo sa mamantikang pagkain Jake"
"Masarap kaya"
"Hindi yan maganda sa katawan. Kaya wala kang abs e." irap kong sabi.
"Nakita mona ba? gusto mo pa hawak ko sayo? baka pag nakita at nahawakan moto tumulo laway mo jan" mayabang niyang sabi.
"Talaga lang huh?" sabay smirk ko.
"ATEEE!!!" nagulat ako dahil biglang sumigaw si angeline. kala ko ba naman kung ano na nangyare.
"Bat ang tagal mo?"
"May tinapos pa kasi kami na activity. nakakainis gutom na gutom na ako"
"Di nga halata" biro kong sabi dahil ang dami niyang inorder na pagkain. Panigurado na mauubos niya yan kasi patay gutom siya. Charot.
"Hi kuya!"
"Hello!" ngiting sabi ni Jake kay angeline.
"Kayo na ni ate?"
"ANGELINE! BUNGANGA MO!" inis kong sabi.
"Hindi pa, pero dun nadin papunta yon" sabay kindat sakin ni Jake.
"AYIEEEE support!"
"kumain na nga tayo! may susunod pa tayo na klase" sabay irap ko. Nag high five naman yung gaga kong kapatid saka si Jake. Kala mo matagal na magkakilala. close na kasi agad sila.