Pag kauwi ko ay naligo na ako dahil pag nanonood ako ay ayokong naiistorbo ako. Thursday na naman kaya bukas paniguradong walang gaanong papagawa samin. SANA!
Manonood na ako Netflix ng may biglang nag chat sakin, na si Jake pala.
Jake:
Zupp!
Me:
Hi!
Jake:
Kamusta?
Me: Ayos lang, ikaw ba? kamusta practice?
Jake:
Ayos lang din, pero mas maganda kung andun ka hahahaha
Me: Puro ka kabalastugan alam mo yon?!
Chat ko habang nakangiti.
Jake:
Pati sa chat halatang masungit ka ah? hahahaha.
Me: Bala ka jan! Manonood na ako. Goodnight!
Jake:
Okay see you tom mahal! hahaha
Ano daw? Mahal? Pati sa chat ang landi ha? Bukas sakin to.
Kumuha na ako ng popcorn sa baba si Angeline naman ay nanonood din ata kdrama sakanyang kwarto. Adik din yun eh. Binuksan kona yung TV dahil manonood na ako sa netflix. Finally! Makakanood na ulit. Ilang araw din akong di nakanood noh. sinearch kona ang Partners for Justice, season 2 episode 8 na pala ako. sobrang pogi naman ni Doctor Jang cheol. Naiiyak ako huhu sobrang pogi enebe yen.
____________________________________
12:30 na at naka tatlong episodes lang ako. Baka pag tinapos ko yon ay mag mukha akong sabog mamaya sa klase ghad! ayoko namang mangyare yon. Bago ako matulog ay nag fb muna ako saglit ng may nag pop up na friend request sakin.
"Athena Nathalie Reyes sent you a friend request"
Oh, si Athena pala to. Pag ka confirm ko ay inistalk ko siya. Famous din pala siya ha? sabagay, maganda din naman siya at higit sa lahat friendly.
Naalimpungatan ako dahil may kumakatok sa pinto ko nang pagkalakas lakas. Wala bang pinto to?! Kainis.
"ATEEEEE!!!! GISING NA! ANONG ORAS NA OH?! 7:30 ANG PASOK! 6:30 NA!"
Napabalikwas ako nang bangon at tinignan yung orasan ko. Ghad! Mukhang malalate nanaman ako!
"ETO NA! ETO NA!"
"ANONG ORAS NA ATE! malalate tayo pareho!" sigaw ni angeline.
"Mauna kana pumasok! Mamamasahe nalang ako di kaya magpapahatid nalang ako sa isang driver pa ni daddy!" sigaw ko habang naliligo.
"Fine! Bilisan mona!"
Nagmamadali na ako magbihis dahil anong oras na. 10minutes ngalang naging ligo ko dahil pag tinagalan kopa paniguradong late na late na ako. Sa kotse nalang ako mag aayos. Nagmamadali nadin ako bumaba at di ko namalayan na asa sala pala si mommy.
" Oh anak? Anong oras na ah?"
"Nalate po ako ng gising mom. Si Angeline po?"
"Nauna na at sabi mo daw ay paunahin na siya pumasok"
"Mom pasok na po ako! Baka malate ako"
"Sige anak mag ingat ka nalang"
Humalik ako sakanyang pisngi at pinatawag kona yung driver ni daddy.
Sa school nalang siguro ako kakain. Pag kumain ako paniguradong malilintikan na.
7:25 na nung nakarating ako sa school. Dumaan ako saglit sa cafeteria at bumili ng hotdog sandwich saka tubig. Nagmamadali na ako maglakad dahil 5minutes nalang ay malalate na ako. Buti nalang at hindi traffic kanina kaya mabilis akong naihatid sa school.
7:30 sakto ako nakarating sa room. Buti nalang at wala pa teacher namin. Buti nalang.
"Girl! Bakit late ka?" Tanong ni Athena
"Jusko girl anong oras na ako nagising at nag madali pa ako. Di pa nga ako kumakain eh, baka pag kumain pa ako malate ako ng tuluyan." Sabi ko habang kinakain yung binili ko sa cafeteria.
"Yan nood pa kdrama!" Biglang singit ni Jake.
"Sorry na boss" natatawa kong sabi.
"Himala at di mo ako tinatarayan ngayon?" ngisi niyang sabi
"Tse! Manahimik ka muna at kumakain ako!"
"Edi eatwell!" Sabay halik sa pisngi ko.
Namula tuloy ako.
"JAKE! TALAGA NAMAN! BAT BA ANG HILIG MONG MAG NAKAW NG HALIK HA?!" inis kong sabi.
"Sorry na! Ang ganda mo kasi eh! Lalo na pag sinusungitan moko nagagandahan ako lalo sayo"