Nakauwi na kami ni Angeline at kumakain na kami nila mommy.
"Mga anak anong plano niyo sa paparating na intrams niyo? Ano sports ang sasalihan niyong dalawa?" tanong ni mommy.
"Ako mom swimming, kasi diba matagal na din akong nag siswimming lesson? Magaling naman ako at ilang beses na ako nanalo."
Simpleng sabi ni Angeline.
Tumango tango naman si mommy.
"How about you Kate? Wala ka bang sasalihan na sports? Diba magaling ka naman mag Badminton? Lalo na sa swimming?"
"Oo nga anak, magaling ka pa naman mag swimming. Sa totoo ngalang eh mas magaling ka kay Angeline, Mas madami pa ang medals mo" natatawang sabi ni dad.
"Dad naman! Magaling din naman po ako! At madaming medals. Kaso mas marami yung kay ate" asar na sabi nang gaga kong kapatid.
"Magaling kadin naman anak, kaso mas magaling ang ate mo" natatawa paring sabi ni daddy.
"Tanggapin mona kasi na mas magaling ako" inaasar kong sabi sa kapatid ko.
"Oo na ate! Pasalamat ka mahal kita!"
Natawa nalang kami habang kumakain.
______________________________________
Nagbababad ako sa bath tub ng bigla kong naalala yung sinabi ni Jake na
Je t'aime.
Nag banlaw na ako at nag bihis, para Isearch yung sinabi ni Jake. Ewan ko ba at sabik na sabik akong malaman kung ano ibig sabihin non.
Binuksan kona yung laptop ko at cinlick yung Google at sinearch ko yung word na "Je t'aime"
Nung pag ka click ko ay nagulat ako kung ano ang ibig sabihin non.
Je t'aime (a French phrase meaning "I love you")
Ibig sabihin ba non ay mahal niya ako?
Hindi, hindi pwede.
Paano kung niloloko niya lang ako?