Kabanata 10

Nasa cafeteria na kami at naka order na nang pagkain. Nagtataka nga ako at hanggang ngayon wala pa din si Athena. Madami ata ang pinapagawa kaya wala pa hanggang ngayon.

"Hilig talaga sa damo, kaya ang payat eh hahaha"

Si Charles naman ay natawa. "Oo pare, ganyan din si Athena mahilig sa damo"

"Bat ba kasi di mo pa ligawan? Pa sabi sabi kapa nang torpe sakin ikaw din pala torpe. Tsk."

"May crush ka pala kay Athena?" pag kasabi ko nun ay biglang namula si Charles.

"Kate!!" may biglang tumawag sakin. na si Athena na pala.

"Oy! Girl! Kala ko di kana makakaabot, buti nalang at kakasimula palang namin kumain."

Umupo siya sa tabi ni Charles dahil ang pwesto namin ay nasa harap namin sila at mag katabi kami ni Jake.

"Oo girl buti nalang talaga! Jusko Malapit na pala intrams! ikaw? Ano hilig mo sa sports? Sasali ka ba?"

Dire-diretsong sabi ni Athena.

"Di ko alam eh, pag iisipan ko"

"Sumali kana! Susuportahan kita" biglang sabi ni Jake.

"Ayieee, girl sumali kana daw! Di lang naman si Jake ang susuporta sayo no! Pati kami! Diba Charles?" ngiting sabi ni Athena.

"Ha? Ah, oo" nahihiyang sabi ni Charles. Di siguro siya mapakali dahil katabi niya si Athena. Manhid kaya tong si Athena? At di niya Maramdaman na crush siya ni Charles?

"Sige! Pag iisipan ko nga! hahahaha saka wala naman akong hilig sa sports no!" natatawa kong sabi.

"Basta pag napag isipan mo, sabihin mo agad sakin ah?

"Oo sige sige! Ikaw ba? Anong sports sasalihan mo?"

"Ako? Badminton siguro, dun ako mahilig eh"

Kibit balikat na sabi ni Athena at binuksan yung salad na dala dala niya. Talagang mahilig pala talaga kaming dalawa sa gulay huh?

"Pareho pala kayong mahilig sa damo?" natatawang tanong ni Jake.

"Shut up! Healthy to no!" sabay na sabi namin ni Athena, sabay apir.

"Suko na ako! Basta sa karne lang ako interesado no! Diba pre? Mas masarap karne kesa sa damo?" natatawang sabi ni Jake.

"Oo pre! Di din ako mahilig sa damo."

"Kaya magka-sundong mag kasundo kayo eh noh? Pati sa pagkain at katarantaduhan parehas kayo e. Bagay kayong mag kapatid." mataray na sabi ni Athena.

Napaubo bigla si Charles.

"Sabi ko nga hindi damo yung gulay eh." sabay kamot sa batok.

"Kung hindi to damo, edi tikman mo tong lettuce sige."

"M-asarap yan! Natikman ko na yan eh." nauutal na sabi ni Charles.

"Kung Natikman mo na edi kainin mo to." inis na sabi ni Athena,

Mukhang mag aaway tong dalawa ah?

Napalunok nalang si Charles at kinain yung lettuce. Hindi naman kasi lasang damo yon no!

"Pare kala ko ba karne lang masarap?" sabi ni Jake.

"Pare! masarap din pala yung gulay, gusto mo itry? O baka gusto mong pilitin ka din ni Kate?" natatawang sabi ni Charles.

"Gago! Bilisan na nga natin! Babalik pa tayo sa court mamaya!" asar na sabi naman ni Jake.

Nag kibit balikat nalang ako, si Charles at si Athena ay natatawa habang kumakain. At si Jake naman ay seryosong kumakain. Bakit? Gusto din niya bang pilitin ko siya? Napailing nalang ako sa naiisip ko at nag patuloy nalang sa pag kain.

___________________________________

Uwian na,  sila Jake at yung mga ka team niya ay nasa court padin.

Pero Umattend naman sila sa klase after lunch.

Habang inaantay ko si Angeline sa labas ng gate nang biglang tumunog yung cellphone ko. May nag text pala.

Nung tinignan ko kung sino ang nag text. Ay si Jake pala.

"Ingat sa pag uwi! Je t'aime"

Nag reply ako at tinanong kung ano yung "Je t'aime" pero ang reply niya lang ay isearch ko nalang daw sa Google. Ayaw pang sabihin. Parang others.

Ano kaya ibig sabihin nun? Ugh.

_____________________________

#792 - teenfiction

Salamat! Salamat!

Kung may mali man ako, comment lang po kayo pero in a nice way. <3

PLEASE FOLLOW ME ON WATTPAD: @MsUnknownnnnnn