Sorry na! Ang ganda mo kasi eh! Lalo na pag sinusungitan moko. nagagandahan ako lalo sayo"
"Tangina bro, di ka pala torpe?" birong sabi ni Charles.
"Tanginamo bro! shut the fuck up! pinapahiya moko eh! gago ka!" inis na sabi ni Jake.
Nagtaas nang dalawang kamay si Charles
"Suko na ako bro, baka patakbuhin mo pa ako sa buong school ng 20 times"
"Buti alam mo!" sabay irap ni Jake.
"Bakla ka ba?" bigla kong sabi.
Nabigla yung mga ka team niya at biglang nag hagalpakan. Si Athena naman ay ganun din.
"Ako? Bakla?"
"Oo"
"Captain bakla ka pala? kaya pala palagi kang mabait samin? hahahahaha"
"Gago!"
Bored akong nakatingin sakanya habang kausap ka team niya.
"Sabay tayong kumain ulit maya?" pagharap niya sakin ay nakangiti na ang pang asar.
"Kasabay ko si Athena e."
"Sis ayos lang, sanay naman akong maging thirdwheel duh"
"Pwede din makisabay?" biglang singit ni Charles sa usapan.
"Oo bro sama kana din! para di thirdwheel si Athena haha."
"Mga pare! nag chat si coach sa gc! May practice daw ngayon!" sabing bigla ni Jonathan. yung isang ka-team din niya.
Tumango nalang si Jake at kinuha na yung bag niya.
"Kate alis na kami! may practice pa daw eh." sabay kamot niya sa kanyang ulo.
"Oo ayos lang. See you later."
Tumango nalang siya at lumabas na sila ng classroom.
___________________________________
LUNCH TIME!!!
Nag liligpit na ako ng gamit at si Athena naman ay biglang pinatawag sa office. Susunod nalang daw siya sa Cafeteria pag tapos na siya.
Si Jake naman ay tinext ko nalang na papunta na ako sa cafeteria at iintayin ko nalang sila don ni Charles.
Napahinto ako sa paglalakad dahil biglang tumunog yung cellphone ko.
*RINGGG RINGGG*
"Oh ? Ano kailangan mo?" tanong ko kay Angeline pag kasagot ko sa tawag.
"Grabe naman ate! Ayan agad bungad mo sa maganda mong kapatid?" natatawang sabi ni Angeline sa kabilang linya.
Napairap nalang ako dahil gandang ganda nanaman siya sa sarili niya. Well mas maganda ako no.
"So ano nga kailangan mo? At napa tawag ka?"
"Pwedeng loadan mo ako ate? Hehe"
"Sinasabi ko na nga ba! Gaga ka talaga no? Tatawag kalang pag may kailangan!" inis kong sabi.
"Sige na ate? Please" nag mamakaawa pa ang gaga sa kabilang linya.
"Bat ka pa mag papaload? May wifi naman sa bahay ah?"
"May tatawagan ako ate, buti nga bago pa maubos load ko tinawagan na kita e. Kaso manghihingi ako load hehe"
"Sige na sige na! Send mo sakin gcash mo punyeta ka!"
"Alam ko namang mahal mo ako ate kaya di mo ako matatang gihan eh. Loveyou!"
"Loveyoutoo ! Yuck. Ano akala mo? Libre to?! Tanga! Ililibre mo ako cheesecake! Asa ka namang libre to no?
"Oo na ate! Pwede bang loadan mo na ako?!"
"Oo na punyeta ka! Bababa kona yung tawag!"
Kasalukuyan akong nagtitipa para loadan ang gaga kong kapatid. Nang biglang may humatak sa braso ko.
Sisigaw na sana ako kaso nakita ko bigla si Jake na mapang-asar.
"Kala ko ba asa cafeteria ka na?" sabay taas baba ng dalawang kilay niya.
"Ang sinabi ko papunta palang! Di ko sinabing andun na ako!"
"Sus! Inaantay mo lang ako para sabay tayo e." mahangin niyang sabi.
"Hello? Ang kapal mo naman? Di ba pwedeng tumawag si Angeline at huminto lang ako saglit?" sabay irap ko.
"Oh kalma, kilay mo galit na galit nanaman hahaha"
"Oo na! Oo na! Punyeta ka! Kahit kelan talaga napaka pang asar mo no?"
"Syempre. Atleast Sayo lang ako interesado" sabay kindat ni Jake sakin.
"Dapat na ba akong kiligin sa ka cornihan mo?"
Natawa nalang siya at tumango.
"Asan nga pala si Athena bat di mo kasama?" biglang salita ni Charles, sasabay nga pala siya samin nakalimutan ko.
"Ah, pinatawag sa office. May pinapagawa daw eh, pero susunod nalang daw siya pagtapos."
Tumango nalang siya.
"Tara na? Gutom na ako" sabi ni Jake.
"Let's go bro Hahahaha" sabay akbay ni Charles sakanya.